KABANATA 27

127 8 7
                                    

"Kaya huwag kang magdadalawang isip na ibahagi 'yan. Kapag masakit, sabihin mo at handa akong tulungan ka," sabi niya. "Hindi man mawawala nang tuluyan, mababawasan naman."

I've never been so wrong for letting Ace step into my life and stand a role as my bestfriend. He's just so good that I felt bad for it.

Sa lahat ng bagay, sa mga paghihirap ko ay nariyan siya sa tabi ko at handa akong tulungan. Kahit gaano kadelikado o kahit pa sobrang dami niyang ginagawa, kapag alam niyang kailangan ko ng tulong, hindi siya magdadalawang isip na puntahan ako.

"Mahal mo pa, hindi ba?" tanong niya na mas lalong nagpagulo sa nararamdaman ko. Iyon din ang tanong ko sa sarili na hindi ko alam ang isasagot.

Kahit siguro ibalibag ko ang sarili at tanggalin ang utak ko ay hindi ko pa rin alam ang isasagot. Ilang beses ko na ring natanong 'yon sa sarili ko pero wala. Walang sagot na lumabas.

"Mahal mo pa rin," seryoso niyang sinabi. Tumingala ako sa kaniya at binigyan siya ng nagtatanong na tingin. "Hindi ka naman magdadalawang isip na sagutin 'yon kung hindi mo siya mahal, at hindi mo rin mararamdaman 'yang sakit kung wala ka nang nararamdaman para kay Pierce."

Ramdam ko ang pagbuntong hininga niya dahil nakahilig ako sa kaniyang dibdib. Patuloy pa rin ang malambot niyang haplos sa buhok ko.

Nagbaba ako ng tingin at nag-isip. I let his words sink in my head so I could finally develop an answer to that question. Nakapapagod mag-isip palagi sa kung anong nararamdaman ko at bakit ko 'yon nararamdaman.

It's invading my whole mind whenever I'm not doing anything but just staring at nowhere and starting to feel the big hollow part I've been through since that day until now.

Do I still love him like before?

"Don't veer off what you really feel, Selene," mahina niyang sabi. "Minsan, sinasabi mong lilipas din 'yan kaya ganiyan. Mas pinili mong manahimik dahil nakatatak sa isip mo ma lilipas ang lahat. Pero hanggang ngayon, nandiyan pa rin. Ramdam mo pa rin. At higit sa lahat, masakit pa rin."

But... nothing remain as it is. That's the truth. Kaya ko iniisip na mawawala rin 'tong nararamdaman ko dahil nakatatak ang katagang 'yon sa utak ko. Kaya mas pinili kong manahimik at hintaying tuluyan na iyong maglaho.

In life, there are pain and struggles that are intended for us to feel. At alam kong kabilang 'to sa mga binigay sa akin. Life wasn't not just about happiness. It also contains challenges that will test our strength.

Kung wala ang salitang 'kalungkutan', hindi natin malalaman ang tunay na kaligayahan, kung walang pagkabigo, hindi natin malalaman kung nakatungtong na ba tayo sa tagumpay.

Just like this: Without darkness, we wouldn't see the stars and moon, shining brightly above us. We won't appreciate those little achievement we've got through the process.

Kaya siguro pinaparamdam 'to sa akin ngayon. Someone wants to know if I appreciate the things and people around me at the moment. Baka gusto niyang malaman kung pinapahalagahan ko ba ang mga bagay na nagdadala ng kaunting kasiyahan at ginhawa sa akin ngayon.

It that's the question, then yes! I do appreciate everything I have. Kahit pa litong-lito na ako sa nararamdaman ko at minsan ay nasasaktan, nagpapasalamat pa rin ako sa mga bagay na mayroon ako... hanggang ngayon.

"Tara."

Marahan niyang hinawakan ang kamay ko at iginaya palabas ng balkonahe. Tinahak niya ang daan pakaliwa para puntahan si Blake.

"Oy! Nandito pala kayo, kanina ko pa kayo hinahanap..." humina ang boses niya nang mapansin ang mukha ko na hindi ko alam kung anong mayroon. "Gago, anong ginawa mo kay Selene? Pinaiyak mo?"

Splendiferous Crescentحيث تعيش القصص. اكتشف الآن