Chapter 45 (Part II)

3.1K 73 0
                                    

Hi! Guys, check out my other stories:

Esper - fantasy
Double - action
Moon Princess - fantasy

Enjoy reading!




KIRA'S POV

Ngayong buhay na ang bruhildang demonyitang ito. Siguro naman mapapatay ko na siya ngayon? Akala niya ba natutuwa ako na buhay siya? Pwes ! Nagkakamali siya. Ayokong pagharian nya ang palasyong ito!

"Kay gandang katawan naman ang ibinigay niyo sa akin, Rei" Sabi ng demonyita

"Katawan yan ng anak ni Serina na s------" Hindi natapos ang pagsasalita ng aking Ama ng mabilis ito makalapit sa kinatatayuan nito at bigla na lang sinakal.

"Hindi mo pa napatay ang anak niya?!" Napako ako sa kinatatayuan ko ng bigla siyang sumigaw halos lahat kami dahil nakakatakot siya! Kaya napahigpit ang paghawak ko sa espada ko

"Patawarin mo a----" ikinabigla naming lahat na bigla na lang ginawa niyang bato ang aking Ama at winasak ito gamit ang kanyang isang kamay.

Sinugod namin kaagad siya ni Ate pero pinutol lang niya ang aming espada at sinakal rin kami.

"Sa tingin niyo makakaya niyo akong dalawa ha!" Sabay hagis niya sa amin

Walanghiya siya!

"Kayong lahat! Kung ayaw niyong magaya sa mahal niyong hari. Sundin niyo ang iuutos ko sa inyo. Mas lalo na kayong dalawa, Ayumi at Kira" sabay ngiti niya sa amin. Kaya napayukom ko na lang ang kamay ko sa galit.

H-Hinding hindi kita mapapatawad!




CASSANDRA'S POV

Pagkatapos namin tulungan ang ibang istudyante na nasugatan hindi pa rin maialis sa isip ko ang pangyayari kanina

"Kristine ano bang ibig sabihin ng nakita ko kanina? Bakit kasama ni Rence ang mga Dark Moon? B-Bakit s-si A-Akira hi-----" Tanong ko kay Kristine dahil naguguluhan pa rin ako

"Maski ako Cass naguguluhan rin. Hindi ko na alam ang gagawin ko." -Kristine

Napalingon kami sa kararating na si Sean.

"Si sherlyn?" Kristine

"Dinala na sa office, pinakalma muna siya." Sean

Nasasaktan pa rin ako sa sinapit ni Josh. Hindi pa rin namin alam kung sino ang mismong pumatay pero alam namin na taga Dark Moon ang may gawa niyon.

"Hindi ito ang tamang oras para mag mukmok tayo. Isa pa, kailangan nating mabawi si Serafina" napatingin kami sa kararating na si Clarise

"Tama siya Cass. Ang intindihin natin ngayon kung paano siya makukuha sa dark moon. " Sean

Hindi ba nila alam na delikado kapag nakapasok doon?!

"Mahirap makapasok sa mismong loob ng palasyong iyun, Clarise! Nilalagay mo sa panganib ang buhay natin, pati na rin ang iba" Kristine

Tama siya marami nang nadadamay dahil sa isang legendary. Tama pa bang lumaban pa kami? Ngayong nasa kalaban na ang legendary na pinoprotektahan namin?

"Tama ka Kristine pero ito lang ang natatanging paraan para maibalik natin ng buhay si Serafina" -Clarise

"Puro ka na lang Serafina! Lagi mo na lang iniintindi ang kalagayan niya?! Paano naman kami Clarise?! Yung ibang tao dito?! Nakatitiyak ka ba na makukuha natin siya na hindi tayo mapapahamak ha?! " nabigla ako ng sabihin ito ni Kristine kaya napatingin ako sa kanya. Hindi ko aasahan na sasabihin niya ito.

MOON PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon