KABANATA 32

141 7 18
                                    

Teka… parang nawindang ako sa biglaan niyang paghalik sa pisngi ko. Masyado iyong mabilis na parang hindi ako makapaniwala. Nag-iinit ang pisngi ko! 

Dios ko! Keys ang hinahanap ko, hindi kiss! Parang gago naman. Nabigla ako, oo. Pero kinikilig din naman ako. Parang may mga lasing na insekto pa na nagpa-party sa loob ng tiyan ko. 

"I didn't saw that." 

Mas lalo lang uminit ang pisngi ko nang marinig ang boses ni Zeph sa bandang likuran namin. Agad ko siyang nilingon, naroon siya sa pintuan, nakatayo at ngumingisi. 

"Kanina ka pa diyan?" tanong ko. Hindi ko na makilala ang tonong nagamit ko dahil sa bigla. 

Lumapit naman si Pierce sa kaniya at nag-squat sa harapan ng pamangkin ko. "How long have you been there?" Pabiro niya pang pinanliitan ng mata si Zeph. 

Mas lalo lang lumawak ang ngisi ni Zeph at itinaas ang kamay para mag-peace sign. "Long enough to see how you kissed my tita's cheek," nang-aasar na sagot ni Zeph at tumalikod. "Lagot ka kay dad, tito!"

"Wait, Zecharius– shit!" 

Hindi na pinakinggan ni Zeph ang tawag sa kaniya ni Pierce at agad nang tumakbo para umalis. 

Isusumbong ba niya? Okay lang. Hindi naman ako kinakabahan. May isip na ako at nasa tamang edad na. Hindi naman ako siguro pagagalitan ni kuya. Pero si Pierce… Wala akong alam tungkol sa mga pinag-uusapan nila ni kuya tungkol sa panliligaw niya sa akin, pero sa hula ko ay may mga terms and conditions siya. 

Nakangisi si Pierce nang ibalik niya ang tingin sa akin. Ako naman ay hindi alam kung anong ekspresyon ang ipapakita. Ewan ko! Nabablangko talaga ako kapag kasama ko ang isang 'to! 

"Tara na. Matatagalan tayo kapag hinanap mo pa 'yang susi mo," aniya. "Sa akin– sabay na lang tayo sa kotse ko. Nililigawan naman kita kaya huwag ka nang umapila." 

Hindi nag-sink in ang iba niyang sinabi sa utak ko. Iyong huling pangungusap lang talaga! 

Ngumuso ako, nagpipigil ng ngiti. Hindi ko rin alam kung bakit parang ngingiti ako. Basta! 

Pinilig ni Pierce ang ulo niya at nakangiting tinitingnan ako. "Ano? Tara na." Naglahad pa siya ng kamay sa akin na agad ko namang tinanggap. 

Halos maluha ako dahil sa sayang nararamdaman. Dagdagan pa ng mga malilikot na insekto sa loob ng tiyan ko at kung saan lang napupunta. 

Tinanggal niya ang hawak ko sa kamay niya para hawakan ang baywang ko. Shit! Kahit simpleng galaw niya lang ay sobra na ang epekto sa akin. Ano pa kaya kung… 

"Ang ganda mo," mataman niyang bulong sa tainga ko. 

Ayon! Ayon na! Pinipigilan ko na lang ang sarili ko na mapatili at tumalon-talon sa tuwa. Ang mga staff na nadadaanan namin ay panay na rin ang ngisi habang tinitingnan kami. 

Zervantes, please, maghinay-hinay ka lang at baka masagot kita kaagad! 

Mahal ko siya, oo. Mahal ko pa siya, pero gusto ko munang kilalanin muli namin ang isa't isa. Sa loob ng halos siyam na buwan sa Spain, marami akong na-miss na mga bagay. Kahit pa sa mga kaibigan ko. Lalo na kay Pierce. 

Kaya ngayon, kahit kating-kati na akong sagutin siya, hindi ko pa rin ginagawa dahil gusto kong makasiguro. Hindi naman sa hindi ako sigurado sa kaniya. I just want to be one hundred percent sure. 

Bulong-bulungan ng mga staff ang mga naririnig namin na hinayaan ko lang. Ang iba ay walang hiya pang ni-head to foot si Pierce. Hindi man lang nahiya na halos makita ko na ang nagbabadyang tumulo nilang laway. 

Splendiferous CrescentOnde histórias criam vida. Descubra agora