Chapter 23

5.5K 184 1
                                    


AKIRA'S POV

Nandito ako ngayon sa tapat ng Dark Forest ewan ko ba kung bakit dito ako pumunta. Parang may nagtutulak kasi sa akin na pumunta dito pero ang isip ko parang gustong lumayo ako dito kaya lang ayaw sumunod ng mga paa ko.

"Fenrir?" o_O tinignan kong mabuti sa malayo kung si Fenrir nga. Di ako pwede magkamali siya yun ee. Ba't nasa loob siya ng Dark forest? Alam kong bawal kaming pumasok dito kaya lang si Fenrir ko nasa loob.

Maglalakad na sana ako papasok sa Dark forest ng may marinig akong tumawag sa pangalan ko

"Akira?!" Alam ko kung kaninong boses iyon si Josh iyon di ako pwedeng magkamali.

Lumingon ako para makita siya "Josh" tawag ko dito

"Lumayo ka sa kanya Akira!!!" Sigaw nito sa akin na ipinagtaka ko naman.

"Huh?... Ugh!" A-Ano ang tumusok sa akin?

"It's to late Ms. Akira."Sabi niya sa akin ng mapalingon ako dito. Paanong nandito siya.

"M-Ms. L-Longbill? B-Bakit?" may kakaiba siyang tinusok sa akin at kasunod niyon ay ang pagbagsak ko "Akira!!" huling narinig ko kay Josh at tuluyan na nagdilim ang lahat.

JOSH'S POV

Nakita ko na lang si Akira na ngayon ay wala ng malay.

"Ms. Longbill?! B-Bakit?!" Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya kung bakit niya ito ginawa kay Akira.

Sinugod ko siya at naglabas naman kaagad siya ng golem.

"G-Golem? Ibig sabihin ikaw ang babae nung gabing nagtangkang umalis si Akira?!" Galit na sabi ko at nginisihan muna niya ako bago siya nagsalita.

"Tama ka" Natatawa nitong sabi

"Ba't kailangan mo pang kunin si Akira?!"

Sinugod ko siya pero natamaan lang ako ng Golem niya

*BOOGGSSHHH!*

Tumayo pa rin ako matapos ako patalsikin ng Golem niya. Alang alang kay Akira lalaban ako. Ayaw ko mangyari ulit iyon. Ang nakaraan na sinakripisyo niya ayaw ko maulit iyon!!.Ayaw ko!!

"Dahil siya lang ang makakatulong sa amin p--- Ugh!! Anong meron sa katawan niya?!!" Napalayo si Ms. Longbill kay Akira dahil bigla na lang nagliwanag ang paligid ni Akira ng hawakan niya ito.

"Tsk sabi na nga ba at ikaw iyon. Di nga ako nagkamali. Ikaw ang taksil dito!" sabi sa kanya ni Louise at tineleport ang kanyang pinsan sa akin.

Anong taksil? Teka wala ako maintindihan sa kanya. Nabalik lang ako sa aking sarili ng tawagin ako ni Louise

"Josh kanina ka pa tulala dyan!! Si Akira ilayo mo na bilis!!" sigaw niya sa akin. Di ko pala na malayan tineleport niya sa akin si akira kaya nilayo ko na siya dito pero paano si Louise? Baka di niya kayanin ang babaeng traydor na iyon.

"Tsk Josh huwag mo na akong intindihin ang mahalaga ilayo mo siya ngayon! Alam na nila na nandito ang hinahanap nila!! Magmadali ka at dalhin mo siya kay Mrs. Valliere!!" sa sinabi niya tumakbo na ako papuntang office habang buhat buhat ko si Akira kailangan na namin mailayo siya dito. Hangga't maaga pa at wala pa siyang alam.

AYUMI'S POV

Nang sinabi ni Louise ang nangyari ay agad ako napatakbo sa clinic. "I hope she's ok" sabi ko na lang sa aking sarili. Nang makarating na ako ay agad na ako pumasok at nakita ko siya na nakaupo at niyakap ko kaagad siya.

Di ko mapigilan na lumuha dahil nakita ko sa gilid ng tyan niya na may benda siya at pati ang suot niyang damit ay may dugo pa.

