Chapter 15

8.7K 333 8
                                    

AKIRA'S POV

"Next is Akira Park and Karen Nor"

Napatigil ako sa sinabi ng lalaking nagsasalita. Bakit ako pa?!

'Pakisabi kay Kristine na humihingi ako ng tawad.  Masyado na naman akong nadala sa pakikipag laban' -Napangiwi na lang na sabi ni Ate Ayumi sa akin. Pero sa isipan ko lang ito narinig.

Nang mailabas na namin si Ate Ayumi.  Agad naman itong kinuha ng ibang nagbabantay sa labas ng field.  Yung nurse na nakita ko.  Siya na ang kumuha kay Ate at may kasama rin nito yung isang bantau sa field. Kaya ng ialis na nila si Ate Ayumi para gamutin sa mga natamong sugat niya.

Papasok na ako sa loob ng magic field ng mapansin ko si Sean na papalapit sa akin. 

Ok anong kaylangan nya ngayon. Don't tell me na pipigilan nya na naman ako. Sorry i can't do that dahil ngayon alam ko na may kapangyarihan ako at maraming salamat kay Ate Ayumi dahil tinulungan nya ako mapalabas ito. Ang kailangan ko lang gawin ay yung paano ang pagkontrol dito dahil doon lang ako mahihirapan.

"Akira Goodluck." -Sean

Nakalapit na pala siya sa akin di ko pala napansin yun ah? Anong sabi niya goodluck?!

Kakausapin ko na sana siya na bigla akong napatingin sa kinaroroonan nila Cassandra at tinuturo nito na pumasok na ako sa loob at nakita ko rin sila Clarise at Sherlyn na paalis para sundan daw si Ate Ayumi ko.... Maraming salamat sa kanila dahil nag aalala din pala sila kay Ate Ayumi pero itong isang ito parang gusto nya muna makita ang laban ko.

Tumango na lang ako kay Sean at agad na akong pumasok sa loob ng magic field.  This is it pansit!  Ngayon habang papalapit ako sa gitna mas tumitindi yung kabog ng dibdib ko.  Omg!  Baka atakihin ako sa puso nito huhu.  Hindi.  Akira kaya mo yan.

"Hindi ko inaasahan na makakalaban ko ang isa sa anak ng Elemental Warrior. Gusto pa naman sana yung isa mong kapatid kaso mukhang madugo kanina yung laban nila pero anyway namanghan pa rin ako dahil nakaabot kaagad siya sa level 4 hahaha.  Ikaw? " Nang iinis ba itong isa na toh!  Ginigigil ako nito masyado. Palapa ko toh sa serpente ko. Tama may shihou pala ako.  Isang kainan lang ang babaeng ito kay shihou.  Paniguradong tapos na ang laban *evil laugh*

"Don't worry.  Elemental power ang meron ako kaya kung sa tingin mo matatalo ka na.  Just give up already para hindi ka na mahirapan pa sa bawat atake ko" Ngising sabi nito na inirapan ko lang.

"Tapos ka na ba sa chika mo? Sabihin mo lang if tapos ka na para naman makapagsimula na tayo kanina pa kasi sila naghihintay. " walang gana kong sagot at bigla naman siyang ngumisi sa akin.

"Tignan natin kung matatalo mo ako" Confident na confident talaga sya sa sarili niya. 

Hindi pa ako nakaayos ng bigla siyang umatake sa akin. Napakabilis niya naman. Anong ginagamit niya?!

"Mabilis ba sayo? Bilisan mo rin yung pag-ilag mo kung hindi masasaktan ka sa gagawin ko. Water balls!!!" -Karen

Bigla na lang may lumabas na kung anong bagay sa kanya. Buti na lang nakailag ako muntik na ako nun.

"Ano na Akira nahihirapan ka na ba sa akin?" - Karen

"Water spike! " atake niya sa akin kaya agad akong nakapaglabas ng water wall at ginawa itong yelo para dito tumama ang atake niya pero saglit lang nagtagal ang ginawa ko at bigla itong nawala kaya nadaplisan ako sa pisngi ng ginawa niyang atake sa akin. 

"Gosh!  Di ko sinasadya na sirain ang maganda mong mukha.  Di ko inaasahan na same lang din pala tayo ng kapangyarihan.  Pero mukhang nahihirapan ka yatang kontrolin ito hahaha" pang-aasar niyang sabi kaya pinunasa ko lang yung pisngi ko gamit ang kamay ko.  Balak niya talaga akong sugatan.  Kaazar! 

MOON PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon