KABANATA 23

130 6 15
                                    

Sabi nila, kapag daw hiwalay na kayo ng partner niyo ay para ka na rin daw nakatakas sa kulungan. But in my stand, parang hindi. I guess it's not that applicable to all the person who got separated with their partners. May ilang masasaktan at may ilan ding masisiyahan dahil nakalaya na. Nakadepende sa sitwasyon at relasyon nila sa isa't isa. 

It's been almost two years since we decided to end our relationship but until now, I cannot say that I am fully healed. Kahit pa ako ang gumawa ng sugat na 'yon, masakit pa rin para sa 'kin. 

Nag-iingat na rin ako sa mga ginagawa ko noon. Pati ang mga pupuntahan ay magtatanong muna ako kung sinong nandoon at ang eksaktong lugar dahil ayaw kong magkita ulit kami. Ayaw kong maglapit ulit ang landas namin. 

"Congratulations!" 

Lumapit si Sol at Ella sa kinaroroonan namin. Sa likod naman nila ay si Blake at Phen na parehong nakasuot ng polo na nakatupi hanggang baba ng siko. 

"Graduate na tayo!" Tumawa ako at tinanggap ang bulaklak at regalo na binigay ng mga kaibigan. 

"Board exam na lang. Kayo bahala sa bahay namin, ah?" si Blake at isa-isa kaming niyakap.

Binigyan lang namin siya ng tawa na hindi sigurado. Ewan ko, pakiramdam ko ay hindi ko kayang gawin ang bahay ng isang Blake Blevindoza. 

"Here, Ace," si Ella kay Ace at inabot ang kahon sa lalaki. Tumaas ang kilay ni Ace habang tinitingnan si Ella. "I can't remember you that much but my heart says you're a good friend," ani Ella at ngumiti. 

It feel so worth it. Lahat ng mga puyat at paghihirap namin, lahat ng pagsakit ng ulo dahil sa mga equations na hindi maintindihan ay nagbunga na nang maganda. 

Naalala ko pa no'ng nag-announce ang prof namin ng mga ga-graduate at hindi ko narinig ang pangalan ko. Halos maiyak na ako habang si Ace naman ay hindi alam ang gagawin. Ang mga block mates ko ay naluluha na akong tiningnan pero ang prof namin sa harapan ay tumatawa lang na parang sobrang tuwa niya. 

Isipin mo 'yon? Halos gabi-gabi kang umiiyak kapag napipikon ka sa mga math problems na hindi mo maintindihan tapos paghihirapn mo pa ring makuha 'yon para may grado tapos malalaman mo na lang na hindi ka pala kasali sa listahan ng mga ga-graduate? 

Mabuti na lang ay biro niya lang 'yon. Pikon na pikon ako sa kaniya no'ng time na 'yon. Naisip ko pa ngang batuhin siya ng tsinelas dahil sa pikon pero pinigilan ko ang sarili dahil kahit papaano, mas matanda siya sa akin ng apat na taon at nagpapakita rin siya ng respeto sa akin kaya dapat ko rin siyang respetuhin kahit na halos mapugto na ang hininga ko nang hindi marinig ang pangalan ko sa listahang binabasa niya.  

Naging close namin siya ni Ace dahil 'yon ang payo ng mga ahead sa amin, kailangang kilala raw kami ng prof dahil mataas ang posibilidad na kapag magkakilala kayo, palagi ka niyang matatandaan pati ang mga works mo, posible ring tumaas ang marka. And that's what I got when he got close to me and Ace. He pranked me that name wasn't on the graduating list. 

"Congratulations, kapatid!" Bati ni kuya at hinalikan ako sa noo. Hawak niya ang isang kamay ng anak niyang paika-ikang naglalakad habang ang isa namang kamay ng bata ay hawak ng Ina niya. 

Binati rin ako ni Zeph. Halos hindi na niya magawang bigkasin ang 'congratulations' pero tinapos niya pa rin. 

"May nagpapabigay." Inabot sa akin ni kuya ang isang paper bag. Kunot-noo ko naman iyong tiningnan at tinanong kung kanino galing. "I don't know. I just found it on my table and it says it's for you." 

Nagkibit ako ng balikat at dahil curious ako, binuksan ko iyon para makita ang laman nito. May isang card doon at dried flowers sa loob ng crescent shape na salamin. May switch din sa baba na paniguradong para sa ilaw sa loob. 

Splendiferous CrescentWhere stories live. Discover now