KABANATA 15

177 5 13
                                    

Nanatili kami sa ganoong posisyon at bumaba lang nang tawagin na kami ni Heirro para sa notche buena. Hindi ko alam na ganoon pala kami katagal sa balkonahe. 

Ito siguro 'yong sinasabi nila na kapag kasama mo ang taong gusto mo, hindi mo mamamalayan ang oras. Wala kang pakialam sa kahit kanino o sa kahit anong bagay dahil nakatuon lang ang atensyon mo sa inyong dalawa na magkasama. 

"Merry Christmas, anak!" Inabot sa akin ni Mamà at Papà ang isang maliit na kahon kung saan nakalagay ang kanilang regalo sa akin. 

"Merry Christmas, Ma, Pa," sabi ko at inabot din sa kanila ang regalo ko. Sunod ay kay kuya na ako tumingin at nilahad sa kaniya ang regalo ko. Ganoon din ang ginawa ko kay Ash at Heirro, pati na rin kay Pierce. Huli kong binigyan ng regalo si tito at tita. 

"Kuya, anong regalo mo kay Mama at Papa?" tanong ni Heirro nang hindi pa nakapagbigay si Pierce ng regalo sa kanila. 

Ngumuso lang si Pierce at mapaglarong ngumiti at tiningnan ang magulang niya. "Gusto niyo ng apo?" diretsong sabi niya. "Bibigyan ko kayo– aray!" Hinawakan niya ang kaniyang tagiliran habang nakangiwi at iniinda ang sakit dahil sa malakas na pagsiko ni kuya. 

"Binuntis mo na ang kapatid ko?!" Nanlalaki ang mata ni kuya, halatang galit. Si Ash naman ay nasa gilid niya at hinawakan ang kaniyang braso para matigil. 

Si Papà, Mamà, at mga magulang ni Pierce ay bahagyang nanlalaki ang mata habang nakatingin sa amin. Si Heirro naman ay hawak ang camera at kinukuhanan ng video ang pangyayari habang pinipigilang matawa. 

"Ang sakit ng siko mo, ah–" 

"Tangina mo! Sagot! Binuntis mo na ba ang kapatid ko?!" 

"Hindi pa! Biro lang 'yon! Kumalma ka nga riyan!" mabilis na sabi ni Pierce, halatang takot na sikuhin ulit ni kuya. "Mag-aabogado pa ako bago ko bubuntisin si Selene!"

Agad namang lumambot ang ekspresyon sa mukha ni kuya at inakbayan si Pierce na parang walang nagyari. "'Yan! Ganiyan dapat!" Tumango-tango pa si kuya. "Pero pakasalan mo muna bago mo buntisin, tanga!" 

Hindi ko alam kung saan ako titingin. Kung kay Ash ba na ngayon ay may munting ngisi na sa labi habang nakatingin sa akin. Kay Heirro ba na ngayon ay parang sirang tumitili o sa mga magulang naming may mapang-asar na tingin. 

Putcha! Nakakahiya talaga! Ako 'tong pinag-uusapan nila rito tapos kung magakapag-usap ay parang wala ako rito. Parang hindi nila ramdam ang presensya ko lalo na si Pierce na nasa tabi ko lang. 

Buntis buntis pa ang pinag-uusapan. Hindi pa nga sigurado 'tong result ng grade ko ngayong year sa engineering, pinag-uusapan na nila kung kailan ako bubuntisin?! Ang sarap tirisin! 

"Merry chirstmas, Selene. Regalo ko?" tanong ni Ace pagkatapos akong sikuhin. Balik aral na naman kami. 

"Last year ka pa sana nanghingi. Wala na, expired na pera ko," sabi ko habang nanatiling nakatingin sa harapan kung saan nagtuturo ang prof namin. 

Hindi ko talaga inalis ang tingin ko sa harap dahil ayaw kong maka-miss ng kahit isang sulat man lang. Mahirap kasi kaya todo kinig ako para kahit paano ay may maintindihan ako. Ito new year's resolution ko, e. Ma-gets ang lahat ng topic kahit alam kong medyo malabo. 

Pero kahit na medyo malabo, sinisikap ko pa rin. Malay mo, may mangyaring himala sa utak ko. Pero kung wala, okay lang din. Nandiyan naman si Ace na handang tumulong sa medyo bobo niyang kaibigan.

Nang mag-thursday ay naghanda naman kami para sa gagawing reporting kinabukasan at pagkauwi ay nag-aral ako para sa quiz sa isang subject. Akala ko ay sa highschool lang uso 'to na kapag Friday ay may pa-quiz or reporting o kahit ano para ma-recap ang topic sa buong linggo, dito rin pala. 

Splendiferous CrescentWhere stories live. Discover now