Chapter 21

6.3K 213 1
                                    

SEAN'S POV

Saan kaya iyon pupunta di man lang tumingin sa akin ang babaeng iyon!!

Sa wakas natapos na rin ang klase namin kanina pa ako bored doon wala man lang akong kasigawan sa room. Tsk bakit ko ba iniisip ang babaeng iyon eh wala naman siyang pakialam sa akin nung nawalan ako ng malay. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin ngayon may mali sa akin iba ang nararamdaman ko. May gusto ba ako sa kaniya?!

"Shit!"

"Ok kalang ba Sean?" -Ayumi

Sabi niya sabay lapit niya sa akin na mukhang nag-aalala talaga. Oo nga pala mind reader si Ayumi baka narinig nya ang mga sinabi ko.

"O-Oo ok lang ako." Sabay kamot ko sa batok ko

"Kasi dapat di mo muna pinilit ang katawan mo."- Clarise

"Tama si Clarise dapat nag pahinga ka na lang muna." - Rence

"Huwag mong masyadong isipin ang little sister ko. Sean, kaya na niya ang sarili niya" -Ayumi

Nabigla naman ako sa sinabi ni Ayumi sa akin. Don't tell me nabasa niya pa rin ang isip ko. Gaano ba kalakas ang mga kapangyarihan ng mga Park?! Except kay Akira alam kung lampa kasi iyon psh.

"Kaya naman pala ee.. Iniisip si Akira haha "- Rence

"Di ko naman siya iniisip!!!"

"Hahahahaha" Hala nagtawanan ba naman silang lahat sa harapan ko!!

"Gusto mo siya makita?" -Ayumi

"Ayumi di ba ayaw niya may nakakaalam kung saan sila nag t-training?" -Clarise

Huh?! Anong training?! Bakit ayaw niya ipaalam kahit kanino? Sabihin ang tatlong ito sa harapan ko ay alam nila kung nasaan si Akira pero ako walang alam!!!

"Tsk kailangan niya rin mala--" -Ayumi

"Nasaan siya Ayumi?"

"Sa labas ng academy na ito. I think nakikipaglaban na siya ngayon." -Ayumi

"What?!"

******************************

AKIRA'S POV

Kasalukuyan akong nakikipaglaban sa labas ng academy. Oo nga pala nakalimutan ko yung hikaw na suot ko ngayon ay isang device hindi siya ordinaryong hikaw lang dito nila ako na ttrack sila Sir. Colbert, Mrs. Valliere at si Josh at ang may pakana ng paglagay ng hikaw sa taenga ko ay walang iba kung hindi ang Josh na iyon!!!

Ayun nakita ko na rin ang lalaking kanina pa takbo ng takbo. Grabe masyado siyang mabilis.

"Tumigil ka na at huwag mo ng pagurin ang sarili mo sa kakatakbo dahil mapapagod ka lang sa akin!!" Inis na sabi ko dito. Nang maharangan ko ang daraanan niya. At mukhang nagulat siya sa paglabas ko at ngumisi ito.

"Tsk. Isang babae ang pipigil sa akin? Ganyan ba sila kahina? Sige na miss umuwi ka na lang dahil di mo ako kaya." Sabi sa akin ng lalaking nakatakip ang mukha. Minamaliit niya ba ako.

"Aalis ako kung ibibigay mo ang ninakaw mong kwintas sa akin.!" Sabi ko dito.

"Tsk nagpapatawa ka ba?"

"Seryoso ako" Sagot ko dito.

"Fenrir kunin mo sa kanya ang kwintas!!" Agad namang tumakbo si Fenrir at kinuha ang kwintas kaya napatakbo na rin ang magnanakaw na lalaking iyon. Tatakbo na rin sana ako ng may maramdaman akong may kasama siya.

"Kakaiba itong babaeng nakaharap natin ngayon" sabi ng lalaki

"Mukha siyang mahina kaya saglit lang siyang patumbahin." Dagdag pa ng kasama nito

"Oo nga at mukhang lampa pa hahaha" Napakunot na lang ang noo ko sa pinagsasabi ng tatlong nasa harapan ko ngayon.

Hindi ako lampa. Sinugod ko sila isa- isa hindi ko pwedeng gamitin ang fire ko dito sapagkat maraming civillian ang mapapahamak.

"Fire blade!" Atake sa akin ng isa na agad ko namang iniwasan pero natamaan naman ang binti ko.

"Paanong?" Sabi ni Sir. Colbert kanina ordinaryo lang sila pero paano nakapag palabas ang lalaking ito ng isang elemental powers?

'Akira ayos ka lang ba?' nag-aalalang tanong sa akin ni Cass. Nasa isang headquaters sila sa labas ng academy namin at i know na malapit lang sila kung saan nakikipaglaban ako.

'Sabi ni Sir. Colbert wala silang mga kapangyarihan.' seryosong sabi ko sa tracking device na binigay sa akin.

'Tsk porket sinabi lang sa iyo naniwala ka kaagad?! Try mo din makiramdam minsan ok?!'- Sabi ni Josh at mukhang na iinis na siya.

'Humanda ka talaga sa akin Josh!!' inis ko din sabi dito.

Sa inis ko tinapon ko yung hikaw kung saan na dedetect nila ako. Bahala na kailangan ko gamitin ito ngayon kaysa matusta ako sa apoy ng lalaking ito.

"Ano na miss? Papatakasin mo na ba kami?" tanong ng lalaking nagpatama sa akin ng apoy

"Asa ka" matapang kong sabi dito

"Hindi ka na makakalaban pa dahil natamaan ko ang binti mo. Mahihirapan ka lang sa amin." Sabi pa ng isa.

"Hahahaha" Nagtawanan pa sila sa harapan ko.

"Sinong nagsabi na kailangan kong tumakbo para mahuli ko kayo?"

"Huh?"

Tineleport ko ang isang lalaki sa isang puno at nilagyan ko na rin ng tali para di makatakas.

Ang isa naman binitin ko patiwarik sa sanga ng puno.

"Ngayon ikaw naman ang sunod" Nagpapasalamat talaga ako at tinuruan ako ni Sherlyn magteleport ng bagay. Akala ko mahihirapan ako pero mabilis ko itong natutuhan kaagad.

"H-Huwag kang l-umapit sa a-akin.." sabi niya habang paatras siyang naglalakad sa kakaatras niya na pa upo siya kaya ito na ang pagkakataon ko.

Tineleport ko ang sarili ko upang makalapit ako sa kanya at tineleport ko mula sa kanya ang mga stick na gawa sa steel at nasa paligid na niya ito ng damit ngayon.

"T-Teleportation k-ka?! A-Ano ang b-bagay na i-ito?!" Tanong ng lalaking may kapangyarihan ng apoy.

"Tinuruan lang ako ng kaibigan ko. Bakit gusto mo rin bang matutuhan? Pero kung sasabihin mo kung saan papunta ang isang kasamahan mo na may hawak ng kwintas di ko na ito ipapasok sa katawan mo" sabi ko sabay angat ng maliit na bakal.

"I-Ikaw a....ang--"

"Tsk asan siya?!" Nauubos na ang pasensya ko sa kaniya. Habang tumatagal nakakalayo na ang mga kasamahan nito.

"Alam kong itatakas na niya iyon dahil mahiwaga ang kwintas na iyon." Sabay ngiti nya sa akin ng nakakaloko

"Mahiwagang kwintas?" Takang tanong ko dito.

"Hindi mo ba alam iyon? Ang sino man makahawak ng kwintas na iyon at ginamit ang kapangyarihan nito ay magkakaroon ng pambihirang kapangyarihan." Dagdag pa nito.

So ibig sabihin di pala iyon ordinaryo lang.

"At dahil doon pwede mapahamak ang mundong ito" Sabi niya sa akin.

Kaya ba ayaw sabihin sa akin ni Sir. Colbert ang tungkol dito?

"Akira?!" Tumatakbo palapit sa akin sila Cass

"A-Ate Ayumi? S-Sean?" Anong ginagawa nila dito?

Tamang-tama sila na ang bahala sa mga ito at susundan ko na ang lalaking may hawak ng kwintas ngayon.

"Tamang- tama kayo na ang magbantay sa mga ito ako na ang huhuli sa isa pa."

"Pero may tama ang binti mo di ka pa makakatakbo." sabi sa akin ni Ate Ayumi

"Tama ang Ate mo Akira. Tsaka bakit mo tinanggap ang misyong ito?" Sabi sa akin ni Sean at mukhang naiinis siya sa nakikita niya ngayon.

"Alam kong nag-aalala kayo sa akin. Don't worry I'll be fine " Sabi ko sa kanila at tumakbo na ako. Kahit nararamdaman ko ang dugo na tumulo sa binti ko ay patuloy pa rin ako sa pagtakbo sapagkat nanganganib kami.

****************************

MOON PRINCESSWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu