Chapter 43

2.7K 75 4
                                    

               

SEAN'S POV

Nandito pa rin ako sa kwarto ni Akira kasama ang ate niya. Pinagmamasdan ko lang siya habang natutulog. Mas maganda pala siya pag tulog.

"Sean ikaw muna ang bahala sa kapatid ko ah. May titignan lang ako saglit" napatango na lang ako sa sinabi ng ate niya at lumabas na ito.

"Hoy! Babae! Kailan mo balak gumising dyan sa higaan mo ah?!" Para na akong tanga nadito. Paano naman niya ako sasagutin kong tulog siya. Pasaway kasi yung batang Louise na yun! Kung hindi niya yun ginawa. Gising sana ngayon itong babae na toh!

Bigla na lang bumukas ang pinto at iniluwa doon si Josh. Bakit nandito ang kumag na toh?

"Kamusta siya?" Sabay lapit niya kay Akira at hawak sa mukha nito kaya inalis ko kaagad ang kamay niya.

"Nakikita mo naman siguro na tulog siya diba? Atsaka hindi muna siya kailangang hawakan pa." Sabi ko sa kanya kaya tumingin siya sa akin

"Wag kang umakto na nag-aalala ka sa kanya. Sean, dahil umpisa pa lang ayaw mo sa kanya diba?" -Josh

Dati yun.

"Tsk. Wala kang pakialam at isa pa dapat si Sherlyn ang inaalala mo ngayon diba? Bakit narito ka?" Inis kong sabi sa kanya

"Wala ka ring pakialam!" Singhal niya sa akin.

"Hindi mo kailangang sumigaw!"

"Hindi mo ring kailangan sumigaw!" Sagot niya sa akin

"Nan-------!"

"Ang ingay niyong dalawa!!!" Bigla na lang kami napatingin kay Akira ng makita na namin itong gising na.

"Akira!" Sabay naming sabi ng kumag na ito.

Gaya gaya

"Bakit?" -Akira

"Ginagaya lang ako ng isa" sabi ko

"Baka ikaw?" -josh

Konti na lang talaga mauupakan ko tong kumag na ito!

"Ewan ko sa inyo!" Pagkasabi ni Akira niyun tumayo na siya at lumabas ng kwarto niya at sumunod naman ako. Pati rin pala ang kumag

"Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya

"Hahanapin ko si Ate Catt" sabi niya

"Samahan na kita" sabat naman ni Josh

Hindi talaga ito titigil.

"Sige Jos------"

"Sasama na rin ako" sabi ko naman

"Ah okay" sabi niya at nauna na siyang lumabas at sumunod na lang kami ng kumag na ito.

SERAFINA/ AKIRA'S POV

Habang naglalakad ako lahat ng istudyante na madadaanan namin ay yumuyuko. Anong meron sa kanila? At parang nagmamadali sila?

Kaya nilingon ko yung dalawa sa likuran ko at pagtingin ko si Sean ang sama na ng aura niya tapos si Josh ngumiti lang sa akin kaya ngumiti na lang ako pero pagtingin ko kay Sean seryoso siyang nakatingin sa akin kaya humarap na ako

'Problema non?' Tanong ko na lang sa isip at bigla ko na lang natanaw si Zen na papalapit sa amin kaya tumakbo na ako papunta sa kanya. Ayaw ko makasama yung dalawang iyun. Abnormal ee.

"Zen." Sabi ko ng makalapit ako sa kanya

"Serafina? Ayos ka na ba?" Tanong niya sa akin

MOON PRINCESSWhere stories live. Discover now