Kabanata 36

5.7K 315 115
                                    

HOPE

"Ang bango mo naman." Ngumiti ako na mula sa likod ko ay ramdam ko ang mga braso ni Chance na pumulupot sa baywang ko.

Ang mainit niyang hininga sa batok ko at ngayon ay ang malambot niyang labi na humahalik sa pisngi ko. He even leaned his head on my shoulder and I giggled the way he playfully wiggled his eyebrows.

"Purong natural 'yan, walang halong chemical." biro ko.

Matamis ang ngiti namin mula sa nagtama naming tingin sa salamin.

"Hmmm... talaga ba?" ngisi ni Chance at tumili ako ng iharap niya ako sa kaniya.

"Oo kaya, wala pa akong pabango-" Natameme ako nang bigla niyang halikan ang labi ko. Mabilis lang pero may tunog iyon na mukhang sinadya niya.

"Hmmm. Natural ngang matamis pero isa pa nga."

"Chance!" tumatawa kong hinampas ang braso niya nang pupugin ako ni Chance ng maliliit na halik sa mukha.

Literal akong nakikiliti sa ginagawa niya kaya hindi ko mapigilan ang tumawa at hingalin.

"T-Tama na. Pinagpapawisan na ako. Haha." awat ko kay Chance at bahagya kong iniharang ang kamay ko sa kaniya.

Mula kaninang pag-gising ay wala na siyang ibang ginawa kundi ang ngumiti at bolahin ako.

He even wake me up with prepared breakfast and no doubt na marunong-mali, masarap siyang magluto which I think ay mukhang nakuha niya kay Tita Ayen.

At hindi na ako nahihiya. Sabay pa nga kami naligo kanina. Ahihi. May taga-hilod na ako ng libag sa likod na hindi ko laging naabot.

"Kaliligo lang natin, eh. Mababasa agad ang damit ko." reklamo kong nakangiti sa kaniya at bumaba ang tingin niya sa suot kong damit.

I'm wearing a high waist denim shorts kung saan naka-tuck in pa ang oversized kong statement shirt.

"Hmmm. May mas bagay kang isuot today."

"Nako! Chance kung dress at pang-sexy lang 'yan. Huwag na. Never mo ako mapagsusuot ng ganiyan." ismid ko kay Chance.

Ayoko talaga magsuot ng ibang outfit. Kuntento na ako sa mga shorts at oversized shirt ko.

Comfy at hindi masyadong mahal.

"Kung gusto kita maging sexy, dapat sa paningin ko lang and better kung nakahubad ka."

"Chance!" suway ko at tumawa siyang bumitaw sa akin.

May kinuha siyang paper bag na siyang dala kanina ni Chase. Yeah, dumaan dito si Chance pero kasalukuyan akong nagbibihis.

"Here." sabay pakita ni Chance sa akin ng isang pink na oversized shirt but this one has no statement pero may minimal design ng honey jar and dotted lines-a trace of bees left from the honey.

"Cute." nakangiti kong sabi. Cute naman talaga at dahil sabi ni Chance ay kinuha ko iyon.

"Teka, magpapalit ako." sabi ko at agad akong pumunta ng banyo para magpalit ng t-shirt, inayos ko na rin ang tuck in ko.

And tada! Cute naman ng t-shirt and I smiled to myself knowing Chance never force me to wear clothes na hindi ako comfy, instead he support me with these.

Hmmm. Mukhang hindi siya nakakainis na jowa. For just a short period of time ay nararamdaman ko ang pagiging buhay prinsesa ko sa bawat kilos niya.

"Tada! Ito na!" bungad ko kay Chance paglabas ko ng banyo at humarap siya sa akin.

But what really caught my attention is that Chance also changed his polo into a pink shirt.

I smiled as I saw that his shirts has a dotted lines, a trace from a bee and the missing bees from my shirt found on his shirt.

Chasing ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon