Chapter 41

2.9K 71 3
                                    

Dedication to lhenred :) hinihintay mong update. I hope you would like it. Enjoy reading ^_^



SEAN'S POV

Pagmulat ko ng aking mga mata na sa selda na ako at may kung anong bagay ang nakatali sa kamay ko. Hindi ko magawang ilabas ang kapangyarihan ko.

bwisit!

"Asan ba ako?" Tanong ko na lang sa sarili ko at naalala ko bigla si Kira.

Tama si Kira magkasama kami sa gubat non tapos may kung anong pinainom siya sa akin. Pagkatapos wala na akong maalala! 

"Gising ka na pala Sean?" Pagtingin ko sa rehas nakita ko kaagad si Kira at ang mga kasamahan nito at may bitbit pa silang isang babae na walang malay. Hindi ko makita ang mukha ng babae dahil tinakpan nila ito ng itim na tela.

"Bakit mo ito ginagawa sa akin, Kira?! Kala ko ba okay na tayo ah?" Sigaw ko sa kanya. Akala ko nagbago na siya. Nagkamali ako.

"Walang magbabago Sean. Hanggat hindi ko napapatay si Akira!" Sigaw niya sa akin na ikinabigla ko. Bakit ba gusto niyang patayin si Akira. Ano bang kasalanan sa kanya nito?

"Ano bang kasalanan niya sayo?" -ako

"Malalaman mo rin. Ibaba niyo na ang bihag!" Sigaw niya sa mga kasamahan niya.

"Pagsasamahin ba natin sila dito? Mahal na prinsesa?" Tanong ng isang kasamahan niya. Anong prinsesa?

"Oo. Isama niyo na rin ang walang kwentang aso niya!" Pagkasabi ni Kira niyun bigla na lang inihagis ang babae sa selda na kasama ko pati na rin yung aso.

"F-Fenrir?!" -sigaw ko ng makita ko na si Fenrir nga iyun. Wag mong sabihing si Akira itong babae walang malay

"Siguro naman Sean, kilala mo na kung sino ang bihag namin ngayon?" Nakangiting sabi pa niya sa akin kaya galit akong tumingin sa kaniya.

"Pakawalan mo sila Kira!" Pagpupumiglas ko pa.

"Wag kang mag-alala, Sean. Hindi pa ito ang tamang oras. Hahaha! Siguro mas mabuting tawagin mo na siya bilang si Serafina dahil siya ang Prinsesa ng buwan at isang legendary. Hahaha!" Sabi niya at umalis na ito sa selda.

Wag mong sabihing!

'Tanggalin mo ang tela ni Akira, Sean.' Bigla na lang nagsalita sa isip ko si Fenrir kaya ginawa ko ang sinabi niya. Pagkatanggal ko ng tela na nakataklob sa mukha niya. Nakita ko ang walang malay na si Akira at bigla na lang may tumulong luha sa akin ng di ko namalayan

"Anong nangyari at mukhang nanghihina siya?" Tanong ko kay Fenrir pero bago niya ako sagutin umilaw ang bracelet na suot suot niya at lumabas ang isang ahas at pinalibutan si Akira. Pagkatapos bigla na lang dumilat si Akira at dahan dahang umupo.

"Shihou?" sabi niya pa at tinignan niya muna yung paligid niya.

"Ayos ka na ulit Serafina, masyado ka lang nabigla sa pag gamit ng air power mo kaya di kinaya ng katawan mo at saktong dumating si Kira kaya nakuha niya tayo." Sabi ng ahas sa kanya.

"Maraming salamat Shihou" at pumasok na ito sa bracelet ni Akira. Ibig bang sabihin alam na niya na siya ang legendary? Ilang araw ba ako nawala? Ano ba yan?! Nagulo ko na lang bigla ang buhok ko at pagtingin ko nakatingin sa akin si Akira. Nagulat siguro.

"S-Sean bakit ka nandito? Ilang araw ka ng wala sa academy. Anong nangyari sayo?" Sabay lapit niya sa akin

"Dahil kay Kira kaya nandito ako" sagot ko sa kanya

MOON PRINCESSWhere stories live. Discover now