Kabanata 43

5.4K 394 137
                                    

HOPE

"Mapait 'yan." simangot na reklamo ni Chance nang lagyan ko ng dahon ng ampalaya ang pagkain niya.

Para siyang bata na ayaw kumain ng gulay pero hindi pwede. Kailangan niya kumain ng masunstansya para sa kalusugan niya.

"It's for the health para luminaw ang mga mata mo." pangaral ko sa kaniya at higit lang na kumunot ang noo niya sa akin.

Kahit wala siyang memorya ay mukhang likas sa kaniya ang kasungitan.

"Kalabasa ang pang palinaw ng mga mata hindi ampalaya." simangot na sagot ulit ni Chance sa akin at tinawanan kami ng mga magulang niya.

Gago na 'to! Pinapahiya pa ako sa Nanay at Tatay niya. Ako na nga itong concern sa health niya.

"Whatever. Gulay pa rin 'yan, huwag kang maarte. Subo." sabay subo ko kay Chance at hindi naman siya nagreklamo na nginuya ang mga pagkain.

Medyo masama nga lang ang mukha niya at agad siyang uminom ng tubig.

"Mapai-" pinandilatan ko si Chance sa sasabihin niya at kusa siyang tumigil. Dapat lang. Matuto siyang makuha sa tingin.

Ngumiti siya sa akin at kusang loob na ibinuka ang bibig. "Isa pa. Ah."

"Good boy." sabay subo ko ulit kay Chance at tumawa ang mag-asawang Fuentabella sa amin.

"Buti na lang talaga Hope at nandito ka. Ikaw lang nakakapagpakain diyan kay Chance ng gulay." nakangiting sabi ni Tita Ayen.

Kasalukuyan kaming kumakain ngayon ng tanghalian. Mula kanina na pagdating ko ay hindi ako umalis sa tabi ni Chance.

Sinamahan ko siya sa lahat ng gagawin niya at kapansin-pansin nga na nag-iiba na rin ang mood niya and it's normal naman daw sabi ng doktor na maging moody si Chance dahil sa sakit niya.

And Tita Ayen can't think of any food na lulutuin dahil higit na mas naging pihikan si Chance kaya ako mismo nag-suggest ng gulay.

"Is she a nurse?" bulong ni Chance kay Chase na katabi niya sa kabilang gilid. Kita ko pa nga kinalabit niya ang kakambal.

"No, she's not." nakangiting sagot ni Chase na payapang kumakain.

Halos kadarating nga lang ni Chase at mukhang siya ngayon ang naging abala para tuluyang saluhin ang mga trabahong iniwan ni Chance.

"So, who is she? Nakakatakot siya. Mas bagay niya maging security guard sa labas." bulong na sumbong muli ni Chance at lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Lumakas naman ang tawa ni Tito Ryan at Tita Ayen na halatang nalilibang sa pinagsasabi ng anak nila.

A-Ako? Security guard? Mukha ba akong may batuta? Nakalimutan ata ni Chance na batuta niya lang ang hinahawakan ko tuwing gabi.

Ay, oo nga pala wala nga pala siyang memorya pero 'pag bumalik lang talaga ang alaala ni Chance, rorondahan ko siya hanggang maging lantang batuta na ang talong niya.

"You better listen to her, it's your choice." ngising sagot ni Chase at kinindatan pa niya ako.

Inismiran ko siya at hindi ko pa rin nakakalimutan na may atraso siya sa akin. Pero sige, magiging mabait ako kay Chase tutal na sabi naman niya nang maayos ang lahat sa pamilya niya.

At sapat na sa akin na kasama ko si Chance and speaking of Chance, nagtataka ko siyang nilingon ng sundot-sundutin niya ang braso ko.

Para siyang bata na kinakabahan na mapalo at ang cute ng mga mata niya. Susko! Parang ang sarap yatang kagatin ni Chance at kamukha niya iyong mga cute na aso na nagpapa-cute.

Chasing ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon