Chapter 42

2.8K 68 0
                                    

             

AKIRA/SERAFINA'S POV

"Long time no see, My dear Akira"

Anong ginagawa niya dito? Ililigtas niya ba ako kaya siya nandito? Pero bakit siya lang mag-isa? Diba dapat pinapalibutan na dapat siya ng mga taga dark moon? Ang gulo!

"A-Ate Ayumi?" Lalapitan ko na sana siya ng biglang lumaki si Fenrir at hinarangan ako. Ganoon din ginawa ni Shihou sa akin. Ano bang problema ng mga ito?

"Fenrir, Shihou padaanin niyo ako. Ililigtas tayo ni At-------" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang nagsalita sa amin si Shihou

"Anak siya ng hari ng taga Dark Moon at kahit kailan hindi mo siya naging kapatid, Serafina. Siya ang traydor sa academy na pinapasukan mo. At kasabwat niya rin doon si Longbill. Alalahanin mo yung inatake ka ni Longbill na may kasamang Golem. Ang tinuturing mong ate ang nagutos nyun." Nabigla ako sa nalaman ko. Alam kong di magagawa sa akin iyon ng ate ko. Alam ko yun. Pero ang sabi ni Shihou anak siya ng hari tapos ang tatay ko isang taga dark moon rin. Ibig bang sabihin iisa lang ba ang tinutukoy ni Shihou?

"Maniniwala ka ba sa kanya Akira?" Tanong niya sa akin. Kaya mas lalo akong naguguluhan ngayon.

"A-Ate Ayu---------"

"Pwede ba sagutin mo na lang ako!!!" Sigaw niya sa akin na ikinabigla ko kaya napaatras ako.

Sa tagal naming magkasama, ngayon niya lang ako sinagawan ng ganito. Hindi siya ang Ate ko na nasa harapan ko ngayon, iba na siya.

"Kung ako sayo Ate patayin na natin siya" -Kira

Ate? Siya ba ang tunay na kapatid ni ate ayumi ?

"Ako lang ang papatay sa kanya" sabi sa akin ni ate Ayumi. Nararamdaman ko ang galit niya pero di ko alam kung bakit siya ganito sa akin ngayon.

"Huwag kang bibitaw sa akin. Makakaalis tayo dito." Sabi ni Sean at bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

'Akira gamitin mo ang teleportation mo at tumakas na kayong dalawa. Kami nang bahala dito ni Shihou.' Sabi ni Fenrir sa isipan ko kaya napatingin ako sa kanya.

Hindi ko sila pwedeng iwan.

'Kami na ang bahala dito.' Pagkasabi non ni Fenrir sumugod na ang mga taga dark moon sa kinaroroonan namin kaya tineleport ko na agad ang sarili ko kasama si Sean at nakarating kami sa labas ng kaharian ng Dark Moon

"Mali ito" bigla ko na lang nasabi kaya napatingin sa akin si Sean at humarap siya sa akin

"Tandaan mo, Ginagawa namin ito para mailigtas ka kaya umalis na tayo dito." Sabi niya sa akin.

"Serafina/ Akira!!" Nakita ko sila Kristine, Sherlyn, Cass, Louise at si Zen na tumatakbo papunta sa amin

"Sean? Magkasama kayo?" Tanong ni Cass sa aming dalawa

"Pwede ba Cass mamaya ka na magtanong. Kailangan na nating makaalis dito bago pa makarating sila Ayumi dito" sabi ni Sean

Bigla na lang ako nakaramdam ng takot na para bang may nangyaring Hindi maganda at bigla na lang pumasok sa isip ko si Fenrir

"Babalikan ko lang si Fenrir doon, mauna na kayo" sabay talikod ko sana ng bigla na lang nagdilim ang paligid ko.

LOUISE'S POV

"Louise bakit mo yun ginawa kay Akira" Sigaw sa akin ni Sherlyn.

Nabigla silang lahat ng mawalan ng malay si Akira dahil ginamitan ko siya ng kapangyarihan ko buti naman at nasalo siya ni Sean. Hindi ko sila hahayaan na magamit nila ang nag iisang tagapagmana ng kaharian ng buwan.

MOON PRINCESSWhere stories live. Discover now