Kabanata 48

6.4K 468 204
                                    

Hola! May flashbacks dito ah. Haha! And natatakot ako sa mga comment niyo haha. Parang konti na lang ipapakulam niyo na ako. Hahaha. Hope you enjoy.

Final na ang ending. I'll fix on my last option para sa inyo. Kahit labag sa loob ko. Chariz! Haha. Mga last 1 chapter na lang siguro tayo. Love you 😘

CHANCE

"Chance,"

"Dad," Tumigil ako sa pagtawag ni Dad sa akin. He was smiling at me, and he gently tapped my shoulder.
 

"Papasok ka na?"

"Yeah, I'm actually late." Sabay tingin ko sa suot na relo kaya naman nagmamadali akong umalis but of course, I could still spend a little time with him.

"Huwag ka masyadong magpakapagod. Sinabi ng doktor na bawal pa sayo ang magtrabaho." paalala niya.

Sinabihan ako ng doktor na hindi pa ako pwedeng magtrabaho pero ayokong makulong sa bahay. Naiinip lang ako kaya naman ito, hinayaan ako ni Dad na pumasok as long as I'm overdoing and over-stressing myself.

"Yeah, I know. Thanks."

"Nga pala, we'll be having a family dinner sa Sunday."

"Can I invite Ysa?" tanong ko kay Dad and Ysa will be part of our family soon. Hindi naman iyon bago sa kanila dahil legal naman kami ni Ysa at matagal na rin kami.

We are actually planning for our wedding.

"Y-Yeah, sure. She's always welcome. Alam mo naman 'yan and, can we also talk about the wedding? H-Hindi ba nag-propose ka ulit sa kaniya?" tanong ni Dad and I don't remember that I made an earlier proposal for her.

But of course, I still want to marry her at masaya ako na suportado ako nila Dad sa mga desisyon ko.

"Yea—" natigilan ako nang mahagip kong may tao mula sa labas ng gate. Nagmamadali siyang tumakbo palayo pero sigurado akong narinig niya ang usapan namin ni Dad. Pero ang pinagtataka ko ay kung ano'ng gagawin dito ni Ms. Perez.

"What's wrong son?" tanong ni Dad at agad akong umiling sa kaniya.

"Nothing," Baka namamalikmata lang ako dahim imposible naman na pupunta dito si Ms. Perez kung sa opisina nga ay hindi na siya nagpapakita.

"Chance, I just want to ask if sigurado ka na ba sa kasal." usisa ni Dad at nagtataka ko siyang nilingon.

"Of course. Dad, alam mo naman na matagal ko ng gustong pakasalan si Ysa."

"Alam ko pero masaya ka ba?" nag-aalalang tanong ni Dad at naguguluhan ako sa klase ng tono niya.

They are acting strange around me. Hindi ko alam pero palagi nila akong tinatanong kung masaya ba ako sa mga ginagawa ko and of course, I'm happy.

Who wouldn't be happy with these life. I have everything I want. A good and happy family, a business in line with my profession and a loving girlfriend. Wala na akong hinahanap pang iba.

"Of course, Dad. Masaya ako." nakangiti kong sabi at matamis ang naging ngiti niya pabalik.

"I want to make sure that you are already contented with your chosen path, Chance. Ayoko na magsisi ka sa huli." paalala ni Dad at tumango ako sa kaniya.

Hindi ko talaga sila ma-gets nitong mga nakaraang araw pero masaya naman ako. Sigurado ako roon kahit pa minsan, hindi ko matukoy kung bakit parang may mali sa paligid ko lalo na kapag nandiyan siya, si Ms. Perez. I'm damn stupid kasi hanggang dito sa bahay ay na iisip ko na pwedeng siya iyong nakasilip kanina.

 
I can even hear her voices around me and remember how her smiles fade away when I'm around.

"We are always here to support you, Chance. Kung masaya ka diyan, then go for it. But din forget to listen to this." sabay turo ni Dad sa gawi ng puso ko at matamis ang ngiti niya sa akin.

Chasing ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon