Chapter 20

6.6K 203 0
                                    

SEAN'S POV

Nagising ako sa sikat ng araw kaya napabangon ako kaagad.

"Panaginip lang pala yun. Tsk. "

Pagtingin ko sa paligid parang napalitan yata ang kwarto ko. Pati din ang ayos ng mga nakadisplay sa gilid parang iba.

"Buti naman nagising ka rin. I thought your dead na. " - Cassandra na naka cross arm pa ng makalapit sa akin.

"Anong ibig mong sabihin? Tsaka asan ako? Hindi ko ito kwarto! Hindi panaginip ang nangyari kagabi. Ibig sabihin totoo lahat iyon? " Tuloy tuloy kong sabi dito 

"Kagabi? Wala namang nangyari kagabi ee.." - sagot nito sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Walang nangyari kagabi kasi dalawang araw kang nakaratay diyan sa higaan mo dahil siguro yun sa pinalabas mo na Fire Snake ba yun? Infairness hindi ko inaasahan na makikita ko muli yun" Nanlaki na lamang ang mata ko sa sinabu niya.

So ibig sabihin si A-Akira ay hindi... Hindi totoo yun... Hindi maari...

"Si Akira?! Cass asan siya?! Ok na ba siya ngayon?!" Sunod sunod na tanong ko sa kanya.

"Easy lang Sean. Ok na siya mas mabilis siyang naka recover kesa sayo. " -Cass

"Buti naman. Nasaan siya ngayon?"

"Baka kasama niya ngayon si Josh. Ang sweet nga niya kay Akira simula nung nag ka malay iyon ee.." Hindi naman halatang mas kinikilig pa ang babaeng ito.

"Ah ok."

"Hindi ka nagseselos?." Takang tanong nito sa akin

"Ano naman ang ikaseselos ko?" Balik kong tanong sa kaniya.

"Maiba ako. Hindi ko inaasahan na mangyayari ang gabing iyun." Seryosong sabi nito dito kaya pati rin ako ay nagtaka na rin.

"Atsaka bakit dis oras ng gabi ay nasa labas si Akira?" Dagdag pa muli nito kaya mas lalo akong napaisip.

Bakit nga ba siya nasa labas non.

"At bakit nandoroon ka rin?" Tanong ko dito

"Duh! Malakas ang pakiramdam ko sa kalaban Sean. Kaya dali dali kami nagtungo sa pinanggagalingan ng enerhiya pero hindi namin inaasahan na makikita namin doon ang magkapatid" sabi nito. Sabagay ganon din ako. Naramdaman ko rin yun kaya agad akong lumabas ng kwarto ko.

"O siya maiwan na kita dyan." Sabi ni Cass at tinanguan ko na lamang siya.

Agad naman akong nagbihis at umalis na sa Clinic na ito. Kala ko talaga kanina na panaginip lang yun ayun pala totoo na nangyari iyon. Kainis talaga itong si Cass pabitin minsan.

AKIRA'S POV

"Maayos lang ba si Sherlyn ngayon?" -Josh

Nandito ako ngayon I mean kami ni Josh sa magi garden at kinukulit niya ako about kay Sherlyn. Bat kasi ang torpe ng mga lalaki?! Ayaw pang sabihin na gusto niya ang babae. Bat may mawawala ba sa kanya pag sinabi niya ang feelings niya dito diba wala naman? Ang arte kasi ee...

"Ikaw kaya ang tumingin sa kanya doon sa room niya para naman malaman mo." Sabi ko dito.

"Ayaw ko baka pagkaguluhan lang ako ng mga girls doon. Mahirap kasing maging gwapo sa panahong ito Psh."- Josh. Abat ang kapal naman ng feslok nito.

"Masyado na yatang malamig."

Akmang tatayo na ako ng hawakan nya ang kamay ko.

"Ano?" Takang tanong ko dito

MOON PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon