Chapter 26

5.2K 154 3
                                    


3RD PERSON...

"Ikaw pala ang anak niya? ibig sabihin tama pala ang sinabi niya na buhay ka pa rin hanggang ngayon." sabi ng nakahood dito.

"Sino ka?! Ipakita mo ang mukha mo sa akin?!" sabi ng dalaga sa nakatayong tao malapit sa kanya. Hindi nya maaninag ang mukha nito dahil natatakpan ito at may itim na aura ang nakapaligid dito kaya nabahala naman ang dalaga kaya naglabas kaagad ito ng tubig pero bago pa sya makapaglabas nasaksak na siya at naramdaman niya na may halong lason ito hanggang sa mamatay ito.

"Tsk.. Ang bilis mo lang palang tapusin hindi man lang ako nahirapan sayo..."sabi nito sa dalaga na ngayon ay wala ng buhay.

"Ikaw naman ang sunod wahaha" sabi nito sa hawak niyang litrato na may nakangiting babae at itinago ulit sa bulsa niya..

AYUMI'S POV

Umalis kami ni Kristine sa academy para sa isang mission na inatas sa amin ni Mrs. Valliere. Ayaw ko talaga gawin ito kaya lang nakasalalay dito ang buhay ng kapatid ko.

"Ayumi umuwi na lang kaya tayo? Dalawang araw na tayo naglalakbay sa gubat na ito pero hindi pa rin natin nahahanap ang bahay ni Akane.." sabi ni kristine

Tama siya, dalawang araw na kami dito sa gubat pero hanggang ngayon hindi pa rin namin natatagpuan si Akane

"Hindi tayo pwede bumalik doon hangga't hindi natin siya kasama" sabi ko na lang sa kaniya

"Pero Ayumi!! Hmmm-mmm" tinakpan ko ang bibig ni Kristine dahil bigla ako nakaramdam ng black aura sa paligid namin.

"Naramdaman mo iyon?" pagkasabi ko ng tanggalin ko na sa pagkakatakip ang aking kamay sa kanyang bibig.

"A-Ayumi may bahay doon" nagtaka naman ako sa sinabi ni kristine bakit bahay? iba naman ang tinatanong ko sa kanya ee....

Nang tignan ko kung ano ang tinuturo niya. Nakita ko na may isang bahay nga at para syang kubo. Pero teka nga lang.  Bakit bukod tanging nag-iisa lang ang bahay na yun dito sa kagubatan?

"Iyan na siguro ang hinahanap natin" sabi ni kristine

dali dali kaming naglakad papunta sa kubo na iyon nang makarating na kami ay kakatok na sana ako ng makita ko na nakaawang ang pinto kaya na alarma kaming dalawa ni kristine.

"Mukhang may problema dito Ayumi" sabi ni kristine na seryoso kaya binuksan na namin ang pinto.

"K-Kristine" hindi ako makapaniwala sa nakita ko hindi maari ito.

After 3 days.....

       

AKIRA'S POV

Nandito kami ngayon sa magic field kung saan nag ttraining ako kasama si Josh. Simula nung nangyari ang aksidente bigla na lang ako pinatawag ni Mrs. Valliere at sinabi na

"Kailangan mong mag training ng maigi. Huwag kang mag-alala tutulungan ka ni Josh " Seryosong sabi sa akin ni Mrs.  Valliere

Una gusto kong komuntra dahil ayaw ko kasama ang baliw na yun pero wala akong magawa kaya sumunod na lang ako.

"Oy! Bilisan mo ang pag depensa mo!" - ayan na naman siya. Sinisimulan na naman niya akong sigawan. -_-!

"Break muna tayo?! Nagugutom na ang mga babbies ko!!" Nagsimula na akong maglakad ng bigla na lang niya ako patamaan ng tubig. Buti na lang nailagan ko . Phew! muntik na ako doon..

"Saan ka pupunta?!" -Josh

"Nakakainis ka na ha?! Papatayin mo ba ako?!" galit kong sabi sa kanya

"Bakit ko naman gagawin yun sayo?" Sabi niya sa akin na nakaseryoso ang mukha. Anong problema ng lokong ito?

"Tara na kumain muna tayo gutom na talaga ako. " sabi ko sa kanya

Dahil di niya pa rin ako kinikibo pinuntahan ko na sya sa pwesto niya at hinila ko na sya.

"Teka ba't kasama mo pa ako ha?!"- Reklamo niya sa akin habang hinihila ko siya.  Pero hinahayaan niya lang ako ibig sabihin nagugutom na rin ito.  Ang arte pa kasi niya tapos sasama din pala. 

"Kakain lang tayo. I know naman na nagugutom ka na rin. Atsaka huwag mong ipokus yang sarili mo sa pagpapratiks natin para mapalakas ako. Masyado ka kasing maraming iniisip ee... " sabi ko sa kanya habang hila hila ko pa sya. Sarap na sarap namang si mokong sa kahihila ko ha .

.

.

.

.

.

Nandito kami ngayon ni Josh sa Canteen at syempre ano pa ba ang gagawin namin edi kumakain. Gutom na kasi talaga ang mga babies ko sa tyan huhu.

"Oy! Akira!" Nabigla naman ako sa pagsigaw sa akin ni Josh kaya napatingin kaagad ako sa kanya at sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit!?" -iritang tanong ko sa kanya. Ang pinakaayaw ko pa naman din yung iniistorbo ako sa pagkain grr..

"Ang kalat mong kumain tsk." -josh

"Psh -.-! Huwag mo akong pansinin. Kumain ka na Lang dyan.!" Sabi ko sa kanya  tapos bigla syang lumapit sa akin as in 1inch na lang ang pagitan naming dalawa magkakadikit na ang mga labi namin kaya sa iba na lang ako tumingin pero bigla na lang may dumampi na malambot na kamay malapit sa labi ko. Dahil sa ginawa niya napatingin ako kaagad.

"May dumi ka lang sa mukha kaya tinanggal ko lang. Akira matakaw!  haha" - sabi niya sabay tawa. Nababaliw na yata siya.

"Tse!  Di ako matakaw noh! " sabi ko sa kanya.

"Sila na ba ni Prince Josh?" - Girl 1

"Perfect match sila kung nagkataon" -Girl 2

"Ang sweet pa nila." - Girl 3

"Hay naku wala na ba silang ibang sasabihin kung di ganyan!?" -ako

" Pabayaan mo na lang sila. Ang gwapo kasi ng kasama mo eh.... kaya ganyan sila mag react" sabi ng lalaking katabi ko ngayon at ang sarap lang nitong batukan.

"Baliw ka talaga! Lumayo layo ka nga sa akin kapag talaga nakita ka ni Sherlyn mayayari ka talaga.  " habang busy ako sa kakahampas sa kanya di ko na malayan ang pagdating ng babaeng kinaiinisan ko.

"Oy grabe ka naman" Reklamo pa niya

"Ang sweet nyo naman." Napatingin naman ako sa babaeng naka ngisi ngayon sa akin.  Problema nito?

"Bakit Karen?" - Josh

"Gusto ko lang naman sabihin na nagkamalay na si Sean. " Karen

"Talaga!?  "- Napatayo naman ako sa sinabi niya.

"Tsk!  Nakikinig ka ba. Kasasabi ko lang!" -Pagtataray nito sa akin na sinamaan ko lang ng tingin. Pagdating talaga nito sa akin ang sama ng ugali.

"Josh puntahan ko lang sya..  bye!" Hindi ko na inantay pa ang sasabihin ni Josh at agad na akong umalis. Sa taranta ko halos takbuhin ko na ang hallway para lang makita ko sya. 

Halos mapunit na ang mukha ko sa kakangiti dahil sa sinabi ni Karen na balita sa amin.  Buti na lang talaga nagkamalay na siya. 




KRISTINE'S POV

"K-Kristine..." Tawag sa akin ni Ayumi.  Hindi rin ako makapaniwala sa nangyari. Bat nangyari ito?

"A-Ayumi na h-huli na tayo ng d-dating. D-Di na natin s-sya na a-abutan na b-buhay... " bigla na lang nanghina ang mga tuhod ko dahil sa nakita ko at buti na salo ako ni Ayumi.

"S-Siya ba s-si ---" Di ko na pinatapos si Ayumi magsalita ng bigla akong sumingit.

"Si A-Akane patay na. P-Patay na siya." - At kusang tumulo ang mga luha na hindi ko na kaya pang pigilan pa.  Hindi maari ito.  Hindi maaaring mamatay si Akane. Siya na lang ang bukod tanging kailangan namin ngayon. Hindi maaari ito.

MOON PRINCESSWhere stories live. Discover now