Chapter 39

3.1K 78 0
                                    

KIRA'S POV

"Patayin mo siya" pagkasabi ko non humiwalay na ako sa kanya at nakatingin lang siya sa akin

"Iinuutusan kita na hanapin mo siya at patayin" muli ay nakatingin lang ulit siya sa akin. Ano bang nangyayari sa kanya?! Hindi ba gumana sa kanya ang binigay ko?! Kaya di siya sumusunod sa akin?

"Hayst!! Sabi na ngan----"

"Tsk. Tsk. Desparada ang aking mahal na kapatid. " bigla na lang sumulpot sa tabi ni Sean ang magaling kong ate. Kaya napatigil ako sa pagsasalita at tinaasan ko siya ng kilay ko.

"Bakit ka nandito ha?!" Tanong ko sa kanya.

"Pati ba naman si Sean gagamitin mo rin? Wala ka na bang ibang paraan dyan my dear SISTER?" pang-aasar niya sa akin ngayon.

"Gawin mo ang plano mo at wag mong intindihin ang sa akin kaya umalis ka na bago pa may makakita sayo!" inis na sabi ko na lang sa kanya pero bago siya umalis may kung anong hinihagis siya sa akin na maliit na bote at buti nasalo ko naman ito.

"Kung sakaling magtagumpay ka. Gamitin mo yang lason sa kanya." Sabi niya sa akin at ngumisi pa siya.

"Bakit mo sa akin ito binibigay?!" Pagtataray ko dito.

"Ikaw na mag isip kung ano ang dahilan ko pero bago ako umalis. Wag mo nang gagawin ulit ito kay Sean " sabi niya sabay may pinainom naman siya kay Sean at bigla na lang ito nahulog sa sahig at nawalan ng malay.

"Sagabal ka talaga sa plano ko!! " singhal ko sa kanya at ang walang hiya bigla na lang nawala.

Tsk. Kahit kailan talaga siya, ginawa pa akong utusan ??! Asar naman!! Porket mas matanda siya sa akin ginaganito na lang niya ako?!! Di pede ito !!

"Mahal na Prinsesa?! Ano na naman bang ginagawa mo dito?" Nakita ko ang tagabantay ko na papunta sa kinatatayuan ko ngayon...

"Tamang tama. Buhatin mo siya at dahil sa Dark Moon Palace" sabi ko sa kanya at itinuro ang walang malay na si Sean na nasa lupa na ngayon.

"Kung Hindi ako nagkakamali isa siya sa mga kaibigan ng iyong kapatid, Prinsesa " sabi niya sa akin na inirapan ko lang. Ang dami naman nitong sinasabi.

"Buti alam mo kaya dalhin na natin siya sa teritoryo natin bago pa siya magkamalay" sabi ko sa kanya at binuhat na nito si Sean atsaka ako naglakad padabog dahil sinisira na naman ng magaling kong kapatid ang plano ko.

Gagawin ko ang lahat para di ka malagay sa panganib Sean. Kahit nawala ako ng matagal hindi pa rin magbabago ang nararamdaman ko sayo kaya walang sino man ang pwedeng mag may ari sayo kung di ako lang.

********************************

AKIRA / SERAFINA'S POV

Nandito lang ako sa tapat ng pintuan ng kwarto ko habang nararamdam ko na may tao sa loob. 'Imposibleng sila Louise ito dahil alam kong iniwan ko sila sa labas ng masyon, hindi kaya may ibang nakapasok dito??' Tanong ko na lang sa sarili ko kaya imbis na pumasok ako umatras ako

"Alam kong may tao dyan sa loob kaya kung sino ka man lumabas ka na dyan kung ayaw mong masaktan!! " sigaw ko para marinig niya ako..

Imbis na magsalita siya dahan dahan niya na lang binuksan ang pinto at pagtingin ko di ko aasahan na pupunta siya dito

"Nalaman namin ang mga nangyari sayo kaya nag alala kaming lahat kaya pinilit ko si Da--- " di ko na siya pinatapos na magsalita at niyakap ko kaagad siya.. Na miss ko siya.

"Ate Catt!!!" Di ko inasahan na darating siya dito.

"Akira masaya ka ba dahil nandito si Ate para sayo?" Tanong niya sa akin habang nakayakap pa rin ako sa kanya

MOON PRINCESSWhere stories live. Discover now