Chapter 45 (Part III)

3.1K 72 2
                                    

Hi! Guys, check out my other stories:

Esper - fantasy
Double - action
Moon Princess - fantasy

Enjoy reading!






3rd person

-----Academy-----

Habang abala ang iba sa paghahanda ng kanilang gagamitin sa pakikipag laban. Gumawa ng barrier si Shi Mei sa paligid ng academy at napansin ito ni Clarise kaya lumapit ito dito.

"Kaya mo ba? Baka maubos ang lakas mo?" Tanong ni Clarise dito pero umiling ito.

"Wag mo kong problemahin. Kaya ko pa ang sarili ko. Tulungan mo na lang ang iba" sagot naman nito kay Clarise

"Sige" sabi nito at umalis na.

Habang abala silang lahat. Ang mga dark moon naman ay nakarating na sa Dark Forest at napatigil ang mga ito ng mapansin nila na may barrier na nakapaligid sa academy kaya hindi nila magawang makapasok

"Gumawa sila ng shield" sabi ni Kira

"Anong gagawin mo?" Tanong ni Ayumi ng mapansin nito na lumapit ang demon sa barrier.

"Wawasakin ang ginawa nilang shield" sabi niya sabay gumamit ito ng kapangyarihan niya na ice pero hindi kaagad niya ito nawasak kaya inulit niya ulit ang ginawa niya

"Sa tingin ko mahihirapan tayo kamahalan" sabi ng namumuno sa mga kawal ng Dark Moon kaya napalingon dito ang demon at bigla na lamang niya ito ginawang ice at binasag.

"Wag mong maliitin ang kapangyarihan ko!" Pagkasabi na niyan. Nilabas niya ang tunay niyang kapangyarihan at unti unting nagkaroon ng hiwa ang tinamaan niyang parte at inulit niya muli ang ginawa niya kaya tuluyan ng na wasak ang barrier na promoprotekta sa academy.

"Mukhang pinaghandaan niyo ang pagdating ko ah hahahaha" sabi ng demon sa mga moon at istudyante na nakapaligid sa kanila

"Akira?" Sean

Pinigilan ni Louise si Sean dahil alam nito na hindi si Akira ang kaharap nila ngayong kung hindi ang demon.

"Hindi yan si Akira. Ang kaharap natin ngayon ay ang demon" Louise na ang sama na ng tingin ngayon.

Ngumiti ng nakakaloko ang demon sa kanila at bigla na lang sumugod ang mga Dark Moon kaya ang iba ay nakipaglaban na.

Nakatayo lang si Louise at pinagmamasadan maigi ang demon na nasa harapan niya ngayon.

"Bakit hindi mo ipakita ang tunay mong anyo?!" Sigaw ni Louise dito

"Ito na ang bago kong katawan ngayon, bata! At kung ibibigay mo sa akin si Serina mas lalong matutuwa ako kapag ginawa mo yun" sabi nito at bigla na lamang naging matingkad na pula ang mata ng demon

"Hindi ako alagad mo para sundin kung ano ang pinag uutos mo." sabi ni Louise dito at nagteleport na ito ng espada at pinalipad dito pero nakailag kaagad ang demon.

"Magaling ka rin pala hahahaha" pagkasabi na niyan hindi inaasahan ni Louise na kaya nito ibalik ang atake sa kanya kaya nabigla ito at hindi kaagad na kagalaw kaya hinintay na lamang nito masugatan siya pero bigla na lang lumabas si Sera at sinangga iyun gamit ang natitira niyang kapangyarihan.

"M-Mahal na R-Reyna" laking gulat ni Louise ng makita niya si Sera na nasa harapan niya ngayon.

"Louise, umalis ka na! Hindi mo siya kaya. Ako na ang bahala dito" sabi ni Sera pero imbis na sumunod si Louise hindi niya ito ginawa.

"Tsk. Hindi ko hahayaang pati kayo makuha niya" sabi ni Louise

"Ang drama niyo naman!!" Sabi ng demon at bigla na lang ito nagpakawala sa paligid ng patusok na ice kaya ang iba ay natamaan nito at pati na rin si Louise dahil sa pagsangala nito sa ice.

