Kabanata 31

5.5K 339 116
                                    

HOPE

"Gumising ka na." pangungulit ni Chance pero hindi ako kumibo.

Antok na antok ang buo kong katawan at natutulog pa ang kaluluwa ko sa magdamag na pagbabantay ni Chance.

And yes, binantayan niya ako kagabi para siguraduhin na hindi ako tatakas. Mukhang nakatunog siya sa plano namin nila Francis kaya ang ending parehas lang kaming puyat.

"Sabing gumising kana, nandito na tayo sa Paris." niyugyog ulit ni Chance ang balikat ko at para akong batang umiingit.

Ayoko pang tumayo. Gusto ko na lang matulog.

"Five minutes."

"Five minutes? Wala ka sa bahay. Tayo!" sermon ulit ni Chance at hinila niya ang dalawang braso ko para kaladkarin patayo.

Hinayaan ko siyang tangayin ako at kulang na lang ay literal akong maging mop ng sahig.

"Huhu. Bakit kasi hindi ka natulog kagabi." hagulgol kong reklamo at literal na talaga akong hinila pababa ni Chance sa eroplano.

"Sanay ako magpuyat sa trabaho."

"Pero wala kang trabaho kagabi." iyak ko muli na animo'y batang hindi napagbigyan na bumili ng candy.

Nakakaasar kasi, eh. Hindi ako nakatakas kaya ayun, nagtatampo si Francis sa akin.

Nagsend naman ako sa kaniya ng mga picture ni Chance na nakabantay talaga, literal na guard sa may pinto.

And yes, he even block the door itself. Doon nga rin siya natulog sa may sofa, hinila niya ang couch para harangan ang pinto at masigurado lang na hindi ko siya maiisahan.

Huhu. Ang hirap talaga magnakaw ng halik sa tao, nakarma agad ako.

Ngayon ang problema ko pagbalik ng Manila ay sa kung paano ko susuyuin si Francis.

Mabubutas ang bulsa ko para lang mapatawad ako ni Akla.

"My job is to make sure na hindi ka tatakas. Kaya kung iniisip mong tanga ako, pwes mali ka. I know exactly what you are planning." he admitted and I pull myself.

Sa sobrang inis ko ay umupo ako sa may sahig ng eroplano at nakapikit na pumapadyak.

"Alam mo naman pala! Sana hinayaan mo na lang ako o kaya sumama ka. Kainis!" nagmumuryot kong reklamo at bumuntonghininga si Chance.

"Get up! Mukha kang tanga diyan."

"Ayoko! Dito na lang ako." kumapit ako sa poste at hindi ako sasama sa kaniya.

Sasama ako sa eroplano pabalik ng Pilipinas.

"Tss! Mukha kang unggoy na puyat diyan. Get up!" pikon na utos ni Chance at hinila-hila niya na ako.

"Tayo!"

"Ayaw!"

"Tayo sabi, eh!"

"Ayoko nga!"

"Tatayo ka o kakaladkarin kita."

"As if naman kaya mo kong kaladkarin! Bleh!" pagmamatigas ko at mahigpit ang naging yakap ko sa poste. Papikit na rin sana ako pero tumili ako sa gulat nang bigla akong buhatin ni Chance at isinakay sa ibabaw ng maleta.

"Chance!" tili ko nang mula sa pagkakasakay ko sa maleta ay nilagyan niya pa ng tali ang bewang ko bago niya hinila ang mga maleta namin.

"Kapag nahulog ka, hindi kita pupulutin sa lapag." pagbabanta niya kaya humigpit ang kapit ko sa may malate at sumandal sa bakal nito.

"Kasalanan mo 'to kapag nahulog ako." reklamo ko at para lang akong bata na nakasakay sa maleta.

Buti na lang ay maliit lang ako and luckily, sa may VIP lane kami dumaan kaya iilan lang ang nakakita sa ginawa sa akin ni Chance.

Chasing ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon