KABANATA 05

336 14 5
                                    

"Bakit mukhang dissapointed 'tong kapatid ko?" kalmado ngunit madiin na tanong ni Kuya habang nakatingin kay Pierce. Nakapangalumbaba at nakahilig pa sa pader.

Nanlaki ang mga mata ko at sinikap na ibahin ang eskpresyon kahit na hindi ko alam kung paano.

Hindi ko nga rin alam kung bakit mukhang matamlay ako kanina sa byahe. Baka dahil lang sa pagod dala ng pag-iikot-ikot sa buong campus.

"Are you dissapointed because I didn't kissed you?"

Mas lalo lang lumapad ang panlalaki ng mata ko nang ilapit ni Pierce ang labi niya sa tenga ko saka bumulong.

Ganoon ba 'yon?

Inis kong tinulak ang mukha niya para mailayo iyon. Ramdam na ramdam ko pa ang may kainitan niyang hininga habang bumubulong sa tainga ko, dumadagdag sa inis na nararamdaman ko na hindi ko alam ang dahilan.

We almost kissed earlier! At ang inis na 'to ay siguradong walang koneksyon sa nangyari kanina. Yes, I am certain of that!

Matamlay lang siguro ako dahil sa pagod na ngayon ko lang naramdaman. Hindi dahil hindi natuloy ang halik niya kanina. Pero saan galing ang inis? Wala namang nakaiinis na pangyayari ang naganap habang nasa university ako...

Oh! Ayon! Iyong nag-text siya sa student council! Iyong na-mention ang pangalan ko at sinabi niyang naghihintay na raw ang future husband ko sa parking lot. Pero, mukhang mababaw na rason lang naman 'yon!

Ah basta! Iyon ang dahilan. Wala na akong planong mag-isip pa sa kung ano dahil baka humantong lang 'to sa stage na hindi ko magugustuhan ang dahilang maiisip ko.

"Bakit parang inis na inis 'yang mukha mo?" seryosong tanong ni Kuya. "May ginawa ba sa 'yo iyong lalaking 'yon?"

Mabilis akong umiling. Alam kong nagmukha akong defensive roon at hindi ko maitatanggi na hindi siya maniniwala dahil sa paraan ng pagsagot ko.

Kinunutan niya lang ako ng noo saka nagkibit-balikat. Alam ko namang hindi siya kombinsido sa sagot ko at kahit isang porsyento ay hindi siya naniniwala pero hindi na niya ako kinulit pa.

Mabuti na rin 'yon dahil kung kinulit niya ako, maaaring kahit ano na lang ang sabihin ko. May tendency pang mali ang ipagsasabi ko.

"How's school?"

"Ewan ko," wala sa sarili kong sagot. "Tanong mo sa kaniya."

"Ha?!" bahagya niyang nataas ang boses na ikinagulat ko. "Gusto mong tanungin ko ang paaralan? Tanga ka?"

Nag-angat ako ng tingin at pinanatili iyon sa banga malapit sa akin. Nanatili akong nakatingin doon sa loob ng ilang segundo at inalala kung anong sinagot ko.

Tanga!

"O-okay lang," sagot ko nang makabawi.

"Anong ganap?" Umupo si Kuya sa tabi ko at bahagya pang umusog palapit sa akin. Sa porma niyang 'yan, alam na alam kong mang-uusisa na siya. "Anong ginawa mo roon?"

Bumuntong hininga ako at tiniklop na ang magazine na hawak ko saka iyon pinatong sa coffee table sa harap, handa nang sagutin ang mga tanong na ibabato niya.

"Nag-practice kami para sa SPM tapos nag-ikot-ikot sa buong campus. Nang mapagod ay umupo kami sa kiosk malapit sa grand stand at kumain ng street foods," mabilis na sabi ko. Hindi na ako sigurado kung naintindihan ba ng Kuya ko ang pinagsasabi ko.

"Hmhm," patango-tango niyang ani. "Ano pa?"

"Bago ako sunduin ni Pierce ay nakinig kami sa mga sinasabi ng officer sa taas ng grand stand habang nag-a-announce ng mga anonymous confession-"

Splendiferous CrescentWhere stories live. Discover now