Chapter 18

6.7K 240 0
                                    


AKIRA'S POV

"Mag concentrate ka!!" -Josh

Nakailang sabi na ba siya niyan kanina?

"Oo na"

Yan lang ang lagi kong sagot sa kanya kaya napapatagal ang practice namin....

"Sabi ngang seryosohin mo na?!" -Josh

Bigla na lamang nqgkalat ang apoy sa paligid naming dalawa katulad ulit na nangyari sa magic field nung nakikipaglaban pa ako kay Karen Nor. Pero iba ito, dahil sa kanya nag mula ang mga apoy na pumalibot sa aming dalawa kaya di ako nakakasigurado kung ligtas ako dito.

"Ilabas mo na kasi yang Familiar Spirit mo Akira!!! Para hindi na tayo mag tagal pa!!!" -Josh. Naiinis na sabi nito.

Tsk! Wala naman akong kaluluwang kasama noh! Nabubuang na ba siya?

"Yan ang kaluluwa na kasama mo?" Takang tanong ko dito at sabay turo sa malaking ahas na nasa paligid niya.

Mag kasing taas yata sila ni shihou ko.

"Aray!! Kala ko ba practice lang ito?!!!"

Namumuro na sya sa akin ha!! Tamaan ba naman ako ng sword niya. Nababaliw na yata ito!!! Parang pinaglalaruan niya ako sa mga galaw niya.

"Sunod fire balls!!" -Josh. Seryosong sabi na nito at mukhang hindi siya nag bibiro. Bwisit! Delikado ako dito.

Tumakbo ako palayo sa kanya at nagconcentrate ako. Alam ko na tatama pa rin sa akin ang fire balls niya kaya nag concentrate ako para pigilan yun....

"Hoy!! Huwag ka mag pakamatay!! Pigilan mo siya!!! Hoy!! Bingi ka ba?! Huwag kang tumayo lang diyan?!!!" -Sean.

Bat ba ang ingay niya?! Di ba siya nakakasense na need ko mag concentrate?! Gigil siya!

Agad naman ako napadilat ng malapit na sa akin ang Fire balls ng Josh na yun at ng tumingin ako bigla na lang ito tumigil at sumabog ng napakalakas.

Naging magulo ang mga nasa paligid ko matapos ang pagsabog. Ang ibang istudyante ay isa isang napatayo dahil napaupo yung iba sa lapag. Pati rin yung mga ilaw ay kumikislap na rin.

Hala! Anong nangyari?!

Naglakad naman ako papunta kay Josh na iyon para tulungan siya. Ako naaawa sa kanya ee...

Pero mabilis pa sa akin si Sherlyn nasa tabi na siya ni Josh at tinatayo na ito. Malamang teleportation ba naman ang gamit teh..

"Ok lang ba kayo?" Tanonh ko dito pero sinamaan lang ako ng tingin ng josh na yun. Problema niya?!

"Hanga na talaga ako sayo Akira" Nakangiting sabi sa akin ni Sherlyn na ikinakunot ko lang.

Anong pinagsasabi niya? O_O

"Akala mo siguro ako ang may gawa non-" Agad naman akong napatigil ng may maramdaman akong enerhiya na nanggagaling sa likuran ko at hindi na ako nakagalaw ng bigla niya akong hilahin papasok sa portal na yun.

"Akira!!!" -Sherlyn. Huling narinig ko bago ako tuluyang lamunin ng portal

AYUMI'S POV

"Akira!!!" -Sherlyn

Agad naman akong napatakbo ng makita kong hinigop ng portal ang kapatid ko.

"Teleportation ang gamit ng kumag na iyon!!!"- Sherlyn

Dahil sa nangyari kaya pinalabas muna ang ilang istudyante sa loob ng gym at pinapunta sa ligtas na lugar.

Kaya kami nila Cassandra na lang ang naiwan dito at pati rin si Sir. Colbert pala. Agad naman ako napatingin sa kinatatayuan ng principal pero mukhang pinaalis na rin siya ng staff.

MOON PRINCESSWhere stories live. Discover now