Chapter 31

4.1K 115 2
                                    


AKIRA'S POV

Habang naglalakad ako sa corridor napansin ko kaagad si Louise kaya napag-isipan ko na lumapit sa kanya kaso ng nakita niya ako bigla naman siyang tumakbo palapit sa akin at na out of balance siya sa akin.

*bogsh!!!*

"Louise!!" Singhal ko sa kanya.

"Sorry Akira Hehehe" sabi niya sa akin sabay tayo at tinulungan niya naman ako.

"Kahit kailan talaga ang kulit mo!" Sabi ko dito.

"Ee kasi naman. Miss kasi kita kala ko di na kita makikita huhuhu"sabay acting niya na parang umiiyak. Tss Abnormal talaga ang batang ito .

"Psh! Umiyak ka pag namatay na ako pero ngayon tumigil ka muna dyan sa kadramahan mo." Inis na sabi ko dito

Bigla naman siyang napatingin sa akin at tumingin ng seryoso kaya tinignan ko rin siya.

"Siguro Akira meron ka noh? ---Aray ko!!" Reklamo niya sa akin ng binatukan ko siya dahil kung ano ano na naman ang pinagsasabi niya. Abnormal talaga ang pinsan ko -_-!

"Kung ano ano kasi pumapasok sa isipan mo" sabi ko sa kanya.

Maglalakad na ako palayo sa kanya ng hilahin naman niya ang kamay ko. Kaya sinamaan ko siya ng tingin sa ginawa niya sa akin.

"Tss. Kanina ka pa Louise h---!!!" Di ko na natuloy ang sinasabi ko ng bigla siyang nagsalita sa akin.

"Psh! Wag ka nang magalit sa akin Akira. Alam ko naman na hinahanap mo ngayon si Ate Ayumi ee" sabi niya sa akin sabay ngiti. Asar talaga itong bata na toh!! Kung di ko lang ito pinsan kanina ko pa ito nasapak! Syempre joke lang yun.  Ang bait bait ko kaya.

"Psh"

"Hay nakow! Akira. Tara na nga!" Sabi niya sabay hila sa akin.

"Saan mo naman ako dadalhin?!" Tanong ko sa kanya.

"Edi kay Ate Ayumi."- Louise

"Alam mo kung asan siya?" Tanung ko ulit sa kanya.

"Hihilahin ba kita kung di ko alam? Paganahin mo naman ng kaunti yang isip mo Aki-- ARAY!!!" Di na niya natapos ang sasabihin niya dahil binatukan ko siya. Grabe kasi kung magsalita.

"Itikom mo kasi yang bibig mo!!" Sabi ko

Bigla na lang kami tumigil sa opisina ni Ms. Valiere at pagtingin ko kay Louise nakatingin rin siya sa akin. Problema na naman nito?

"Bat tayo nandito?" Tanong ko sa kanya kaso di naman sya nag salita.

"........................................................" -Louise

"Ano di ka b-----!?" Napatigil ako sa pagsasalita sa kanya dahil narinig ko ang pangalan ko sa loob at alam ko na si Mrs. Valiere ang nagsasalita.

"Isang Valliere si Akira at ang tunay niyang pangalan ay Serafina at ang kanyang ina ay ang aking anak na si Serina. " - hindi ako makagalawa sa kinatatayuan ko dahil sa mga narinig ko mula sa loob.

"Paanong--" nasabi ko na lang bigla dahil maski ako naguluhan sa nalaman ko

"Bakit nyo po hinayaang iwan sa amin ang apo nyo po?!" Anong Apo!? T-Teka si Ate Ayumi ba ang kausap ni Mrs.  Valliere?

"Ibinigay ko siya sa Daddy mo nung nasa panahon kami ng digmaan sa pagitan ng mga demon at pinatakas ko sila dahil kapag isinama ko pa siya sa akin mas lalo lang malalagay sa panganib si Akira ng makaalis na sila sa lugar na iyun binalikan ko ang anak ko (Serina) kaso nahuli na akong dumating naabutan ko na siyang patay na dahil binuwis niya ang buhay niya para maikulong ang mga demon sa kabilang mundo. Kaya gusto ko ilayo si Akira para sa ganon di na maulit ang dati. Ayaw ko na ring makitang may dumanak na namn ng dugo." Di madigest sa utak ko ang mga sinasabi niya. Bakit?!

MOON PRINCESSWhere stories live. Discover now