KABANATA 01

807 27 28
                                    

"Huy, Selene, nag-aral ka? May quiz daw mamaya!"

Galing sa pagkayuko ay agad kong itinaas ang ulo ko para tingnan ang kaibigan na bigla lang akong kinalabit. Bahagya pang nakapikit ang mata ko habang tinitingnan siya.

Ni wala man lang akong reaksyon na ipinakita sa kaniya dahil sa antok na nararamdaman ko. Gusto ko pang matulog! Kinulang kasi ako sa tulog kagabi dahil inaral ko iyong isang topic na hindi ko maintindihan.

Inaral ko nga pero hindi ko pa rin naintindihan.

"Oo, pero 'yong isang formula, hindi ko makuha." Kinamot ko ang panga ko. "Ang bilis kasi magturo ni Sir!"

Mahina niyang pinitik ang noo ko at hinila ang upuan para tumabi sa akin. "Isisisi pa talaga kay sir Mancino. Ang sabihin mo, hindi mo nakuha dahil nagmamadali kang umuwi!"

Umirap na lang ako sa sinabi niya. Last subject na kasi namin 'yon no'ng isang araw at medyo nababagot na ako. Nalaman ko ring bibisita ang pinsan ni Mamà kasama ang anak niya kaya excited ako.

Tinuruan ako ni Ace kung paano gamitin ang formula na 'yon at binigyan ako ng problem na sasagutin ko raw.

Sa awa ng diyos ng mga numero, nakuha ko nang tama. Mas nage-gets ko talaga kapag kaibigan ko ang nagtuturo kaysa sa mga prof. Mas natututunan ko kasi kapag ganoon dahil malaya akong nakatatanong.

Naging okay naman ang score ko sa quiz, pero may iilang number talaga roon na hindi ko nakuha nang tama. Sayang 'yon dahil malaki raw ang puntos, pero wala naman akong magagawa dahil bobo talaga ako sa numero.

Wala, e. Paninindigan ko na lang 'tong kinuha kong kurso.  Noong bata pa ako ay gusto ko talagang maging engineer dahil nae-engganyo ako sa mga staff sa kompanya ng mga magulang ko kaya simula no'n, gusto ko na ring maging engineer. Akala ko madali lang… ang dami palang solving.

"Bilisan mo, dumidilim na!"

Nagmamadali naman akong nilagay ang mga gamit ko sa bag dahil nagmamadaling umuwi si Ace.

"Eto na po." Inirapan ko siya at nilagpasan ang pintuan kung saan siya naghihintay.

Dire-diretso ang lakad ko at confident na confident pa pero agad ding napahinto nang umihip ang hanging pang gabi. Lumingon ako para makita si Ace na pasimpleng naglalakad habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa.

Tumakbo ako palapit sa kaniya para kunin sana ang jacket na naka sablay sa kanang balikat niya, pero bago ko pa makuha iyon ay siya na mismo ang kumuha at itinaas iyon para hindi ko maabot.

"Oh, oh, lalagpasan mo ako roon tapos, babalik ka para kunin ang jacket ko?" sabi niya habang naka taas pa rin ang kamay. "Kiss muna!" pang-aasar niya at tinuro-turo pa ang pisngi.

Ngumiwi ako sa kaniya para asarin din siya pabalik nang may narinig akong sigaw.

"La, gagi. PDA!" rinig kong sigaw ni Blake na isa rin sa tropa ko. "Akala ko ba, kaibigan lang!" sabi niya at tinakpan pa ang bibig niya.

Parang gago amputa.

Bumalik na lang ako sa paglalakad. Hindi na rin ako nag-abalang kunin ang jacket kay Ace dahil baka ano na naman ang ipagsisigaw ni Blake.

Si Blake ang unang naglakad dahil siya ang may alam kung saan ang ibang tropa tapos ako ay nakasunod sa kaniya. Si Ace naman ay nasa likuran ko.

Naka-lapat ang dalawang palad ko sa magkabilang braso para kahit papaano ay maibsan ang lamig na bumabalot sa paligid nang naramdaman ko ang makapal na tela na bumalot sa likod at braso ko.

"Malamig pa?" tanong ni Ace.

Umiling ako at ngumiti sa kaniya. Dahil sa kapal ng tela ng jacket niya ay hindi na ako masyadong nilalamig.

Splendiferous CrescentWhere stories live. Discover now