Chapter 29

4.7K 127 2
                                    

AYUMI'S POV

Nandito kami ngayon ni Kristine sa office ni Mrs. Valliere at pinag uusapan namin ngayon yung nangyari kay Akane. Atsaka yung bangkay ni Akane buti na lang at pinalibing na rin. Kanina pa ako natatakot doon.. T_T

"Naabutan nyo ba kung sino ang kasama niya doon?" Tanong sa amin ni Mrs. Valliere

"Wala po, pero nakaramdam kami ng kakaibang aura doon sa gubat na dinadaanan namin tapos bigla na lang namin nakita na may bahay pala doon." Paliwanag ni Kristine

"Nagsisimula na naman si-----" biglang na putol ang sasabihin ni Mrs. Valliere ng biglang may nagbukas ng pinto at iniluwa doon si Mr. Colbert na hingal na hingal.

"Mr. Colbert sabi ko kailangan mo munang komatok bag---" -Mrs. Valliere

"Pasensya na po Madam Principal. Nawawala po kasi si Akira. Pinaikot ko na ang mga tagabantay pero di pa rin nila nakikita si Akira." - Sir. Colbert

Nang marinig ko ang pangalan niya bigla akong kinabahan kaya tatakbo na sana ako ng pigilan ako ni Mrs. Valliere.

"Wag kang padalos dalos sa pagkilos Ayumi baka mapahamak ang kapatid mo. Hayaan na natin sa tagabantay ang lahat." Sabi ni Mrs. Valliere.  Na ikinakunot lang ng aking noo.  Tagabantay?

Ano bang pinagsasabi niya!? Wala akong oras para tumunganga sa tabi! Iniisip ko pa lang nawawala si Akira nangangamba na ako. Ayaw kong mangyari ang kinakatakutan ko.

"Pasensya na po Mrs. Valliere di ko po kayang maghintay at tumunganga lang dyan sa tabi habang hinihitay ko kung makikita ko pa si Akira.  Kailangan ko pong kumilos " pagkasabi ko non agad naman siyang ngumiti sa akin .

"Okay. Ihatid mo siya dito ng ligtas. Sasamahan ka ni Mr. Colbert at ni Kristine."- Mrs. Valliere.  Sabi nito at tinignan ko naman si kristine at seryoso ang mukha niya ngayon.

"Salamat po" Yun na lang ang nasabi ko at umalis na kami at dumeretso kaagad kami malapit sa gubat.  Nasa gilid siya ng school kaya di masyado ito napupuntahan ng mga istudyante dahil sabi dito masyadong mapangnib ang lugar na ito. Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa.  Sigurado akong dito pumunta ang kapatid.

"Ayumi!! Kristine!!" Nakita namin si Clarise na tumatakbo papunta sa amin.

"Si Akira--" - Hinihingal na sabi sa amin ni Clarise

"Alam na namin. " Sabay sabi namin ni Kristine at nagkatinginan pa kami.

"Ano ba yan! Kala ko di niyo pa alam! By the way nakabalik na pala kayo hehehehe" - Clarise

Abnormal din itong babae na ito ee. Kung di lang talaga nawawala si akira kanina ko pa ito nabatukan ee.

"Mamaya na kayo magdaldalan dyan.  Kristine " Sir. Colbert

Pagkasabi non ni Sir bigla na lang kami nakapasok sa pinaka loob ng gubat. At masyado talagang creepy tignan dahil ang tataas ng mga puno na nakapaligid sa lugar na toh.  Gubat nga kasi -_-!

"Clarise wag ka ngang dumikit sa akin!!" -Kristine. Napapailing na lang ako sa ginagawa ng dalawang ito.  Kung wala lang kaming kasama dito kanina ko pa sila iniwan.

"Ee sa natatakot ako ee T_T" - clarise na tudo ang kapit niya kay kristine. Halata nga ee.

"Bakit ba kasi sumama ka pa !?" - iritang sabi ni kristine

"Sinama mo kaya ako sa pagteleport mo!!"-clarise na nakasimangot ngayon. Ibig sabihin kasalanan pa ni Kristine.  Ibang klase talaga -_-

"So kasalanan ko ngayon!?"-kristine

MOON PRINCESSWhere stories live. Discover now