Chapter 33

4.1K 113 3
                                    

AKIRA'S POV

Sa kakatakbo ko di ko na namalayan na napadpad ako sa Serina Garden. Pumasok ako sa loob kahit alam ko na bawal ang mga istudyante dito. Pagkapasok ko sa loob namangha ako sa ganda ng paligid dito. Puro mga halaman at mga magagandang bulaklak ang makikita dito at ikinamangha ko pa ang sobarang laki nito dahil pag tinignan mo ito sa labas parang ang liit lang pero pag pumasok ka na sa loob nito parang biglang lumaki.

Nakakita ako ng sapa kaya tumakbo ako papunta doon. Pero napatigil rin ako ng may makita akong isang estatwa ng isang babae na kulay gold at sa paligid niya may isang malaking ahas na nakapaligid sa kanya na parang tagabantay nya ito.

Hinawakan ko ang ulo ng ahas dahil hindi naman ito masyadong mataas kaya naabot ko sya. Nang hawakan ko ito may kakaibang bagay na bumalot sa aking katawan.


'Serafina' napabitaw ako sa ulo ng ahas ng biglang nagsalita ito sa aking isipan at parang katulad niya si shihou

"S-Sino ka??" Gulat na tanong ko dito.

'Ako ang tagabantay ng isang Legendary, Serafina. Ako si shihou' pagkasabi na nyun bigla siyang nagpakita sa akin na parang isang kaluluwa lang at pinaiikutan niya ang estatwa ng isang babae. Ito yata ang tinutukoy niyang Legendary.

"Shihou?? P-Paanong??" Takang tanong ko dito.

'Pinadala lang ako sa mundo niyo upang matiyak na ligtas ka. At nang unti unti mo nang nalalabas ang kapangyarihan mo ay naglaho na ako at pati yung bracelet na suot mo dati na magkasama pa tayo' pagkasabi na nyun napansin ko na lang na nawala na pala ang bracelet ko at nakalimutan ko na rin siya bigla.

"B-Bakit shihou? Di ko pa rin maintindihan ang lahat. Bat kaylangan mo kong iwan? Pati alaala ko sayo inalis mo rin ba?" Tumulo na naman ang mga luha ko dahil naguguluhan na ako. Hindi ko na kilala kong sino talaga ako.

'Dahil parte iyun ng misyon ko. Isa na lang akong kaluluwa na buhay ngayon. Serafina, hindi pa rin kita pababayaan. Tandaan mo yan. Nasa isipin mo lang ako. Hanggat hindi mo pa natatalo ang mga taga Dark moon. Mananatili akong buhay.'

"Shihou" tawag ko dito

'Wag kang magtitiwala kahit kanino dahil anomang oras pede kang mapahamak'

Pagkasabi na nyun biglang naging ginto na ulit ang ahas at napatingin ako ulit sa estatwa at napansin ko na may kakaiba dito.

"Kailangan ko ng makaalis dito." Sabi ko sa sarili ko at naglakad na palayo habang naglalakad ako parang nag iba ang ihip ng hangin sa paligid ng garden na ito kaya napahinto at nakaramdam ako na hindi lang ako ang nag-iisa dito.

"Lumabas ka!! Magpakita ka sa akin!!" Agad ako nagpakawala ng ice blade sa paligid ko kaya lumitaw ang maraming naka black at may mga takip ang mga mukha nila at naka hood pa sila. Teka bakit sila naka itim?  May nachugi ba?

"Sino kayo??" Sigaw ko sa kanila.

"Sumama ka sa amin kung ayaw mong masaktan" sabi ng isang ewan. Di ko kasi kilala.  Ano ito sapilitin ang pagsama?

"Ano ito sapilitan!?? Magkakilala ba tayo hah?!! Tsaka sabi ni Daddy don't talk to strangers daw" sabi ko sabay lakad palayo sa kanila pero na patigil ako ng bigla nila akong pinalibutan.

"Nang iinis ba kayo huh?!! Sabi ngang ayaw ko diba?!!" Pagkasigaw ko biglang napalakas ang hangin at medyo natakot ko yata sila. Tsk. Ang kulit kasi ee

"Sugurin nyo na sya!!" Sigaw ng isa kaya inihanda ko na ang sarili ko.

Tumakbo na sila papunta sa akin ng may dalang mga espada kaya ng makalapit sila sa akin bigla ko na tineleport ang sarili ko sa itaas at lahat sila ay nagbanggaan sa isat isa.

MOON PRINCESSDonde viven las historias. Descúbrelo ahora