Chapter 14

9.4K 304 3
                                    

AKIRA'S POV

"Saan ka ba galing Akira?!"- Cass

"Oo nga, Kanina pa nagsisimula ang Ranking. Saan ka ba gumala?!"- Clarise

"Kanina pa nag-aalala si Ayumi sayo pinahanap ka na nga namin kay Sean dahil wala ka pa?!" -Sherlyn

"Ee-----"

"Saan ka ba nagpunta?!" Ang sakit ng tenga ko sa tatlong ito sumigaw ba naman ng sabay-sabay. Bat ba ayaw muna nila akong patapusin magsalita kaiinis hah!!!

"Akira?" Clarise

"Let me explain" Napapikit kong sabi at alam kong natahimik na sila atsaka ko sila tinignan muli.

"Hinanap ko lang itong si Fenrir kaya natagalan akong pumunta dito" sabi ko sa kanila. Hindi ko na muna binitawan si fenrir dahil baka kung saan na naman ito pumunta

"Sa susunod kasi lagyan mo na ng tali yang tuta mo.  Akira. Atsaka bakit dala dala mo pa yang tuta mo? " Sherlyn at hinimas himas naman nito yung ulo ni Fenrir at mukhang nagustuhan naman ng loko kong alaga.  Kung alam lang sana nila na nakakapag salita ito.  Paniguradong magugulat sila.

"T-Teka lang si Kristine ba yun?!" Sabay turo ko doon sa loob ng magic field. Kasi nandito lang kami sa labas at yung iba pang mga istudyante. 

"Yup" -Clarise

Hindi maaari yun. Baliw na ba sila at pinayagan nitong tatlo na makipaglaban kay Ate Ayumi.

"Chill ka lang.  Walang mangyayari sa kapatid mo.  And besides sila nag ddecide kung sina makakalaban mo" sabi ni Sherlyn sabay nguso sa apat na taong nasa loob ng field.

"Tama siya after nila maglaban tayo na ang susunod Akira "- Cassandra

"W-What?!"

"Niloloko ka lang niyan. Tinatawag nila ang susunod sa loob kaya maghanda ka kung sino ang makakaharap mo." Clarise

Wala akong pakialam kung sino man ang makakalaban ko ang pinag-aalala ko lang si Kristine baka kasi ....ay basta....

"Dapat iba na lang. Dapat umatras si Kristine." Hindi nila alam ang kapangyarihan ni Ayumi.  Masyado ring delikado ang isa na yan huhu.

"Ano bang pinagsasabi mo?" - Sherlyn

Wala na akong magagawa kailangan ni Kristine ng tulong kung hindi baka mapatay siya ni Ate Ayumi...

Isip...

Isip...

Isip...

Aha!!!

"Fenrir puntahan mo si Kristine." Sabi ko dito at tinignan lang ako nito.

"Ano bang pinagsasabi mo Akira? Hindi ka basta't basta makakapasok sa loob noh." -Suway sa akin ni Cassandra

"Kaya nga ee... Kailangan ko ng tulong ni Sherlyn kailangan niyang iteleport si Fenrir sa loob kung hindi mapapatay ni Ate---"

"Woah! Kakaiba ang kapangyarihan nya.  May lumalabas na itim sa buong katawan niya magandang laban ito panigurado" sabi ng isang istudyante na malapit sa amin kaya agad naman akong napatingin dito at tama nga siya.  Nag iiba na ngayon ang aura ni Ayumi.  Shemay! Masyado na naman siya nagpapadala sa laban na ito.

"Akira" seryosong tawag sa akin ni Cassandra


"Huwag mong sabihin na pati yang tuta na yan ay may tinatago rin? "Patuloy na sabi nito kaya napalunok ako.

"Hindi niyo pa nakikita kung paano makipaglaban si Ayumi kaya mas mabuting sundin niyo na lang ang sinabi ko.  Para din naman ito kay Kristine" sabi ko sa kanila

MOON PRINCESSWhere stories live. Discover now