Chapter 37

3.5K 91 9
                                    

Hello mga Readers  new update po tayo now :) I hope you would like it .. Dedication to chachamakulet21 enjoy reading ^_^


AKIRA'S POV


"Serafina"

"Serafina"

Nagising ako dahil sa pagtawag sa pangalan ko pagtingin ko sa harapan ko may isang babae na nakatalikod sa akin kaya tumayo ako bigla sa kinahihigaan ko.

"S-Sino ka?? Bakit alam mo ang tunay kong pangalan?" Pagkasabi ko non humarap siya sa akin na nakangiti at doon ko nasilayan ang kanyang mukha. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil di ko inaasahan na makikita ko siya.

"M-Mama?" Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya.

"Ngayon lang kita muli nayakap ng ganito, mahal kong Serafina"
Pagkasabi ko non mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya at di ko na malayan ang pagluha ko.

Pagkalipas ng ilang mga segundo ay bumitaw na sya sa akin at tinitigan ako sa mga mata.

"Natutuwa ako dahil pinalaki kanila ng maayos Serafina " sabi niya sa akin sabay pinahiran niya ang mga luha ko

"Isama niyo na po ako sa inyo."

"Gustuhin ko man pero hindi pwede Serafina. Kailangan ka pa nila."

"P-Pero--"

"Kahit anong mangyari hindi kita pababayaan Serafina, Hindi ko hahayaan na gawin niya sayo ang ginawa niya sa akin noon." Pagkasabi niya ng mga salitang iyun tumalikod na siya sa akin at tuluyan na siya lumayo.

"Mama!"

"Ms. Serafina!!" Nagising ako sa pagtawag sa akin at nakita ko si Zen na mukhang nagaalala sa akin.

"Ayos lang po ba kayo?" Pagkasabi na niyun naramdaman ko na nasa kamay ko yung kwintas at yumuko na lang ako.

"Magiging maayos rin ang lahat Serafina" pagkasabi na nyun bigla ko na lang naramdaman ang pagyakap niya sa akin.



----------------

           

  

LOUISE'S POV


"Kailan mo ba ipapakilala ang sarili mo sa kanya Zen?"

"Hindi pa ngayon ang tamang oras Louise"

Tsk. Kahit kailan talaga ito walang kwenta kausap.

"Naiinis na ako sa pagpapanggap mo!! " sabi ko sa kanya sabay bato ng nahawakan kong bagay buti na lang nakailag siya

"Papatayin mo ba ako ha?!!" Sabi niya na namumutla pa hahaha

"Gusto mo ba? Sandali lang uulitin ko ulit" ibabato ko na sana ulit yung nakuha ko ng bigla siyang nag seryoso

"Kahit anong mangyari poprotektahan ko siya dahil yun ang pinangako ko sa sarili ko kapag nagkita muli kami. "

MOON PRINCESSWhere stories live. Discover now