"Louise!" Sigaw ni Sera dahil natamaan ito ng ice ng demon

"I-Ibalik n-niyo po ............a-ang .......prin.....prinsesa.....kamahalan" sabi ni Louise at unti unti na itong nanghihina at pumikit.

"Louise!!" Sigaw ni Sera

-----------

Nang makaligtas sila Sean sa pinakawalang ice ng demon narinig nila ang sigaw ni Sera at nakita nila na wala na si Louise kaya pinalabas ngayon ni Sean ang tunay niyang lakas at inisa isa niya ang bawat dark moon na nakikita niya.

Ganun din ang ginawa ng iba niyang kasamahan. Kahit sugatan na ang iba patuloy pa rin ang mga ito sa pakikipagdigmaan. Nang di pamasin ni Sean na may dark moon sa likod bigla na lang may sumulpot na lalaki na nakataklob ang mukha at bigla na lang sinaksak ang dark moon na iyun.

"Sino ka?" Tanong ni Sean ng makita niya ito.

"Kakampi niyo ko" sabi nito at bigla na lamang naglaho.

          

SHERLYN'S POV

Nagising ako ng makarinig ako ng ingay na nanggagaling sa labas at doon ko lang na alala na may digmaan palang nagaganap kaya lumabas agad ako ng kwarto at bumaba ako.

Nadatnan ko na ang ibang kasamahan namin ay puro nasugatan na at nang mapansin kong palapit sa akin ang mga dark moon nagteleport ako ng mga kutsilyo at sabay sabay na pinatama sa kanila.

"Sherlyn? Buti naman naisipan mong bumaba?" Tanong sa akin ni Cass ng makalapit siya sa akin.

"Tsk. Mamaya na tayo mag usap Cass" sabi ko sa kanya at sinugod ko kaagad si Kira ng makita ko ito. Tineleport ko sa kanya ang kutsilyo kaya nasaksak ko kaagad siya at natumba siya sa kinatatayuan niya

"S-Sherlyn?" Gulat niya ng makita niya ako

Iteteleport ko na ulit sa kanya ng kutsilyo ko ng bigla siyang harangan ni Rence kaya pinatama ko kaagad sa sahig ang kutsilyo upang sa gayon hindi ko masaktan si Rence

"Bakit hindi mo tinuloy Louise?" Cass ng makalapit siya sa amin.

"Cass si Re------" di ko na naituloy ang sa sabihin ko ng biglang tinutok ni Cass ang kanyang espada kay Rence at sabay hila niya sa akin sa likod niya.

"Cass ano bang ginagawa mo? Si Rence yan!" Sigaw ko sa kanya

"Taksil siya Sherlyn. Siya ang dahilan kung bakit nakuha nila si Akira." Sabi nito ng ikinabigla ko.

"Totoo ba iyon ha?!" Tanong ko kay Rence pero hindi ito sumagot. Ibig sabihin totoo nga.

"Tsk. Tapusin na natin ito!!!" Sigaw ni Cass at agad nito sinugod si Rence pero humarang kaagad si Kira kaya ito ang nasaksak niya.

"K-Kira!!" -Rence sabay salo nito

"Dahil yan sa ginawa mo sa amin. Tama lang na mamatay ka!" Cass at bigla na lang nag apoy ang mga palad niya pati na rin ang espada niya na nababalutan na ng dugo.

"A.......Aka......la ........mo.......b....ba......ka..pag.....n....na.....patay mo  a....ako may mag.......b...ba....ba.....go? " sabay ngisi nito sa amin.

"Meron dahil titiyakin kong hindi ka na mabubuhay pa!" Susugod na sana si Cass ng biglang may malakas na enerhiya ang nagpatumba sa aming lahat at napansin ko na lang may ilaw na nang gagaling papunta doon kung nasan sila Louise.



MOON PRINCESSМесто, где живут истории. Откройте их для себя