Chapter 32

4K 110 2
                                    

FrolyneMarollano yung UD na ito sayong sayo :) i hope you like it. ^___^

SEAN'S POV

Nandito ako ngayon sa Dark Forest kung saan nakita ko muli si Kira na akala namin na patay na. Pumunta ako dito dahil alam ko na babalik siya dito.

Nakarinig ako ng kaluskos ng mga damo at pagtingin ko sa harap ko. Di nga ako nagkamali nandito siya.

"Kira?" Tawag ko dito.

Lumapit siya ng kaunti sa akin at parang may gusto siyang sabihin sa akin pero mukhang ayaw niya magsalita kaya lumapit na ako sa kanya.

"Huwag kang lalapit sa akin Sean!" Pigil niya sa akin pero naglakad pa rin ako sa kanya at nang makalapit na ako ay agad ko siyang niyakap. Na miss ko siya sobra.

"Bakit hindi mo sinabing buhay ka pa?" Sabi ko habang yakap yakap ko siya.

"Natatakot ako" sabi niya. Naramdaman ko na umiiyak siya.

"Bakit? Sabihin mo sa akin?" Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Sumama ka na sa akin Sean" sabi niya pero bago pa ako sumagot bigla na lang niya akong hinalikan at may parang may pinainom siya sa akin at nakita ko ang black moon sa noo niya.

"Patayin mo sya" ang huling sinabi niya sa akin at unting unti na nag dilim ang paligid ko.

AKIRA'S POV

Nagising ako sa sakit ng ulo ko para akong nakainom ng alak na ewan.
Pagtingin ko ay nasa kwarto ko na ako at nakita ko kaagad si Fenrir na mahimbing nanatutulog sa ibaba ng kama ko.

"Siguro panaginip lang ang lahat na yun? Kaso ang weird naman ng panaginip ko." sabi ko na lang sa sarili ko. At nagtungo ako sa cr at naghilamos ako ng mukha ko at pagtingin ko sa salamin na estatwa na lang ako bigla dahil nakita ko yung sign na moon na hugis cresent sa noo ko parang katulad din kay Louise.

"Hindi Akira. Namamalikmata ka lang. Hahaha" mukha na akong buang dahil kinakausap ko yung sarili ko sa salamin.

Tinignan ko ulit yung sa noo ko kung nandoon pa rin yung hugis cresent na moon na kulay white at di nga ako nagkamali nandoon pa rin yun. Nanghinawakan ko na ito bigla na lang ito umilaw at sumakit ang ulo ko

"Aaaaaaaahhhhhh!!!" Sigaw ko dahil sobrang sakit ng ulo ko parang may kung anong bagay na gusto pumasok sa isipan ko.

"Aaaaaaaahhhhhh!!!" Natumba na ako sa kinatatayuan ko dahil sa sakit. At parang nagiging malabo ang lahat ng nakikita ko.


AYUMI'S POV

Nandito ako ngayon sa may labas ng kwarto namin ni Akira para magpahinga muna.

"Bakit ba nangyayari ito ngayon?" Sabi ko na lang sa sarili ko sabay takip sa mga mata ko.

"Aaaaaaaaaaahhhhhh!!!" Nakarinig ako ng sigaw sa loob ng kwarto ni Akira kaya dali dali akong tumayo at binuksan ang kwarto niya. Pagtingin ko wala siya sa kama at si Fenrir nakaupo sa may tapat ng pintuan ng cr namin.

"Aaaaaaaaahhhhh!!!" Nakarinig muli ako ng sigaw at nasa loob ito ng cr kaya dali dali ko ito binuksan kaso pinigilan ako ni Fenrir.

'Ayumi sa mga oras na ito unti unti na niyang nalalaman ang lahat ng bagay tungkol sa kanya.'

Nabigla ako ng pumasok sa isipan ko si Fenrir at nagsalita pero nakatingin pa rin siya sa pintuan ng cr namin.

"F-Fenrir?" Tanging lumabas na lang sa bibig ko

MOON PRINCESSWhere stories live. Discover now