KABANATA 17

159 7 1
                                    

Mabigat ang pakiramdam ko sa mga nagdaang araw. Sinabayan pa ng ubo, sipon at sakit ng ulo. Dahil siguro sa sugat na natamo ko noong nakaraang linggo. 

Mabuti na lang at hindi pa nakababalik si Mamà at Papà ay umaayos na ang pakiramdam ko. May kaunting sipon nga lang dahil sa paiba-ibang panahon. Minsan ay napakainit at mayamaya ay bubuhos naman ang ulan. 

"Juice." Nilapag ni Ace ang isang plastic bottle sa gilid ng notes ko. Ngayon ang huling araw para sa finals namin at isang subject na lang ay tapos na. Ang mga naipasang requirements ay approved na rin lahat. 

Kasabay ni Ace si Phen at Blake na tapos na rin sa lahat ng academic responsibilities nila. 

"Bakit nakatingin ka sa 'kin?" supladong tanong ni Ace sa kaharap na si Blake. 

"Wala. Gusto lang kitang–"

"Gusto mo ako? Gagi, pare! Huwag! Mag-tropa tayo. Bawal 'yan," natatarantang sabi ni Ace, bahagya pang nanlaki ang mga mata. 

Inirapan lang siya ng kaibigan at tiningnan si Phen na busy at nakaharap ulit sa laptop. "Phen, bawal daw magkagusto sa tropa?" Mapaglarong siyang ngumisi habang hinihintay ang sagot ni Phen. 

"No. If you love her, then go for it. There's no rule stating that it's forbidden," seryoso nitong sabi. 

Sapo ni Blake ang dibdib niya at si Ace naman ay nakalapat ang palad sa magkabilang panga, nang-aasar. 

"Ako'y 'AlePhen' ng pag-ibig mo…" 

Natawa ako sa kanta ng dalawa kong kaibigan habang inaasar si Phen. Lahat kami ay alam na may gusto si Phen at Sol sa isa't isa mula pa dati pero hanggang ngayon ay parang tinatago pa rin nila. 

"Selene," tawag ni Blake kaya napahinto na rin si Ace sa pagkanta. "Maot kaayo'g barog si Ace 'no?"

Kumunot naman ang noo ko. "Anong maot?" 'Yon kasi ang hindi ko naintindihan. 

"Gwapo. Gwapo ang ibig sabihin ng maot," pagpapaliwanang niya. 

Gwapo pala 'yon. Maot. 

Tumango-tango naman ako at tiningnan si Ace na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin at hinihintay ang sagot ko. 

Gwapo si Ace pero gusto ko siyang asarin. Pero binigyan niya rin ako ng juice kanina, e. Siguro sa susunod ko na lang siya aasarin. 

"Oo, maot ug barog si Ace," pag sang-ayon ko. 

Kasabay ng pagsagot ko ay nag-face palm naman si Phen. Si Blake ay tinatakpan ng sariling kamao ang bibig habang pinipigilang tumawa. Si Ace naman ay parang galit. 'Di ba, dapat masaya siya kasi sinabing gwapo siya? 'Di ko rin siya gets, e! 

Thirty minutes bago ang schedule ng exam namin ay nasa mismong building na kami kung saan gaganapin ang exam para naman hindi na namin kailangang magmadali kapag malapit na ang time. 

Naging maayos naman ang lahat. Medyo sumakit nga lang ang ulo ko sa mga tanong doon pero normal lang naman 'yon. Hindi naman 'yon maiiwasan kapag college na. 

"Oath taking ceremony ng mga new lawyers ngayon?" si Sol habang umiinom sa soft drink niya. Nakita niya siguro ang mga post na dumadaan sa news feed niya. "Si Pierce oh– ay mali, si attorney Zervantes oh," aniya at nilahad sa akin ang phone para makita ko. 

Nakangiti siya at pormal na nakatayo habang nakatingin sa camera. May dalawang lalaki siyang kasama at dalawang babae. 

"Bakit wala si Archer?" kunot-noo kong tanong at tiningnan ang pinsan na nagbabasa lang ng libro. Parang lutang pa siya at hindi narinig ang sinabi ko kaya kailangan ko pa siyang sikuhin. 

Splendiferous CrescentWo Geschichten leben. Entdecke jetzt