Chapter 13

9.7K 322 4
                                    

AKIRA'S POV

Malakas na ang loob ko dahil kaya ko ng protektahan ang sarili ko pati na rin ang pamilya ko. kaya lang bakit ako kinakabahan ngayon?  Parang may hindi tamang mangyayari.

"Hindi Akira, Wag mong gawin ang sasabihin ni Sean. Wag kang makinig sa kanya. Kaya ko toh. Fight! Fight!"

Ano ba yen mukha naman akong tanga dito kausap ko pa sarili ko -_-!

Habang hinahanap ko si Fenrir may nakita akong isang matangkad na lalaki at parang kasing edad lang ni Daddy at katulad lang din niya na parang bata pa hehehe.

"H-Hello po Sir?" Pagkasabi ko nun lumingon sya sa akin at nakangiti pa sya.

"Ikaw ba si Akira Park?" Woah! Paano niya nalaman ang name ko? Spy ba sya?

"Nakita ko lang yung Name tag mo." Paliwanag niya

"Matanong ko lang po.  Guro po ba kayo dito or nagbabantay lang?" Takang tanong ko dito kasi kung guro nga siya dapat nasa magic field na siya ngayon at hindi dito sa field at pagala gala lang.

"Sabihin na nating may kailangan lang akong makitang importanteng bagay kaya ako nandito" sabi nito.  So ibig sabihin nagbabantay nga siya dito at may hinahanap siya.

"Pasensya na kayo Mister ah.  Gusto ko po sana kayong tulungan kaya lang hinahanap ko din po kasi yung aso ko at isa pa ranking na rin po namin ngayon.  " sabi ko dito at ngumiti lang ito sa akin. 

"Sa totoo lang nahanap ko naman na ang dapat kong makita kaya wala ka ng dapat ipag-alala pa" sabi nito atsaka ngumiti.  Para tuloy ang weird ng niya dahil pala ngiti siya sa akin.  Nagandahan siguro si mister sa akin. Sabi na ee ako talaga pinakamaganda sa anak ng park wahahaha echos lang!  Balik na sa realidad.

"Kung ganoon po.  Tutuloy na po ako Mister.  Hahanapin ko pa kasi yung alaga ko ee.  Ingat po." Paalam ko dito at tumalikod na ako.  Naka isang hakbang pa lang ako ng magsalita siyang muli

"Ang natutulog na enerhiya ay muli na namang magigising kung kaya't dapat maging handa sa anumang mga pagsubok na darating.  Huwag hayaang kontrolin ng emosyon ang sariling katawan nito. " Huh?Anong ibig niyang sabihin sa akin?

"Mister anong ibig ny----" Paglingon ko wala na siya sa kinatatayuan niya at nakita ko lang doon si Fenrir. Kung saan nakatayo ang misteryosong lalaki na nakausap ko. Asan na siya?  Bakit ang bilis niyang mawala?

'Akira ayos ka lang ba' Bigla na kang nagsalita sa isip ko si Fenrir kaya nabalik ang atensyon ko sa kaniya.  Kanina hinahanap ko siya tapos bigla na lang siyang susulpot dito.  Yung mister kanina.  Saan na ba yun nagpunta? 

"Fenrir? K-Kanina pa kita hinahanap.  S-Saan ka nag punta? " Nauutal kong tanong dito.

'Kararating ko lang dito dahil nakita kita na mag-isa. At mukhang gulat na gulat ka ng makita ko.  May nangyari ba?' Takang tanong niya muli sa isipan ko. 

"A-Ano......... Napansin mo ba yung lalaki dyan sa kinatatayuan mo?  Kasing edad siguro siya ni Dad. Napansin mo ba? " Tanong ko dito at base sa mukha niya ay nagtataka na siya ngayon.

'Wala akong nakita na kasama mo Akira.  Kaya anong sinasabi mo ngayon? ' Nagtaka naman ako sa sagot niya sa akin. Imposible yun!  Kitang kita ko pa nga si mister ee atsaka magkausap pa nga kami kanina lang.  Paanong hindi niya nakita?

'Akira ayos ka lang ba? '

"O-Oo a-ayos lang a-ako" napangiti na lang ako ng pilit kahit iniisip ko pa rin kung bakit hindi nakita ni fenrir ang lalaki na yun.

'Mukhang nagkita na kayo ni Shihou' sabi nito at napatingin sa bracelet na suot- suot ko ngayon. 

Tama!  Bakit hindi ko na lang sa kaniya itanong kung paano naging dambuhalang serpente si shihou? 

"F-Fenrir gusto ko lang sana malaman kung bakit ganoon na lang kalaki si Shihou? " takang tanong ko dito at lumapit na ako sa kaniya at umupo sa harapan niya.

'Dahil iyon talaga ang tunay niyang anyon,  Akira.  Bago mo pa siya nakilala' Sabi nito na ipinagtaka ko naman.  So ibig sabihin alam din ito ni Ate Catt ko? Siya kasi nagbigay sa akin kay shihou kaya for sure alam niya ang tungkol kay shihou? 

"Ibig sabihin.  Alam ni Ate Catt ang tungkol kay Shihou? " Tanong ko dito at umiling siya. 

'Tandaan mo maigi Akira.  Ang pagpunta namin ni shihou sa panahong ito ay dahil sa isang misyon.  Kapag nasa maayos na ang lahat tsaka kami pwede umalis na' sabi nito na ikinalaki ng mata ko.


"So ibig sabihin.  Iiwan niyo akong dalawa?  Saan kayo pupunta? " tanong ko dito dahil ayaw kong iwan nila ako. 

'Babalik kami kung saan kami nagmula' sabi nito at ngayon naguguluhan ako sa sinasabi niya ngayon sa akin.  Nagmula?  Anong ibig niyang sabihin doon?

"A-Ano-----"Di ko na natapos ang sasabihin ko ng may narinig akong naghiyawan na mga istudyante sa magic field.  Nagsisimula na ba?
 

"Muntik ko na palang makalimutan.  Kailangan na pala nating pumunta doon Fenrir" sabi ko dito at binuhat ko na ang tuta ko.

'Saan tayo pupunta Akira?' -Tanong sa akin ni Fenrir habang buhat buhat ko siya.

"Bakit sa pumapasok yung boses mo sa isipan ko? " takang tanong ko dito.

'Para ikaw lang ang magmukhang baliw sa ating dalawa.  Habang kausap mo ako' sabi nito na ikinatigil ko sa paglalakad.  Aba't loko din pala itong tuta kong ito tss.

'Maglakad ka na Akira.  Baka mahuli ka na.  At teka nga saan ka ba pupunta? ' tanong ng chismoso kong tuta.

"Sasamahan mo kong pumunta sa magic field" masigla kong sabi.

"Sigurado ka ba dyan? Kaya mo na ba kontrolin yang kapangyarihan mo?" Tanong nito sa akin.  Omg!  Alam na niya ba yung nangyari sa gym?

'Alam ko ang bawat kilos mo,  Akira at kailangan din kitang bantayan' sabi nito na ipinagtaka ko naman. Shems!  Mukhang alam niya nga. 

" Alam ko namang tutulungan ako ni Shihou" sabi ko na lang dito.

'Kung ganon mas mabuting nasa tabi mo na lang ako para kung anong mangyari mapoprotektahan kita.' Muling sabi nito sa akin.

"Salamat Fenrir"

******************************

So ayun guys!  Pansamatalang i-unpublish ko ang ibang chapters dito sapagkat ang dami ko na pong binago na scene at hindi rin siya tutugma sa mga past scene's ko dati kaya ngayon ay ON-GOING na po siya.  Yung ibang tapos na basahin ang story na ito pwede niyo na pong basahin ang THE MOON PRINCESS. 

Ps: para refresh na kang ang story na ito guys para updated niyong mabasa at sana maintindihan niyo si author.  Kamsa. 

MOON PRINCESSWhere stories live. Discover now