"A-Ate Ayumi don't cry please? I'm ok now so please stop crying dahil papangit yang mukha mo ate. Ang pangit mo na nga mas lalo ka pang papangit dyan." sabi niya sa akin. Alam ko na pinapagaan niya lang ang loob ko para huwag na mag alala sa kanya pero kung wala lang itong sugat ngayon kanina ko pa ito binatukan sa sinabi niya. -_-!

Umalis na ako sa pagkakayakap ko mula sa kanya at tumingin ako sa kanya at naka ngiti na siya na parang walang nangyari pero nagbago kaagad ang itsura niya at naging seryoso.

"Akira ayos ka na ba talaga?" tanong kaagad ni Sherlyn dito. Oo nga pala sumunod din pala sila dito.

"Wala na bang masakit sayo?" - si Clarise naman ang nagtanong

"Ok na ako wag na kayo mag- alala" sagot na lamang nito sa kanila at ngumiti.

Naramdaman ko na parang kakaiba ngayon si Akira bakit kaya? I try to read her mind but sh*t i can't read her mind masyadong sarado ang isip niya. Di ko alam kung paano niya ito nakokontrol. Alam ko na rin na kaya niya magbasa ng isip ng isang tao. Nalaman ko lang ito nung nasa Gymn kami at nagtatalo sila Cass at Sherlyn kay Josh. Paano ko nalaman? Nabasa ko lang naman ang isip niya di kasi nakasarado ee.

Nabalik na lang ako sa sarili ko ng tawagin ni Akira si Josh na nasa likod ko.

"Josh can we talk right now?" sabi ni Akira kay josh na um oo na lang.

"Alone" napatingin naman ako sa sinabi ni Akira.

"What?! di ako papayag! dito lang ako!" sabi ko sa kanya at nagbalak ng tumayo si Akira na pinigilan ko naman

"Bakit ka tatayo? Di ka pa magaling" sabi ko na lang sa kanya at pinaupo ulit

"sabi mo dito ka lang kaya aalis ako at doon na lang kami mag-uusap sa labas"

"tsk gusto namin makinig kung ano man ang sasabihin mo kay Josh baka manyakan ka pa nyan mahirap na." napatingin naman ako kay Sean na nagsalita ngayon. Alam niya bang may kasalanan siya sa kapatid ko. kung magsalita kala mo bati na sila hmp.

"Fine diderstsuhin ko na para mabilis." sabi niya at tumingin kay Josh ng masama

"Anong kailangan niya sa akin? Bakit ginawa ni Ms. Longbill yun sa akin Josh?!" Hindi ko maintindihan bakit nasama si Ms. Longbill sa usapan nila. Pero teka. May ginawa sa kaniya si Ms. Longbill?

AKIRA'S POV

Nakatingin lang ako kay Josh kasi hindi siya nagsasalita hindi ko namalayan na tumutulo na ang luha ko.

"Hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon sa iyo" sabi niya sa akin.

Hindi.. Alam kong nagsisinungaling siya. Ayaw niyang sabihin sa akin.

"Kayo may tinatago ba kayong lahat sa akin? May hindi ba ako nalalaman?" tingin ko sa kanila pati kay Ate Ayumi.

Ni isa walang sumagot sa tanong ko. Pinilit kong basahin ang isip nila pero sh*t lang ngayon pa sumakit ang ulo ko.

"Fine ako mismo ang maghahanap para sa mga tanong ko" tumayo na ako at naglakad.

"Akira!!"

Pwes kung ayaw nila akong sagutin ako na mismo maghahanap ng mga sagot sa mga tanong na bumabagabag sa aking isipan. Alam kung hindi ako makakatulog ngayon hanggat wala akong nakukuhang sagot sa tanong ko. Alam ko na magsisinungaling lang sila kapag nagtanong ako. Ayaw ko rin kay Sir. Colbert baka magsinungaling din ito katulad sa kanila.

Bright idea!!!

Iyong history ng Academy na ito teka nga saan ko ba iyon makikita sa "Library" tama sa library. Teka sino ang nagsalita na iyon.? tumingin ako sa kaliwa wala namang tao tingin naman ako sa kanan ko pero wala naman. Malamang nasa mga room na kasi lahat ng mga istudyante dito kaya walang nakatambay dito sa corridor ngayon. Baka guni guni ko lang iyon.

Naglakad na ako pero bago ako pumunta ng library mag papalit muna ako ng damit kasi may dugo pa ang gilid ng damit ko .

MOON PRINCESSWhere stories live. Discover now