Chapter 11

11.3K 381 1
                                    

AKIRA'S POV

Ang araw na ito ang pinakahihintay ng lahat ng nag aaral sa academy na ito at ito ay ang tinatawag nilang ranking kung saan ang lahat ng istudyante ay kailangan makilahok at bawat isa ay pipilian ng bawat kapartner para maglaban sa isang area na tinatawag nikng magic field yata yun.

Nandito lang ako ngayon sa garden at  hindi ko pa alam ang gagawin ko.  Kinakabahan lalo ako.  Bakit?  Dahil hindi ko pa sigurado kung kakayanin ko makipaglaban sa kalaban ko. Baka hindi ko na naman makontrol ang kapangyarihan ko and the worst baka jinojoke time pa ako na may kapangyarihan ako tapos pagdating sa field biglang naglaho ang power ko then huhu tusta ako nito panigurado sa kalaban ko huhu.

Napatingin naman ako sa may gilid at doon ko napansin na may puno.  Pupuntahan kung nasa ito ng may makita pa ako sa di kalayuan na isa pang hardin pero nakatitiyak ako na malaki iyun.  Maglalakad na sana ako ng may nagsalita sa paligid ko.

"Anong ginagawa ng isang babaeng tulad mo dito at bakit mag-isa ka lang? " Napalingon ako sa lalaking kabababa lang galing sa puno. 

Omg!  Tinalon niya yung kataas ng puno na yun?!

"Miss tinatanong kita.  Bakit ka pumupunta dito?  Alam mo bang walang masyadong istudyante ang tumatambay dito? " Patuloy na sabi niya kaya tinignan ko siyang maiigi.  Siya ba ang tagabantay ng lugar na ito?  O baka taga linis?  Medyo hindi bagay sa kaniya ang maging tagalinis.  Ang gwapo pa naman niya. 

"A-Ano.  N-Napadaan lang naman ako dito.  Aalis na din naman na ako haha" alanganin kong sabi at akma na akong maglalakad ng mabilis siyang nakarating sa kinaroroonan ko dahilan mapatigil ako dahil humarang kaagad siya..

Bat ang hilig nila lumapit?  Geez.

Agad naman akong napaatras sa ginawa niya. "Kuya aalis na nga ako diba.  Bakit mo pa ako hinaharangan? " pagtataray kong sabi pero mukhang walang epekto sa kaniya iyun.

"Mukhang ikaw nga yung bagong transferee dito nung isang linggo pa" sabi nito na ikinakunot naman ng noo ko.  And so what kong bago lang ako dito?

"Big deal ba sa inyo ang paglipat ng kapatid ko dito? " inis na tanong ko sa kaniya at nginisihan lang ako.

"Maybe yes.  Maybe no" sabi nito at tinitigan ko lang ito ng masama at tumawa naman ito ng bigla.  Abnormal ba ito?  Baka takas ito sa mental.  Gosh!

"By the way I'm Steve and you are? "

"Anong ginagawa mo dito Akira? " Agad naman akong napatingin sa paparating na lalaki na kinaiinisan ko.  Bat ba ang hilig nito sumulpot sa kung saan saan?  May lahi ba itong kabute?.

"Oh!  So you are Akira.  Nice to meet you Akira" Naistatwa naman ako sa kinatatayuan ko ng maramdam ko sa noo ko ang isang labi na humalik dito. Agad naman akong lumayo dahil sa ginawa nito.

Shemay!  Hindi porket gwapo siya bibigay na ako sa kaniya!  Bwisit!  Hindi na tuloy virgin ang noo ko huhu.  Kailangan mo akong panagutan steve.  De joke lang.

"B-Bakit mo ginawa yun ah?! " inis na bulyaw ko dito na ikinatawa niya lang. 

"That's my goodluck kiss.  Akira" sabi nito at tumingin naman siya sa lalaking nasa tabi ko na ngayon.  Feeling ko may something sa kanila. Iba kasi makatingin si Steve kay Sean.  Omg.  Bromance ba ituh??? 

"A-Ano....... Magkakilala ba kayo? " Lingon ko kay Sean at nakakunot na rin ang noo nito.  Hala anyare?!

"Hindi ka dapat basta basta nakikipag usap sa kung sino sinong taong makikita mo dito,  Akira" seryosong sabi niya pero na kay Steve pa rin siya nakatingin.  Gosh!  Feeling ko talaga nagseselos itong si Sean.  Akala niya siguro aagawin ko sa kaniya si Steve.  Tsk. Tsk. Tsk. 

"Kaano-ano mo ba yan Akira? " Tanong sa akin ni Steve kaya napalingon ako dito. 

Hindi ko siya kaibigan at maski hindi ko siya close noh!  At ayaw ko rin sa kaniya dahil ang panget ng ugali niya!  Oo lahat ng negative kunin na niyan bagay naman sa kaniya geez. 

"Wala" Walang gana kong sagot at ngumisi naman si Steve.

"Narinig mo ba Sean? Mukhang may isang hindi nakakandarapa sayo haha" pang-aasar nito sa katabi ko.  Ok mag-aaway ba sila sa dito. 

"Hanggang ngayon pa rin ba hindi ka pa rin nakakamove on? " Sabi naman ni Sean.

Omo!  Sabi na ee may something talaga sila Gosh!  Bakit kaya sila nagkahiwalay?  Pero sayang gwapo pa naman itong si Steve.  Tanga naman nitong si Sean,  pinakawalan pa tsk tsk tsk.

"Matagal na yun.  Bakit binabalik mo pa rin? Sa bagay kinampihan mo nga naman ang taksil na yun.  Anyway sana ikaw makalaban ko mamaya,  Akira" sabi nito at nag wink pa sa akin na ikinataas naman ng kilay ko atsaka siya tumawa bago tuluyang umalis. 

Sino ba yung tinutukoy nila?  Mali ba yung nasa isip ko?  Hayss. 

"Bakit ka nakikipag-usap doon? " seryosong tanong niya sa akin ng paglingon ko.

"Wala kang paki kung sino ang kinakausap ko. Atsaka pwede ba hindi tayo close para makipag-usap sa akin" Inis na sabi ko at maglalakad na sana ako ng hilahin niya ang braso ko dahilan mapatingin ulit ako sa kaniya.

"Makinig ka sa aking babae ka. Wag ka ng pumunta sa magic field mamaya. " seryosong sabi pa rin nito na ikinakunot ng noo ko. 

Nasisiraan na ba siya?  Akala niya susundin ko siya?  Sino ba siya para sundin ko aber!

Tinabig ko naman yung kamay niya na nakahawak sa braso ko. 

"Unang una hindi mo ako kilala Sean.  Pangalawa hindi ako marunong sumunod at pangatlo. " umatras muna ako saglit dahil naiirita ako dahil ang lapit niya sa akin. 

"Gagawin ko kung anong gusto ko at hindi mo ako kailangan diktahan.  Buhay ko ito at wala kang paki" Tumalikod na ako dito at ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ng magsalita muli siya. 

"Ayaw kong mapahamak ka ulit sa gagawin mo.  Kung yan talaga ang gusto mo.  Asahan mo na hindi na kita pipigilan pa. " sabi nito kaya napalingon naman ako dito ng iniwan na niya akong mag-isa. 

Anong klaseng drama yun? Bahala rin siya.  Pakialaman niya sarili niya at huwag ako!  Psh! 

******************************

MOON PRINCESSHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin