KABANATA 18

152 5 5
                                    

"Gising, gising, gising!" Ramdam ko ang pagtampal ng kung sino sa pisngi ko.

Bahagya kong iminulat ang mata ko pero mariin ding pinikit nang masinagan ng araw ang mismong mukha dahil nakabukas na pala ang kurtina sa bintana.

"Pasensya ka na kung wala si kuya rito kahapon, ah?" Rinig kong sabi niya pero nanatili akong napapikit. Hinalikan niya ang noo ko. "Alam kong gising ka. Bumangon ka na riyan at nasa baba na ang mga kaibigan mo," huli niyang sabi saka umalis sa kama. Narinig ko rin ang pagbukas ng pinto kaya alam kong nakalabas na si kuya.

Tamad akong bumangon at dumiretso sa banyo para linisin ang sarili at gawin ang morning routine ko. Mga kaibigan ko naman 'yon. Wala silang sinabi na pupunta sila rito at basta-basta na lang sumulpot kaya bahala silang maghintay.

Bahagya kong tinapik-tapik ang mukha ko nang tapos na ako. Hinubad ko ang robe saka sinuot ang napiling damit.

"Selene!" Patalon-talon si Ella habang lumalapit sa akin. May dala siyang maliit na papel. Pagkalapit sa akin ay agad niya itong binigay. "A ticket for my first concert. I'm expecting you to be there."

Nakangiti ako habang binubuksan iyon. Card na may litrato ni Ella mula sa ginawang photoshoot last week. Naroon din ang important information tungkol sa event tulad ng time, date, at kung ano pa.

"May fifteen? Birthday ko 'to, ah?"

"Exactly! That's my birthday gift for you! I'll sing for you there," aniya at kinindatan ako. Inakbayan niya ako at dinala sa sofa kung saan naka-upo ang iba pa naming kaibigan.

Tuwang-tuwa si Ella habang nagkukwento tungkol sa ginagawang preparation ng team niya para sa upcoming event. Nakakatuwa rin dahil unti-unti na niyang natutupad ang lahat ng pangarap niya.

Alam kong marami siyang hinaharap na mga problema ngayon na hindi niya sinasabi sa amin pero nakaya niyang umahon doon. Napakalakas niya at saludo ako sa pinsan ko.

"Selene, kailan alis niyo?" tanong ni Ace na ngayon ay prenteng nakahiga sa sofa at ang batok ay nasa arm rest.

"Mamayang hapon," sagot ko. "Bakit?"

"Pasalubong, ah?" Kumindat siya at nag-thumbs up. Dahil sa sinabi niya ay nagsi-ingayan na ang mga kaibigan ko at isa-isang sinabi ang mga gusto nila.

"Bakit, may pinadala ba kayong pera?"

"Ay! Ako, meron! Dalawang milyon ang binigay ko sa 'yo no'ng January. Akin five percent do'n!" proud na sabi ni Ace. Tinapik pa niya ang dibdib niya.

"Ako bahala sa eroplano!" si Blake naman.

"Manahimik nga kayo! Kaibigan tayo ni Selene kaya imposibleng hindi tayo bigyan ng pasalubong niyan!" Kinindatan ako ni Sol. "Hindi ba, Selene?"

Natigil lang ang bangayan ng mga kaibigan ko nang pumasok si kuya at Ash saka dinaluhan kami sa Sala. Kunot-noo kong tiningnan si Ash na parang iritado kay kuya.

"Sa'n kayo galing?" tanong ko.

"Hinatid sina Mamà at Papà sa airport," simpleng tugon ni kuya na ikinakunot pa lalo ng noo ko.

Ganoon na ba talaga ka lala ang nagyayari sa kompanya sa Spain para bumalik agad sila pagkatapos ng ilang oras dito sa Pilipinas?

"Bumalik agad sila?"

"Yes. Mga ilang araw lang din naman."

Nagkibit na lang ako ng balikat. Hindi dapat ganito ang iniisip ko dahil ginagawa lang naman nila ang lahat para hindi tuluyang bumagsak ang branch doon.

Habang si kuya ay palaging nakayakap kay Ash at ang mukha ay nakasiksik sa leeg niya, si Ash naman ay sobrang irita sa kaniya. Palaging tinatanggal ang hawak sa kaniya at nakangiwi. Pero ang kuya kong mapang-asar ay babalik pa rin sa dating posisyon.

Splendiferous CrescentWhere stories live. Discover now