KABANATA 04

326 14 3
                                    

Ganoon nga ang nangyari, si Pierce pa rin ang sumundo sa akin. Nagpatuloy 'yon ng isang linggo hanggang sa naging buwan at ngayon, magdadalawang buwan na ata mula nang nagsimula 'yon. At sa halos dalawang buwan na 'yon, hindi ko maitanggi na masaya siyang kasama at nasanay na ako sa presensya niya.

Halos hindi na nga ako sanay na sumakay sa ibang kotse dahil nasanay na ako sa pwesto ko roon sa kotse niyang sobrang komportable.

"Fuentee, Jacque?"

Inip akong naghihintay ngayon na tawagin ng prof para sa oral. Nasaktohan pa na last subject ang schedule niya sa amin ngayon kaya mas inip ako. 

Hindi ko mapigilang mainggit sa mga kaklase ko na nagsimula A, B at C ang apilyedo. Kung bakit ba kasi alphabetical order!  Pwede namang ramdom. Kung siguro random 'yon ay kanina pa ako natawag. 

Ang swerte ni Ace!  Sana all, Alston! Nag-volunteer 'yon kanina na hihintayin niya na lang daw ako pero pinilit ko na lang siyang mauna. Narinig ko kasi ang usapan nila Blake at Phen kanina na may importanteng lakad si Ace kaya ayon. 

"Lopez, Selene?" 

Halos mapatalon ako sa tuwa nang tawagin na ako. Sa wakas! Ma-solve ko lang 'to nang tama, makalalabas na ako! 

Nakangiti akong naglakad papunta sa white board at kinuha ang marker sa kaklase na katatapos lang sumagot. Halos lahat ng mga kaklase ko ay kakaiba ang tingin sa akin. Siyempre, sino ba naman hindi iiba ang tingin sa akin?  Ako lang ata 'tong studyante na masaya dahil tinawag na! 

Nang masagot 'yon nang tama at nakalabas na sa room, bumuga ako ng halos isang tangke ng hangin. Sa wakas! 

Agad naman akong naglakad papuntang parking lot kung saan palaging naghihintay si Pierce. 

Ang itim na Mercedes-Benz na kumikintab ang sumalubong saakin. Sa hood no'n ay bahagyang naka hilig si Pierce na nakasuot ng gray long-sleeved polo na nakatupi ulit hanggang baba ng siko. Pair of black loafers and silky pants. 

Gara, pwede na pang photoshoot! 

"Yo, tagasundo ko!" nang-aasar na bati ko nang makarating ako sa harapan niya. 

Tumawa siya kasabay ng pagbuga ng hangin at tiningnan ang wrists watch. "Six fifty-four na. 'Di ba, dapat six thirty ang dismissal niyo ngayon?"

E, paano ba naman kasi at nag pa-oral pa ang isang prof namin? Pinlano ata na pahirapan muna kami bago i-enjoy ang intrams sa susunod na linggo. 

"Wow!" manghang saad ko, nang-aasar. "Ba't mo alam?"

Tumaas ang isang sulok ng labi niya at bahagyang lumapit sa mukha ko. "I've been fetching you for almost two months. Siyempre, kabisado ko na ang schedule mo."

"Wow, grabe 'yong sundo ko!" Pagbibiro ko at sumaludo pa. "Galing!"

Tumawa lang siya at ginulo ang buhok ko saka iginaya sa shotgun seat. 

Ganoon lang ang eksena kada uwian ko. Siya ang susundo saakin at magmamaneho papuntang bahay o 'di kaya'y sa Mirestau. Kapag naman ay ihahatid ako sa bahay ay roon na rin siya naghahapunan. Kaya naman ay sakop na siya sa kapag nagsasaing at nagluluto ng ulam ang mga kasambahay. 

Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang pagiging komportable ko sa paligid niya. Basta ay bigla na lang akong hindi naging tipid sa mga galaw ko.

"By the way, bakit nga pala kayo natagalan?" tanong niya habang nagmamaneho at nakatuon ang tingin sa kalsada. 

"Nag pa-oral si Sir. Alphabetical order," 

Narining ko naman siyang tumawa kaya nilingon ko siya. Kitang kita ko ang side view profile niya. Putcha, ang tangos ng ilong tapos ang ganda ng ngipin. Bonus, may dimple pa sa kanang bahagi. 

Splendiferous CrescentWhere stories live. Discover now