KABANATA 28

142 6 4
                                    

Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin at basta na lang akong nanghina. Ang sulok ng mga mata ko ay nag-iinit at alam kong kahit anong oras, tutulo ang luha ko.

I told myself to stop thinking about him for it is not healthy anymore. I'd just look pathetic everytime I think of him. Siya, na alam kong masaya na sa bago niya.

Ewan ko… alam kong mahal ko pa rin siya. Matagal ko na 'yong naamin sa sarili ko kaya pinilit ko na lang na huwag isipin dahil alam kong masasaktan na naman ako.

I love him so much that I have to ask God to make me unlove him so it wouldn't hurt so much. Like this. So I wouldn't suffer. So I can enjoy my life without getting hurt whenever destiny decides to play with us and make us face each other.

Sobrang gulo ng nararamdaman ko. Alam kong gusto ko pa siya pero hinayaan ko si Preston na ligawan ako. Inakala kong kapag nabaling ang atensyon ko kay Preston, hindi ko na maiisip si Pierce at mawawala na ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Pero nagkamali ako. Sobra pala talaga ang pagmamahal ko sa lalaking 'yon na kahit makita ko lang siya at makarinig ng kahit anong may koneksyon sa bago niyang relasyon, nasasaktan ako at nagbabadyang tumulo ang mga luha ko.

I felt guilty for letting Preston court me even though I know, I still have that 'feelings' for my ex. Napasaya niya ako, tinutulungan niya ako kaya mas lalo lang iyong dumagdag sa guilt na nararamdaman ko.

I'm so dumb. I'm so dumb for thinking that being with Preston would lessen the pain and love I am feeling for Pierce. I'm so dumb for thinking that I might eventually develop a feelings for Preston when I clearly know that I still love my ex. So much.

"Ace, lunch tayo!" aya ko sa kaibigang tutok na tutok sa laptop habang suot ang kaniyang specs.

Nanatili akong nakatayo sa bandang pintuan ng office niya habang hinihintay ang sagot pero ni isang salita ay walang lumabas sa bibig niya kaya kilangan ko pa siyang kulitin.

"Pst–"

"Wala akong pera," palusot niya pa. Alam niyang hindi uubra 'yon sa akin dahil kahit kailan, hindi naging problema ang pera pagdating dito.

"Ako, meron," nakangising sabi ko. "Tara na!"

Bigo, bumuntong hininga siya at tinanggal ang specs na suot, nilagaya niya iyon sa kahon at sinarado ang laptop. Mas lalo lang lumapad ang ngiti ko nang sinimulan niya nang maglakad palabas ng kaniyang opisina.

Pinili niyang kumain sa malapit na restaurant lang. Gusto ko sanang mag-suggest pero pansin ko ang pagiging seryoso niya kaya pinili ko na lang na itikom ang bibig ko.

Kahit pa nang magsimula na kaming kumain ay hindi niya pa rin ako kinakausap. At hindi ako sanay roon! He used to be loud whenever we're with each other but now, he is not!

Hindi ako papayag na ganito lang. I am not used to this. Hindi ako sanay na hindi pinapansin ng kaibigan ko lalo na siya. Siya na bestfriend  ko.

"Ace…" I trailed off when he looked at me with coldness and emotionless face.

"Kumusta 'yong manliligaw mo–"

"How's our project?" pinutol ko na ang pagsasalita niya dahil ayaw kong pag-usapan ang tungkol doon.

I've been avoiding Preston for two days now. And this lunch with Ace was all planned by that reason. Nag-iingat ako na hindi ko makasalubong si Preston sa daan dahil alam ko na wala na akong magagawa kung hindi ang makipag-usap na lang sa kaniya. And that will lead us to have lunch together. Again.

I'm happy being with him. I laugh so hard that my stomach would ache sometimes because of his joke. However, I can still feel the negative energy with him. Hindi ko alam.

Splendiferous CrescentWhere stories live. Discover now