Chapter 40

3K 66 1
                                    

Hi guys! maguupdate na ulit si author. Basahin niyo na :D before that paki follow po ako sa twitter (kung meron kayong account XD) @bluechayeon2 pa rin as always. I'll follow you back po ^_^ yun lang ! :D

AKIRA'S POV

"FENRIR?" Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Fenrir sa kwarto ko kaya tumakbo ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.

"San ka ba galing huh?! Bat nawala na lang kayo bigla ni shihou? Asan si Shihou?" Sabay sabay na tanong ko sa kanya

'Bitawan mo muna ako Akira para makapagsalita ako sayo.' Pagkasabi na niyun binitawan ko nga siya at umupo ako sa harapan niya kaya magkaharap kami ngayon.

"Asan muna si Shihou?" Tanong ko sa kanya at ibinigay niya sa akin yung bracelet ni shihou kaya sinuot ko na ulit ito sa kaliwang kamay ko

"Sige na Fenrir magpaliwanag ka na." Sabi ko sa kanya

'May misyon lang kaming dapat tapusin ni shihou kaya umalis kami at di na nakapag paalam sayo, kaya pasensya na Akira' paliwanag niya sa akin pero parang may mali sa kanya parang may tinatago siyang kakaiba sa akin



"Kung ganon nga, pati rin ba si Ate Catt kasama sa misyon niyo? Kaya kayo mag kasama ?" Tanong ko sa kanya. Kung di mo sasabihin sa akin Fenrir ang totoo. Ako ang mismong ang aalam



'T-Tama Akira k-kasama rin siya sa misyon ----' di ko na siya pinatapos at lumabas na ako ng kwarto ko.. Alam kong tinatago niya ang tunay na dahilan kaya napatingin ako sa kaliwa Kong kamay kung saan suot suot ko na ngayon yung bracelet ni shihou. Kahit tanungin ko ito wala din siyang ibibigay na tamang sagot dahil mag kasama sila ni Fenrir





Habang binibilisan ko ang maglakad ko papuntang sa ibaba. Si Fenrir naman ay sumusunod lang sa akin.




Nang makarating ako sa ibaba nadatnan ko doon si Ate Catt na kinakausap sila Zen at Louise at di ko inaasahang marinig ang aking Ama

T-Taga Dark Moon siya? Ibig bang sabihin i-isa siyang k-kaaway??

"A-Ate C-Catt? B-Bakit? " bigla na lang lumabas sa bibig ko. Imbis na hintayin siyang sumagot tumakbo na akong palabas ng mansyon. Nang makalabas ako di ko inaasahang nandoon lahat ng mga Moon pati na rin ang mga tagabantay ng mansyong ito



"Padaanin niyo ako!!" Sabi ko sa kanila pero bigla na lang nila ako pinatamaan ng kanilang kakaibang kapangyarihan na nagmumula sa mga tungkod na hawak nila at buti na lang nakailag ako pero nadaplisan nila ang kanang braso ko kaya nagdugo ito.



"Shi Mei !! Wala sa usapan na kailangang saktan mo ang Prinsesa! " napalingon ako sa likuran ko ng sumigaw si Zen at nakita ko doon sila Ate Catt at Louise na mukhang nagulat sa ginawang pag atake sa akin

"Pasensya na Zen pero kung sakaling magpumilit na umalis ang Prinsesa ng Moon sa mansyong ito, wala kaming magagawa kung hindi ang saktan siya" sabi ng isang babae kay Zen at magpapakawala na naman ito sana ng kapangyarihan na nanggaling sa tungkod niya kaya wala na akong magagawa kung hindi gamitin ang kapangyarihan ito.


"Air tornado! " pagkasabi ko niyan bigla na man napunta ang tungkod nila malapit sa amin at lahat sila natumba sa lupa at parang nawalan ng malay. Pagkakataon ko na ito para tumakas

"Fenrir!" Sabi ko sa kanya pero pagtingin ko wala na siyang malay.

"Ang galing talaga ng timing ko, Akalain mo yun nasira mo ang barrier na promoprotekta sana sayo hahaha" bago ko pa siya lingunin bigla na lang ako ng hina at unti unting nanlabo ang lahat.

***************

LOUISE'S POV

Sa lakas ng tornadong ginawa ni Akira ang nasa paligid niya ay nadamay. Buti na lang nakagawa kaagad ng shield si Zen kaya di kami nadamay sa pag-atake niya pero nahuli na kami dahil pagkita namin kay Akira buhat buhat na siya ng isang taga Dark Moon at wala na itong malay pati na rin si fenrir .

"Bitawan niyo ang kapatid ko!!" Susugod na sana si Ate Catt pero pinigilan ito ni Zen.

"Nandito pala ang pangalawang anak ng Park. Let's just say bunsong anak?" Sabi ni Kira na panay tawa pa na parang sinapian ng isang demonyo.

"Tumahimik kang babae ka! Ku-----" ginamitan ko ng kapangyarihan si Ate Catt para mawalan siya ng malay dahil alam kong di yan titigil hanggat di niya nakukuha si Akira

"Oh bakit mo siya pinatulog Louise?" Nakangising tanong ni Kira sa akin

"Ibibigay mo siya sa akin o ipapatikim ko sayo ang kapangyarihan ko?" Sabi ko sa kanya pero nginitian niya lang ako na parang nang aasar.

"Gusto ko sana ang pangalawa mong tanong kaso busy pa ko. Next time na lang Louise :) bye!" Sabi niya sa amin at bigla na lang silang naglaho na parang bula.

"Tsk. Gumawa na sila ng hakbang. Ikaw Zen bat di mo man lang nilabas ang kapangyarihan mo sa kanya?! " singhal ko sa kanya habang buhat buhat niya ang walang malay na si Ate Catt

"Alam mo naman kung saan dadalhin si Serafina diba?" Tanong niya sa akin

"Malamang sa Dark Moon Palace nila dad----"

"Buti alam mo?" Dahil sa sinabi niya nabatukan ko siya. Nagawa niya pang mang-inis sa sitwasyong ito?! Bwisit sarap niyang itapon sa malayong lugar !!

"Bwisit ka!!"

"Kung susugod tayo doon mas malaking problema ang mangyayari kaya bumalik muna tayo sa academy niyo para maiplano na natin ang gagawin nating pag-atake" sabi niya sabay maglalakad na sana siya ng bigla siyang tumingin ulit sa akin

"Atsaka natitiyak ko na di hahayaan ng kanyang ama na masaktan siya ng taga Dark Moon" pagkasabi na niyun naglakad na siya palayo

Paano naman siya nakakasiguro doon?!

"Siguraduhin mo lang Zen, kung hindi ikaw ang mapapatay ko" sabi ko ng makahabol ako sa kanila.

"Tsk. Oo na, pero teka lang. Anong gagawin natin kina Shi Mei at sa mga tagabantay?" -Zen Takang tanong nito habang napatingin siya sa taong nasa paligid na walang malay na ngayon.

"Mayat maya magigising din sila kaya tara na at para malaman na ni Mrs. Valliere yung nangyari sa apo niya " sabi ko na lang sa kanya

"Wala tayong sasakyan na maghahatid sa atin atsaka ang hirap bitbitin itong ate ni Serafina " reklamo niya sa akin .

Tsk. Sino ba kasing nagsabing buhatin niya si Ate Catt ? Baliw yata ito =_____=!

"Tsk. Nakalimutan mo yatang teleportation ang kasama mo?" Tanong ko sa kanya

"Anong paki ko sa teleportation mo? Mas malakas pa rin ako sa----- Aray! Masakit yun !" Singhal niya sa akin pagkatapos ko siyang batukan

"Baliw! Bakit kaya ba ng kapangyarihan mo makapagteleport kung saan huh?!"

"Hindi dahil di naman telepo------" di ko na siya pinatapos dahil wala namang mapupuntahan ang walang kwentang usapan na ito.

"Ang dami mong satsat! Tara na!" Sabay patong ko ng aking kamay sa balikat niya at tineleport ko na ang mga sarili namin

Konting tiis na lang Serafina kukunin ka din namin.

----------

I know na bitin na naman hahahaha anyway don't forget to follow me.... And also I have another story if willing lang kayong basahin just visit my account on wattpad or (twitter) @Bluechayeon2

Title: Esper
Genre: Action-fantasy

MOON PRINCESSOnde histórias criam vida. Descubra agora