KABANATA 14

197 7 8
                                    

In my life, I couldn't ask for more. The creator has gave me everything. Including those things that I didn't ask for.  I cannot complain with the life I am currently living.

 Hindi ko nga alam kung bakit ganito ang buhay ko. Hindi ko alam kung anong magandang bagay ang nagawa ko noon sa past life ko para bigyan ako ng matiwasay na buhay ngayon. 

But instead of thinking about those things I have done, I chose not to think about it more and just be thankful and cherish every moment. Baka mamaya ay bawiin pa sa akin. 

"Ate Selene!" tili ni Heirro pagkapasok sa kwarto ko. Para siyang tanga na nakatanggap ng magandang balita. 

Kunot-noo ko siyang tiningnan habang ang mata ko ay nagsusumigaw ng kyuryosidad. 

"Look at this guy! He's so cute!" she said as she giggle her ass off. 

Siya 'yong babaeng napagkamalan kong girlfriend ni Pierce dati. Naalala ko tuloy 'yong moment na grabe ang pag-iwas ko sa kaniya dahil ayaw kong magkagalit sila ng girlfriend niya. Turns out that it's his cousin and will be eventually my friend. 

Ang kunot sa noo ko ay hindi pa rin natanggal habang tintingnan ang lalaki sa larawan na pinakita niya sa akin. Aaminin kong medyo gwapo 'to pero hindi ako approve dahil alam kong nakilala niya lang 'to sa internet. 

"Wala na bang ibang ganap sa buhay mo liban diyan?" nang-aasar na tanong ko sa kaniya kaya nakatanggap ako ng irap. 

"Naka-match ko siya sa isang dating app then wow!" she said, emphasizing the last word. "Ang gwapo, puta!" 

"Crush mo?" tanong ko. 

"Mahal ko na, ate," seryosong sagot kaya nanlaki ang mga mata ko. 

"Putcha, Khionna Heirro?!"

"Joke lang! 'To naman, hindi mabiro!" aniya at tumawa sa reaksiyon ko. 

I like being with her. Hindi ko talaga mararamdaman ang pagiging boring kapag kasama ko siya. Halos nga walang nagaganap na katahimikan kapag siya ang kasama ko. Kada oras ay puputak ang bunganga. 

At kahit isang linggo pa lang siyang pabalik-balik dito sa bahay, naging close ko siya. Hindi naman kasi siya mahirap pakisamahan. Ang jolly niya at kapag siya ang kausap mo, hindi kayo mauubusan ng topic.

I remember,  one time, nadulas ang dila niya dahil sa kadaldalan at may nasabing personal na kababalaghan na nangyari sa buhay niya. Pero imbes na itigil at mahiya, ipinagpatuloy niya dahil wala naman daw kaso 'yon. 

I playfully sighed and lay my back at the soft mattress of my bed. Kinuha ko ang isang unan at inipit sa pagitan ng dalawang tuhod ko.

"Imbes na sayangin mo 'yang oras mo sa lalaking nakilala mo langs a internet, ito na lang. Makikita mo pa 'to nang personal," sabi ko habang hinahalungkat ang photos sa gallery ko at hinahanap ang litrato ni Blake at Ace. 

Sila lang ang pwede kong i-reto dahil papatayin ako ni Sol kapag ni-reto ko rin si Phen. Alam ko rin namang hindi papatol si Phen dahil naka-reserve na ang whole slot ng puso niya kay Sol. 

"Si Ace Alston, best friend ko," pagpapakilala ko sa kaniya. "Mabait 'yan, masarap din magluto. Matalino rin," pagpapalakas ko kay Ace pero siya ay parang wala lang sa kaniya. 

"I know how to cook and I'm smart. I'm not at the stage of finding a serious relationship yet," aniya saka umirap. Dahan dahan siyang nahiga sa tabi ko at kinuha ang phone ko para mas makita pa ang mukha ni Ace. 

"In fairness, gwapo, ah?" puri niya rito. 

Oo naman! Wala naman akong pangit na kaibigan, ano?

Splendiferous CrescentWhere stories live. Discover now