Chapter 30

4.5K 113 5
                                    


AKIRA'S POV

Pagkatapos gamutin ng nurse ang mga sugat ko ay nagpaalam na ako sa kanya at nag thank you na rin ako.

"It's my responsibility to heal you, Your Hi-- i mean Ms. Park" sabi niya sabi ngiti kaya na werduhan ako sa kanya. Pero di ko na iyun pinansin dahil gusto ko makita si Ate Ayumi kasi sobra ko na syang na miss.

Habang naglalakad ako sa corridor na pansin ko si Rence at pati rin si Cassandra na nagkukulitan. I smell fishy

Diresto lang ang lakad ko at mukhang hindi nila ako napansin dahil nalagpasan na nila ako.

"Magkasama lang sila di man lang nila ako nakita... Tss -_-!" Reklamo ko

Dahil busy ako sa kakaisip kung bakit nila ako di na pansin. Nabangga ako sa isang malaking pader at naging dahilan ng pagkabaksak ko sa sahig. Huhuhuhu.  Minamalas ka nga naman.

"Di ka ba tumitingin sa dinaraanan mo?!" Na realise ko na tao pala ang nabangga ko nung nagsalita ito. Malamang tao.  Hindi naman kasi nagsasalita ang pader -.-! Sige ako na baliw, kinakausap ko na ngayon ang sarili ko

"SORRY HA?! " caps lock lahat para feel na feel niya.

"Tss.. Ano uupo ka na lang ba dyan sa gitna ng hallway?" Nagmasalita muli ito parang familiar ang boses niya kaya nung tinignan ko ito. Hindi nga ako nagkamali siya nga.

"Pake mo ba?! Naiinggit ka yata ee. Edi umupo ka rin!" Sabi ko sa Sean na toh. Oo sya lang naman ang kausap ko na walang modo. Naiinis talaga ako pagnakikita ko siya. Ayaw ko talagang nakikita siya pero may kakaiba sa kanya ngayon bakit kaya? Hindi ko sinasabi na gwapo siya ah.  Kase wala naman akong pake sa kaniya. 



"Tsk. Ewan ko sayo." Umalis na siya sa harapan ko pero di man lang ako tinulungan. Grabe ang gentleman niya talaga. Asar!!

"Ewan ko rin sayo!!" Pag kasabi ko non tumayo na ako at naglakad na papalayo sa kanya. Buti na lang walang gaanong tao ngayon sa hallway kundi baka pagchismisan pa ako.

AYUMI'S POV

Papunta ako ngayon sa opisina ni Mrs. Valiere dahil bigla na lang niya ako pinatawag. Nang matanaw ko na ang pintuan kumatok muna ako.

*Tok* *Tok* *Tok*

"Come in." Sabi ng nasa loob kaya pumasok ako kaagad.

"Maupo ka Ayumi" sabi niya sa akin tapos after ko makaupo tinanong ko kaagad siya.

"May kailangan po ba kayong ipaggawa sa akin Mrs. Valiere?" Tanong ko sa kanya. Biglang siyang ngumiti sa akin tapos naging seryoso ang kanyang mukha kaya kinabahan na ako.

"Didiretsuhin na kita Ayumi. Kailangan kong dalhin si Akira sa Moon Palace." Nabigla ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya yun sa akin. Alam na ba ito ni Akira? Nila Daddy?

"Pero Mrs. Valiere. Bakit po? Alam na po ba ito nila Daddy?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi. Pero ipapaalam ko rin sa kanila. Alam ko naman na maiintindihan ng Park Family ang kagustuhan ko." Sabi niya sa akin.

"But? How about Akira?! Bakit kailangan nyo pa siyang ilayo sa akin?"

"Gagawin ko yun para sa kabutihan nyo ring lahat. Ayaw kong maulit muli yung nangyari dahil alam mo naman kung ano talaga si Akira diba,  Ayumi?" Tanong niya sa akin ng seryoso kaya napalunok ako sa tanong niya.

Umpisa pa lang alam ko na dahil sinabi sa amin ng pamilya namin ang tungkol sa kanya simula bata pa kami pero hindi ito alam ni Akira.

"Matagal na po naming alam na siya ang tinutukoy sa propisiya dahil sinabi na sa amin ng family namin iyun since bata pa kami. Pero di alam ito ni Akira." Sabi ko sa kanya.

"Kaya kailangan mailayo siya rito. Kapag ipinadala ko siya sa Moon Palace. Matitiyak ko na magiging ligtas siya doon." Pagkukumbinsi sa akin ni Mrs.  Valliere




"Pero bakit kailangan niya pa siya ilayo sa akin? Kaya ko naman siyang protektahan? Simula bata pa kami nila ate. Kami na ang promorotekta sa kanya. Kaya bakit kailngan mo pa siyang ilayo sa akin?!" Naiinis na ako dahil di ko kakayanin malayo sa kapatid ko kahit di ko siya kadugo tinuring na namin siyang tunay na kapatid. Kaya wala siyang karapatan na ilayo sa akin ang kapatid ko.

"Dahil kapag nanatili pa siya dito baka mapahamak pa ang iba. Dahil siya mismo ang hinahanap ng mga kaaway sapagkat siya ang susi nila para mabuksan ang kabilang mundo." Di ko na siya maintindihan bakit may kabilang mundo?! Ano yun?!

"Ano pong ibig niyong sabihin?" Tanong ko dahil naguguluhan na ako sa kanya.

"Kilala mo naman yata ang Four Elemental warriors diba? " Tumango lang ako sa sinabi niya.

"Lahat ng demon na nadadakip ng mga elemental warriors ay kinukulong nila sa kabilang mundo sa pamamagitang ng isang Legendary na si Serina. Si Serina lang ang may kakayahang makapagbukas doon. Kapag may nagtangkang pumasok doon ay habang buhay na maninirahan doon kasama ang mga halimaw." Paliwanag niya sa akin.
Pero naguguluhan pa rin ako dahil ang alam ko lang na isang legendary si Akira pero di ko alam kung paano siya naging ganon at wala rin akong alam tungkol sa pamilya niya.

"Minabuti ng mga magulang niyo na huwag na ipaalamn sa inyo ang tungkol sa pamilya nya kaya baka kung ano na lang yata ang sinbi nila sa inyo." Sabi niya. Di na ko magugulat alam ko naman na nababasa niya ang isip ko ee.

"Bakit po?" Tanong ko dito baka kasi may alam siya sa pamilya ni Akira.

"Dahil mas lalo lang magiging delikado kung sasabihin pa nila ang tungkol sa amin." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. 

"Wait!! Anong tungkol sa inyo!?" Na bigla ako kaya napalakas bigla ang boses ko kaya napatakip kaagad ako ng bibig.


"Pasensya na po" paghingi ko ng paumanhin dito at tumango lang siya sa akin.

"Isang Valliere si Akira at ang tunay niyang pangalan ay Serafina at ang kanyang ina ay ang aking anak na si Serina. " di agad ma digest ng utak ko ang sinasabi niya ngayon. Mas lalong nagiging kumplikado ang lahat.


Kung apo niya si Akira. Bakit sa simula pa lang hindi siya nagpakilala dito?

"Bakit nyo po hinayaang iwan sa amin ang apo nyo? " inis na tanong ko dito dahil hinayaan niya si Akira mapunta sa amin at hindi man lang niya naisip ang damdamin ng apo niya.

"Ibinigay ko siya sa Daddy mo nung nasa panahon kami ng digmaan sa pagitan ng mga demon at pinatakas ko sila dahil kapag isinama ko pa siya sa akin mas lalo lang malalagay sa panganib si Akira. Nang makaalis na sila sa lugar na iyun binalikan ko ang anak ko (Serina) kaso nahuli na akong dumating. Naabutan ko na siyang patay na dahil binuwis niya ang buhay niya para maikulong ang mga demon sa kabilang mundo. Kaya gusto ko ilayo si Akira para sa ganon di na maulit ang dati. Ayaw ko na ring makitang may dumanak na namn ng dugo dahil sa pamilya ko" sabi nito sa akin.

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ito ang gusto niyang gawin sa apo niya. Nauunawaan ko na rin siya. Kahit masakit tatanggapin ko para sa ikakabuti naman ito ng lahat.

"Pero may balak po ba kayong sabihin ito sa kanya?" Tanong ko muli dito

"Sa tamang panahon malalaman nya rin lahat pero sa ngayon hi---" hindi na naituloy ni Mrs. Valliere ang sasabihin niya ng biglang may nagbukas ng pinto kaya napatingin kami dito.

Hindi maaari ito!!



************************************

Spell B-I-T-I-N ^_____^

Pasensya na guys medyo mabagal mag UD si author ngayon hehehe btw don't forget to vote and comment. Love you all <3

MOON PRINCESSWhere stories live. Discover now