KABANATA 37

156 7 19
                                    

"Then, it was true..."

Umawang ang labi ko. Nang itikom ko ulit ang bibig ko ay matigas akong napalunok.

May alam na ako tungkol dito. Matagal na. Pero hindi ko inakala na iba pa rin talaga ang magiging epekto kapag mula iyon mismo sa kaniya.

So he isn't a Zervantes but a Zuela. Totoo ngang magkapatid sila ni Preston. That explains the similarity of his and Preston's eye color. Hindi nga lang sumagi sa isipan ko na maghinala sa pagiging magkadugo nila dahil wala silang kahit anong resemblance maliban sa kulay ng kanilang mata.

I wasn't convinced about it then. But now that Pierce was the one who confirmed it, ibang-iba ang tama no'n. Parang may isang mahiwagang kahon na naglalaman ng malaking rebelasyon ay nabuksan.

"Where's the ring?" kuryusong tanong ko nang maalala ang singsing na sinasabi niya kanina. "Kung wala na, iyong litrato na lang na kinuha mo habang natutulog ako-"

"It's still in my room," nakangiting sabi niya. "And the photo is also in my room. Nasa bedside table."

Nagbaba ako tingin at kinagat ang loob ng pisngi ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman. Kung kikiligin ba ako, maiiyak, o manghihinayang. Pero alam ko naman na wala akong dapat piliin dahil lahat ng iyon, nararamdaman ko sa iisang pagkakataon.

He was planning to propose to me. Kaso ay naghiwalay kami. Kung hindi ba kami naghiwalay noon, kasal na ba kami ngayon?

Pero kung... hindi ba kami naghiwalay, buhay pa ba kami ngayon? His biological parents are persistent to take him back. They doesn't even care if they'll hurt someone as long as makuha nila si Pierce. Wala silang pakialam sa mga taong masasagasaan nila basta ay makuha lang ulit nila ang anak nila.

While Pierce, on the other hand, doesn't want to be with them anymore. Kahit anong gawin nila, kahit anong pananakot ang ginawa nila, hindi nagbago ang desisyon ni Pierce. Hindi ko nga lang alam ngayon...

"Anong plano mo ngayon?"

Nag-iwas siya ng tingin sa akin. "I'll talk with them," sagot niya.

"Hindi ka sasama sa kanila?"

"I will decide once we talked," aniya at inihilig ang likod sa backrest ng sofa nila. "I want it done so I'll make a move to bring it to an end. Ayaw kong madamay ka pa sa gulo."

Tinitigan ko ang mga mata niya, nagbabakasakaling mabasa ko siya. Kaso lang, sobrang lalim niya at hindi ko magawang malaman ang kahit anong tumatakbo sa isipan niya. It's all blank and dark.

"Bakit hindi mo bigyan ng pagkakataon? I'm sure, they have their reasons as to why they did that."

"They better have good reasons," malamig niyang sabi. Pagkatapos ay kumuyom ang panga niya. "Kung naghihirap sila kaya nila ako iniwan, hindi ko 'yon matatanggap na valid reason. I can live that kind of life. They should have a reason better than that."

Kinagat ko ang ibabang labi at bahagyang sumimangot. "Paano kung ganoon nga ang rason? Ayaw lang nilang mabuhay ka sa ganoong klase buhay kaya ka nila pinamigay?" alanganin kong tanong.

"That's bullshit. Kahit anong hirap pa ng buhay mo, hindi mo ipamimigay ang anak mo," marahan niyang sabi pero bakas doon ang galit. "Pero kung ayaw nga nila na mamuhay ako sa ganoong klase buhay at pinili na lang na ipamigay ako sa mayayaman, they should, at least, kept in touch with me. Hindi iyong lumaki ako at hindi alam kung anong koneksyon nila sa buhay ko."

"E... baka nahihiya sila?"

"I don't know." Binalik niya ang tingin sa akin. "Malalaman natin 'yan kapag nagkausap na kami. For now, I want you to be cautious with everything. Please... don't go anywhere without Ace on your side, hmm?"

Splendiferous CrescentTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang