Chapter 24

6.3K 185 2
                                    

AKIRA'S POV

"Psh... Ang taas naman nito"

Nasa library ako ngayon at kasalukuyang inaabot ang libro na kanina ko pa hinahanap. Pumunta kasi ako sa dulo ng library at naka swerte nga naman ang bilis magpakita ng librong hinahanap ko sa akin kaya lang di ko siya maabot wala kasing hagdan dito.  Bakit kasi sa pinaka mataas pa nila ito nilagay. Nakakainis naman.

"Grabe naman ito --- wait a minute teleportation pala ako. Magamit ko nga dito"ite teleport ko na sana ang libro ng may humawak sa kamay ko at pigilan ako. Paglingon ko ang pinakakainisan kong lalaki na naman ang sumulpot. Kaya inirapan ko ito.

"Bitawan mo ang kamay ko" sabi ko dito

"Tsk.. May lugar ang paggamit ng magic tandaan mo yan" seryosong sabi niya sa akin na tinarayan ko lang ulit

"Kukunin ko lang po ang libro kaya huwag po kayong mag alala di ako gagawa ng ingay." Inis na sabi ko dito

"Alam mo bang bawal ang magic dito sa loob ng library?" Tanong niya kaya napaharap na ako dito.

"Hoy Sean pati ba naman dito pakikialaman mo pa rin ako?! Hah?! Pwede bang lumayo ka sa akin dahil di ko gusto na nandito ka!" Mahina pero may diin sa sinabi ko dahil baka marinig kami nung nagbabantay at baka palabasin pa kami. 

"Tsk.. Ito na yung libro. Ang dami mo namang sinabi." Sabi niya, sabay abot sa akin ng libro at kinuha ko naman ito kaagad.

"Te-Teka lang bakit mo kinuha ito?"

"Kala ko ba kailangan mo yan? Ayaw mo sige akin na ibabalik ko --" sabi nito at nang babawiin niya sa akin ito agad kong niyakap ang libro na ikinatigil niya

"Akal ko kailangan mo rin" walang gana kong sabi dito.

Lumapit siya sa akin kaya napa urong naman ako. Tsk. Pag may nahulog talaga na libro sa akin humanda talaga ang lalaking ito.

Psh inilapit pa niya sa akin ang mukha niya. Anong problema nito?!

"Ano bang problema mo?!  " iritang tanong ko dito.

"Napag isip ko lang.." sabay layo niya na sa akin kaya tinaasan ko lang siya ng kilay

"Na ano?" Pabitin pa

"Dapat lagi na ako sa tabi mo simula ngayon" Sabi niya sa akin sabay ngiti niya pa. Wait a minute si Sean ngumiti?! For the first time!! Infairness mas gwapo siya kapag nakangiti.  Wait what?  Erase!  Erase!  Erase! 

"Huh?" Dahil sa pag ngiti niya hindi ko masyadong. Naintindihan ang sinabi niya sa akin.  Bwisit na lalaki na ito.

"Sabi ko simula ngayon lagi na ako sa tabi mo dahil sa nangyari kanina sa iyo. Kaya poprotektahan kita sa ayaw o sa gusto mo. Atsaka sorry nga pala kanina." sabay upo niya sa sahig kaya umupo na lang din ako malapit sa kanya.

"Sorry for what?!" Pagtataray ko dito

"Tsk sorry sa mga nasabi ko sayo kanina ---" Di ko na pinatapos ang sasabihin niya. Ayaw ko kasi ng drama ee.. Baka di ko matapos basahin ang libro na hawak ko ngayon.

"Sanay na ako sa ugali mo. " Napailing na lang ako habang binubuksan ang libro.

"okay na tayo? " Ngumiti na naman siya sa akin ulit.  Ano bang problema nito?  Pala ngiti masyado.

"Tama yan Sean. Dapat lagi kang naka ngiti mas bagay sayo yan" sabi ko sa kanya pero bigla naman siyang natulala sa akin. Kaya tinapik ko siya.

"U-Uy S-Sean?" Bumalik lang siya sa sarili ng pingutin ko ang ilong niya. Ang tangos kasi ee..

MOON PRINCESSWhere stories live. Discover now