KABANATA 06

311 14 7
                                    

Hindi ko alam kung tama ba ang nasa isip ko o iniisip ko lang na ganoon. Ni isang beses, hindi pa ako nakapasok sa isang relasyon kaya hindi ako sigurado kung ganoon nga dahil wala akong kaalam-alam tungkol sa nga ganiyang bagay. 

Paano ba ako makakapasok sa mga ganiyan kung grabe makabantay ang Kuya ko noon na para siyang buntot. Mata at kilay pa lang ay takot na. 

"Bugtong-bugtong na lang tayo."

Palihim akong nagpasalamat nang sabihin niya 'yon. Kanina pa kami walang imik dahil wala rin naman akong sasabihin. Kung noon ay mas okay sa akin na hindi siya nagsasalita, ngayon ay hindi na.

Para akong hindi mapakali at hindi ako komportable sa katahimikan kapag kasama ko siya. Para bang ayaw ko na marinig niya ang malakas na heartbeat ko at ayaw kong makita niya na medyo naiilang ako.

"Hugis puso, kulay ginto. Mabango amuyin, masarap kainin."

Bigla na lang nag-pop up ang paboritong prutas ni Kuya sa utak ko. Inisip ko pa nang maigi 'yon dahil baka mali. May consequence raw kasi kapag hindi mahulaan ang bugtong. Hindi ko naman alam kung ano 'yon.

"Mangga," simpleng sagot ko. 

Tumango-tango siya. Tama siguro ang sagot ko. 

"Hinubaran ko muna saka ko kinagat."

Nanlaki ang mata ko sa bugtong na 'yon. May ganoon bang bugtong? 

"Nanlalaki mata mo riyan! Ano? 'Di mo alam?" tanong niya, mabilis naman akong umiling nang paulit-ulit. "Saging! Kung ano iniisip mo," natatawa niyang sabi.

Halos hindi maipinta ang mukha ko at gusto na lang itago ang sariling mukha dahil sa hiya. Saging pala 'yon! Putcha, Selene! Kung ano iniisip mo! 

Ang dami pa niyang bugtong pero hindi umabot sa kalahati ang nasagot ko. Kung ako naman ang magbu-bugtong ay halos wala siyang mali.

Bugtong master ka, Pierce? 

"Trivia na lang," desisyon niya nang halos hindi ko na masagot ang huling bugtong niya. Hinintay ko pa kung sasabihin niya ang consequence pero wala. Okay na rin 'yon. 

"Alam mo bang gusto kita?"

Agad akong lumingon sa kaniya habang nanlalaki ang mata, pero agad ding nakabawi. Baka isipin niya na may epekto sa akin ang sinasabi niya. Meron naman talaga pero secret lang 'yon. 

Sa araw-araw kaming magkasama, hindi ko rin maiwasang isipin na ganoon nga, pero may parte sa akin na nagsasabing baka ganoon lang talaga siya. Baka lang. Hindi ko sure. 

"The feeling is mutual, Pierce."

Siya naman ngayon ang nanlalaki ang mata. Bonus pa na medyo namumula ang mukha. Kahit na madilim ay hindi pa rin 'yon nakatakas sa paningin ko dahil sa tulong ng liwanag ng buwan. 

"A-ano? Talaga?" mahinang tanong niya, pagkatapos sabihin 'yon ay nanatiling naka-awang ang kaniyang labi.

Alam kong hindi ko pa pwedeng sabihin 'yon dahil hindi ako sigurado. Maaari ring magbago 'to pagkatapos ng ilang araw kaya mas pinili ko na lang munang itago 'yon at sabihin na lang kung siguradi na talaga ako. 

"Yes, gusto ko rin ang sarili ko." I smirked. 

Kita kong bumagsak ang balikat niya at ibinalik ang tingin sa buwan. At dahil naka-side view siya, kitang kita ko ang perpektong panga niya at ang matangos na ilong. Ang perfect! Gumalaw pa ang Adam's apple niya dahil sa paglunok. 

Masyado ata akong naka-focus sa mukha niya at hindi ko na namalayan na dahan-dahan na palang lumalapit ang mukha niya sa akin hanggang sa halos isang inch na lang ang agwat ng mukha namin. Mula sa aking mata, bumaba ang tingin niya sa labi ko. 

Splendiferous CrescentWhere stories live. Discover now