Chapter 6

12.8K 463 8
                                    


---------------

"Mahal ko,  kunin na natin sya doon baka mapahamak pa siya at baka madamay din ang anak natin" sabi ng babae na nagaalala sa anak nito

"Hindi pwede kailangan nyang ilabas ang tunay nyang kapangyarihan kung dito natin sya pag-aaralin baka hanggang  nanoring mind lang ang kaya niyang gawin at hindi pwede yun "Sagot naman nito sa kanyang asawa

"But--"

"No buts " at bigla na lang may sumingit  sa kanilang usapan.

"Sir, Ma'am si Ms. Akira po. "

"Huh?!  Bakit anong nangyari?!" gukat na saad ni hotaru sa lalaki. 

"Bigla na lang po itong nakita malapit sa garden at wala na itong malay. " pagpapaliwanag ng lalaki kay Hotaru at halos kinakabahan ang mag-asawa sa narinig nilang balita. 

"Si Ayumi ayos lang ba? "Tanong ng babae dito

"Ayos lang po si Ms Ayumi, kasalukuyang binabantayan niya po si Ms.  Akira" sabi ng lalaki kaya nakahinga naman na ng maluwag abg asawa ni Hotaru

"Mukhang nanibago yata siya sa pinasukan nila ni Ayumi.  Mahal ko" sabi ni Hotaru sa kanyang asawa. 

"Sige na makakaalis ka na" sabi ni Hotaru sa lalaki at mukhang nabigla sa sinabi nito. 

"Hindi niyo po ba pupuntah-----" hindi na natapos ng lalaki ang sasabihin nito ng tinignan siya ng matalim ni Hotaru

"Ipagpaumanhin niyo po ang ginawa ko.  Sir" sabi nito at sabay na nag bow sa mag-asawa atsaka isinarado ang pintuan. 

"Hindi mo ba dadalawin ang anak mo doon Hotaru? " inis na tanong ng asawa nito

"Nakatitiyak ako na magiging ligtas sila doon.  At hindi pa ito ang tamang oras para puntahan sila" sabi nito

"At sana maintindihan mo rin ako,  Mahal ko.  Kailangan ko lang tuparin ang kasunduan namin dahil kung hindi sa kaniya.  Wala na akong ngayon sa mundong ito. " Malungkot na saad ni Hotaru dahilan yakapin na lamang siya ng kaniyang asawa.

************************************

....... Academy.......

*** Akira ***

Ughhh... Ang sakit ng ulo ko, where am i? Bakit puro puti ang mga nasa paligid ko. Na saan ba ako? 

"Ate Ayumi! Na saan ka na?!" Sigaw ko pa kahit alam kong ako lang tao sa kwartong ito. 

Naka labas na ako sa puting kwarto tapos nakarating ako sa isang palasyo. Ano ito diba nasa academy ako ba't naman nandito ako sa isang lugar na hindi ko  man lang alam? Asan ba ako?  Asan ang mga istudyante?  Asan din si fenrir?

"Ate Ayumi asan ka ba?! si Shihou hindi ko na makita tapos ikaw din,  mawawala? " Napaupo na lang ako sa damuhan habang nakatingin sa malaking palasyo. 

Ano b kasing lugar ito?  Ang huling natatandaan ko.  Kausap ko pa non si fenrir tapos bigla naman nagdilim yung nasa paligid ko.  Ngayon naman nandito na ako sa hindi ko naman alam na lugar.  Pinaglalaruan ba talaga nila ako?!  Pwes!  Ngayon hindi nanakakatuwa ito.  Natatakot na ako.  Ayaw kong mag-isa.  Natatakot ako na mag-isa.

"Sabi ko hindi ako iiyak *sobs* p-pero p-pasaway i-itong l-luha k-ko *sobs* a-ayaw s-sumunod sa akin. "

"Ate Ayumi?! Magpakita ka nga sa akin.  Ayaw ko na ng biro na ito.  Hindi na nakakatuwa! "

*sobs*....*sobs*....*sobs*....

"Akira ko wag ka ng umiyak. " Agad naman akong napatingin sa nagsalita at nakita ko ang isang babaeng napakaganda nya. Ang mga ngiti niya parang nakita ko na iyon pero di ko matandaan kung saan ko yun nakita pero sa sinabi nya bigla na lang akong kumalma.

MOON PRINCESSWhere stories live. Discover now