Epilogue

9.4K 543 273
                                    

You may listen to:
I choose you

HOPE

I'm wearing a three-inch white wedge with a blue fairy mesh flared sleeve dress. Francis arranged my hair in a messy knot and let some curly strands fall. I asked Francis for my outfit this evening.'Cause why not? I'm not used to dressing up. Fortunately, my belly bump is not evident in this dress.

Mukha lang akong nag-unli rice ng sampong beses sa mang inasal. Iyong siksik kaya buti na lang at hindi masagwa na mag-dress ako ngayong gabi for the art exhibit.

May dress code kasi sila kaya kahit sapatos ay napilitan akong magsuot ng wedge. Humawak ako kay Francis para kumuha ng balanse.

Nahihirapan kasi akong magsuot talaga ng mataas na sapatos. Oo, unano ako pero hindi ko na pinipilit maging matangkad.

"Gandara ka tonight, Akla." hagikgik ni Francis na nakatingin sa akin. Sinama ko siya sa art exhibit para naman may karamay ako sa magiging resulta.

"Ngayon lang? Everyday kayo ako maganda." biro ko.

"Maganda ka nga 'di ka naman pinili."

"Francisco Estabillo!" suway ko kay Francis at malandi siyang tumawa.

Ang lakas talaga mang-asar, eh. Kaya mahirap magkwento kay Bakla dahil hindi niya ako titigilan sa kaka-bully niya.

But syempre 'di naman ako naiinis lalo na at ganito siya kalambing. Yumapos siya sa braso ko at sumandal.

"Charing! Wuvyu, Akla. Basta pretty ka tonight. Mukha kang nuno sa punso na naging diwata." hagikgik niya at pasimple kong kinurot ang tagiliran ni Francis.

Pero imbis na mainis si Francis ay tumawa pa siya. I'm so lucky that I have him as a friend, sila ni Jared. Never kong naramdaman na mag-isa ako dahil palagi silang nakaalalay sa akin.

"Bakal na ji-jingle akis." reklamo lang ni Francis kaya luminga ako para hanapin iyong banyo.

"Ayun! 'Yung men's comfort room. Alam ko naman sisilip ka lang ng mga etits." biro ko at hinampas niya ang braso ko.

"Gaga! Sisilipin ko lang kung kaninong art ang may magandang hulma. Ahihi." hagikgik ni Francis at tumawa ako sa kalokohan niya.

"Sige, hanapin ko lang 'yung art ko." sabi ko kay Francis ay tumango siyang nagpunta sa banyo.

Naglakad-lakad ako sa buong museum at namamangha kong pinagmamasdan ang bawat gawa ng mga kasali sa art exhibit.

Iba't ibang medium din ang ginamit nila and really, it made my heart flutters. Ang ganda at ang gagaling nila. Mas lalo tuloy akong kinakabahan kung may pag-asa ba akong mapili.

Natigilan ako sa paglalakad nang mapansin kong maraming tao ang nagkakagulo sa isang side. Nakatumpok sila at kinukuhanan pa nila ng litrato ang nakapaskil na art doon.

I think may nanalo na for golden eye catching award. Hindi ko tuloy maiwasang lumapit para tingnan ang pinagkakaguluhan ng marami.

Tumingkad pa ako pero talagang wala akong makita kaya naman nakipagsiksikan ako para lang makalapit.

I stopped in front of the art itself and I gasped when I found a wood board inside a dimmed box.

Sa loob noon ay makikita ang mismong art kung saan may dalawang palm print doon na naging hugis puso. Ang isa ay mula sa maliit na palad, which I think is palm print ng babae samantalang ang isa ay halatang galing sa palad ng lalaki.

Chasing ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon