Chapter 4

13.7K 534 2
                                    




**** AKIRA ****

Kasama ko ngayon si Sherlyn, Kristine, Clarise and Cassandra. 

"Asan si Ayumi? "-sherlyn

"Sabi niya may pupuntahan lang daw siya." Sagot ko naman dito

"Ah ganon ba " - Sherlyn at tumango na lamang ako.

"Anyway Girls may ranking sa isang linggo kaya mag handa na tayo " sabi naman ni Cassandra kaya napatingin ako dito.

"Anong ranking Cassandra?" tanong ko sa kanya di ko kasi alam kung ano ang ibig sabihin niyon e.

Gulat ang mga itusara nila na nakatingin sa akin. Ok nagtanong lang naman ako. Ano ang masama sa tanong ko? 

"Seriously di mo alam? "-Kristine na mukhang gulat na gulat sa sinabi ko.

"Bali,  kristine. Magtatanong ba sya kung alam niya?" -sherlyn

"sabi ko nga. " kristine

"So ano ba ang kaya mong gawin,  Akira? " Tanong sa akin ni Cassandra kaya lahat ng atensyon nila ay nasa akin na ngayon. 

"Hmm. Kaya ko maghugas ng mga plato at minsan tumutulong din ako sa mga maids doon sa mansyon.  Minsan nagdidilig din ako ng hardin namin tsa-----" napatigil ako sa pagsasalita nang mapansin ko na nakakunot na yung mga noo nila sa akin.  May mali ba sa sinabi ko?

"Kaso sa paglalaba mabagal ako kasi you know.  Kailangan pang piliin yung mga damit at yu---"

"Enough na Akira" pag awat na sa akin ni Cassandra at pagtingin ko sa kanila ay mga nagpipigip na sila ng tawa. 

Sabi na ee dapat di ko na sinabi na mabagal ako maglaba.  Natatawa tuloy sila sa aki huhu.

"Yan ba ang gagawin mo sa ranking,  Akira? Baka di ka na sikatan ng araw kapag yan ang gagawin mo" natatawang sabi ni Cassandra kaya ako naman ang kumot ang noo sa sinabi niya.  Nang mapansin niya na hindi ako tumatawa ay tumigil na siya at pinakita niya sa akin yung hintuturo niya sabay biglang may apoy na maliit ang lumabas doon at biglang nawala.

"Ang kapangyarihan ko ay apoy." Sabi ni Cassandra sa akin na ikinabigla ko dahil sa paglalabas niya ng apoy sa harapan ko.

"M-May kapangyarihan ka? " Gulat na sabi ko dahilan na ikinataas ng kilay niya.

"Halos lahat dito may tinataglay na iba't-ibang kapangyarihan" paliwanag sa akin ni Kristine. 

"Kaya ano ang sa iyo,  Akira? " nakangiting sabi ni Sherlyn sa akin at mukhang naghihintay sila ng sasabihin ko.

"Ipaliwanag mo sa akin yung ranking" sabi ko kaya napangiti naman si sherlyn sa akin. 

"Karamihan sa istudyante ito yung pinakahihintay nila.  Ang ranking kung saan malaya mong mailalabas ang kapangyarihan mo.  At sa ranking na ito.  Bawat isa sa istudyante ay ipapartner sa kapwa din nilang istudyante.  At doon na magkakaroon ng laban sa kanilang dalawa. " sabi ni Sherlyn

"Sa madaling salita kailangan mong matalo ang kalaban mo at doon sila magbabase kung anong level or gaano na kalakas ang kapangyarihan mo" Clarise dahil sa sinabi nila mas lalo akong kinakabahan ngayon dahil for sure hindi pa ako nakakatapak sa lugar kung saan gaganapin ang ranking.  Paniguradong talo na talaga ako nito huhu.  Di ko naman akalain na may ganito pala sa school na ito.  Kaya pala may magic academy dahil puro pala may kapangyarihan ang mga nag-aaral dito.  Huhu gusto ko nang umuwim mukhang mamamatay ako dito ng maaga. 

"At sigurado akong karamihan sa mga istudyante ngayon ay gusto kang makalaban pati na rin kami" natutuwang sabi ni Kristine.

So ano?!  Kukuyugin nila ako?  Huhu.  I need to go home na! Mommy!  Daddy! 

"Ano kasi ee.  Pwede bang magpass dyan? " sabi ko na lang at napailing naman sila ng sabay dahilan nanlumo na ako huhu.  I'm doomed

"Natatakot ka ba na masaktan mo ang makakalaban,  Akira?  Kaya ayaw mong pumunta sa ranking? " Takang tanong ni Cassandra.  Hindi ako natatakot sa kalaban ko.  Natatakot ako sa sarili ko na baka hindi ko na makita ang pagsikat ng araw.  At makita ko na lang ang bangkay ko. Huhu.

"Ayos lang yan,  Akira pwede ka naman mag praktis ee pero siguraduhin mo lang sa hindi mataong lugar para di ka makasakit" paalala sa akin ni Sherlyn

"Ah s-sige ga-gagawin ko yan sherlyn" alanganin kong ngiti sa kaniya dahilan napangiti na rin siya sa akin.

"Siguro nga ayaw pa ipaalam ang tunay mong lakas.  Tama ba,  Akira? " nakangiting tugon ni Clarise. Kaya napatingin ako dito dahil sa sinabi niya.

"Pasensya na kayo ah.  Hindi kasi basta basta ito" kasi sa totoo lang hindi ko rin alam kung may kapangyarihan ba talaga akong taglay haha.  Natawa na langa ko ng alanganin.  Shems!  Kailangan kong mapuntahan si Ate Ayumi.  Asan ba kasi yun nag susuot ngayon?  Tss.

"Sa bagay.  Parehas lang tayo,  Akira.  Hindi ko rin basta basta inilalabas yung lakas ko.  Except dyan kay Cassandra" matalim na titig ni Sherlyn kay Cassandra

"What?!  Gusto ko lang naman ipaalam sa kanya na isa sa elemental powers ang kapangyarihan ko noh" pagmamataray ni Cassandra dito.

"Kahit na,  Cass." Sabat naman ni Kristine dito. 

"Whatever" Cassandra

"Asan na ba yung si Ayumi? " Clarisse habang tinitignan yung mga tao na papasok sa cafeteria.

"Mukhang naggala pa yung si Ayumi " Kristine

"Sa bagay,  ganun din kasi yung ginawa ko nung unang punta ko dito" dagdag pa ni Clarise.

"Tapos maghahanap ka ng mga gwapo noh? " kinikilig na sabi ni Cassandra kaya napatingin kami sa kaniya.

"What?!  Totoo naman ee.  Ang dami kayang gwapo dito" dagdag pa niya muli.

"Sana maganda din ang ugali" sabi ko na lang sabay inom ng apple juice ko.

"Si Sean ba ang tinutukoy mo? " Natatawang sabi ni Cassandra kaya tinignan ko siya ng masama.

"Hindi" walang gana kong sagot.

"At hindi siya gwapo" dagdag ko pa.

"Halos lahat ng girls dito nagkakandarapa sa kaniya noh.  Imposibleng hindi ka naapektuhan ng charm niya" natatawang sabi ni Kristine na ikinataas ko isang kilay ko.

"Mukhang may hindi yatang natamaan ng charm ng suarez na yun" napa smirk na lang din si Clarise sa sinabi niya.  Anong natamaan?  Baka siya pa ang tamaan ko. 

"May kailangan pa akong puntahan.  Kaya maiwan ka na muna kayo" sabi ko na lang at pinigilan naman ako ni Sherlyn

"Saan ka naman pupunta? " tanong niya sa akin.

"Sa hell,  sasama ba kayo? " Firetsong sabi ko sa kanila at isa isa na lang silang naging busy sa kung anong ginagawa nila na ikinakunot ko naman. 

"Tatapusin ko muna itong binabasa ko,  Akira.  Ingat ka" Clarise.  Habang kumakain pa siya.  Ibang klase din ito.  Katulad din si Ate Ayumi.  Puro libro kausap.

"Hindi pa ako tapos kumain,  Akira.  Ikaw na lang mauna.  Bye " aabay ngiti ni Kristine at tinuloy na niya ang paglamon niya.

"May aayusin pa akong assignment.  May hindi pa kasi ako nasasagutan.  " sabi naman ni Sherlyn at tinignan ko naman si Cassandra habang pinagmamasdan yung tubig na nasa baso niya.

"Sige na,  Akira. Shoo shoo ka na.  Kailangan ko kasing pag-aralan kung paano ko matatalo ang tubig kaya matagal pa ako dito" sabi niya na inirapan ko lang. 

Naniwala kaagad sila nasa Hell ako pupunta?  Nabubuang na talaga sila.  Kaya agad na akong naglakad palabas na cafeteria para hanapin na ang kapatid kong gala. 

******************************

MOON PRINCESSWhere stories live. Discover now