KABANATA 08

279 14 17
                                    

Nakipagsagutan pa ako sa kaniya kanina pero heto ako ngayon at kinakain ang beefsteak na dala niya habang siya ay nakatingin sa akin.

"Masarap?"

Tinaasan ko lang siya ng kilay bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. Hindi pa rin kami bati pero gusto ko kumain ng beefsteak. Ewan ko ba at ang rupok ko pagdating dito.

Kinain ko lang 'yon pero hindi ko sinabing okay na kami at lalapit ulit ako sa kaniya. Malay mo, iba pala 'yong tinutukoy ni Daesyn.

Nagpatuloy pa rin ako sa pag-iwas sa kaniya pero hindi ko pinapahalata na ganoon ang ginagawa ko. Kapag nasa school siya ay tinatanggap ko ang mga bigay niya lalo na ang mga pagkain dahil ang sarap niya magluto at alam kong hindi ko 'yon matatanggihan.

"Pst!" Niyugyog ko si Ace na nakayuko lang sa armchair niya at hindi nangbibwesit. "Anong problema mo?" tanong ko.

Hinila ko ang isa pang armchair para tumabi sa kaniya saka tiningnan siya. "Problemado sa finals?" nang-aasar na tanong ko. "Sus! 'Wag mo 'yan problemahin! Kung babagsak ka, panigurado babagsak rin ako!" natatawang sabi ko para gumaan ang loob niya.

Totoo naman. Matalino 'to, e! Sa kaniya ako nangongopya at nagpapaturo kapag wala akong masagot sa mga quiz.

"Yakang-yaka ko 'yang finals," mapagmalaking sabi niya saka tinagilid ang ulo at hinarap ako. "Ba't mo nalamang may problema ako?" tanong niya habang nanliliit ang mga mata.

Inismiran ko lang siya at tiningnan ang white board. "Bestfriend kaya kita. Kilalang-kilala kita, oy!"

"Akala mo lang 'yon," bulong niya. "I'm not the person who you thought I was."

Tumaas ang dalawang kilay ko nang ibalik ang tingin sa kaniya. Magsasalita pa sana ako pero pumasok na ang prof kaya bumalik na ako sa pwesto ko at umayos ng upo.

May parte sa akin na nababahala sa sinabi niya dahil baka kagaya ni Phen, marami rin siyang tinatago na hindi namin alam. Baka ibang Ace ang kilala namin- kilala ko.

Kalaunan ay nawala rin 'yon sa isipan ko dahil medyo interesting ang topic namin at nag-share rin ang prof ng kaunti tungkol sa buhay niya. Pero kahit na ganoon, parang may kung ano pa ring nakadagan sa dibdib ko.

"Tapos na lahat ng exam niyo?" tanong ni Blake nang maupo siya sa harap namin. Sumunod naman sa kaniya si Phen na kahihila lang ng monobloc chair.

"Tapos na. Stress free na ulit."

"Kayo? Okay na raw 'yong final requirement niyo?" tanong naman niya kay Ella at Sol.

"Ang ganda daw!" Masayang sabi ni Ella.

"Paano hindi gaganda, e may tumulong sa 'yo," bulong ni Sol.

"Excuse me-"

"Tulungan din kita?" tanong ni Phen kay Sol na nagpakilig sa bituka ko.

Wala na kaming gagawin pagkatapos ng araw na 'yon, pero pumupunta pa rin kami sa school para sa mga posibleng problema tungkol sa mga requirements.

Pagkatapos naman ng week na 'yon ay nanatili lang ako sa bahay. Wala rin namang naka-set na gala ang tropa kaya nakatunganga lang ako at tumatambay sa bahay. Minsan sa pool side, sala, kwarto, balkonahe at syempre, kusina.

"Pasok!" sigaw ko, pero nanatiling nakatulala sa kisame habang nakahiga sa kama.

"Hi, kapatid!" bati ni Kuya. "Sama ka sa akin sa Saturday," aniya na nagpakunot sa noo ko.

"Saan?"

"Business party," nakangiting sagot niya.

Agad namang kumunot ang noo ko dahil doon. Hindi ako sanay sa mga ganoon. Kahit pa na nasa business world ang mga magulang ko ay hindi pa rin ako sanay.

Splendiferous CrescentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon