KABANATA 02

492 22 4
                                    

Mabuti na lang ay kabisado niya ang mga sections at pwesto ng mga ingredients kaya hindi kami natagalan sa grocery. Medyo naiilang din kasi ako dahil sa banat niya kanina. 

"Selene, ako na riyan!" saway sa akin ng isang kasambahay namin at kinuha sa akin ang isang tray ng mga cupcakes. "Pumunta ka na sa pool side dahil nagsisimula na si Madame."

Tumango naman ako at tumalikod para matahak ko na ang daan papunta sa pool side kung saan nakapwesto ang lahat ng mga bisita ni Papà.

Nagsasalita na si Mamà sa harap. Binabati ang mga tao na dumadating at nag-speech na rin para kay Papà na naka-upo sa table sa harapan.

Happiness filled me and it warms my heart as I watch my father with a smile plastered on his lips while looking at Mamà and listening to her speech. I can even see his eyes watering.

"To the very hardworking, lovable and caring man to me, my daughter and son, happy birthday. Happy birthday, my dear," tinapos ni Mamà ang speech niya at nagpakita ng isang matamis na ngiti habang ang mata ay naka-tuon lang kay Papà.

Kahit na nasa ganoong edad na, hindi pa rin naglalaho ang mga love-gestures nila. Kahit sobrang busy sa trabaho, hindi pa rin nakaliligtaan ang mga bagay na lubos na pinapahalagahan ng bawat isa.

Araw-araw akong nagpapasalamat sa nasa itaas na binigyan niya ako ng pamilyang ganito. Sila ang mga bagay na mayroon ako na kahit kailan, hindi ko pagsisisishan. Mga bagay na palagi kong pahahalagahan.

"Ate, Ate."

Napalingon ako nang may humila sa skirt ko. Nakasuot siya ng black long-sleeved na turtle neck at pinaresan ng rose gold mini skirt. Sa kanang kamay niya ay may hawak siyang cupcake.

"Hi!" masiglang bati ko kay Cheshire. "Do you need something?"

Pinakita niya ang matamis niyang ngiti at nilahad sa akin ang cupcake na hawak niya. "Someone asked me to give you this," aniya.

"Really? Who?"

Nagkibit-balikat lang siya at tiningnan ang paligid. "I don't know his name but if I'll saw his face, I might remember him."

Tumango ako sa kaniya at nagpasalamat. Mukhang gustong-gusto na niya kasi makipag laro sa ibang bata na naroon.

Umupo ako sa table kung naasan ang mga kaibigan ko at napabuntong hininga. Sa wakas, naka-upo na rin. Medyo sumakit ang paa ko kaka-tayo kanina at ang panga ko rin kaka-ngiti sa mga bisita.

"Kumain na kayo?" tanong ko sa kanila.

"Not yet. Later na lang. Mukhang busy pa kayo. Hindi naman 'yan mauubusan, right?" si Ella.

Tumango naman ako sa kaniya pero hindi pa rin ako mapanatag dahil baka gutom na sila dahil quarter to seven na. "Hindi pa ba kayo gutom?" tanong ko.

Nakita kong kumamot si Blake sa tainga niya at tiningnan naman ako. "Gutom na nga, e," aniya at tumawa.

"Teka lang, hahanapin ko lang ang nagse-serve," sabi ko at ambang tatayo na sana pero hindi natuloy dahil hinila ako ni Ace, dahilan para mapaupo ulit ako.

"Umupo ka na lang diyan. Ako na maghahanap. Mukhang pagod ka," sabi niya.

Tumango naman ako sa kaniya at hindi na nag-insist dahil pagod talaga ako. Nakipag-usap na lang muna ako kina Ella, Sol, Phen at Blake habang wala pa si Ace.

Nasa kalapit na table lang pala ang table nila kuya. Naroon din si Ash, ang girlfriend niya at ang dalawa niyang kaibigan. Si Kuya at Pierce ang nagsasalita at si Archer naman ay parang ayaw ibuka ang bibig at tatawa lang. Ang seryoso palagi ng aura niya. Kung titingnan siya ng mga tao na hindi niya lubusang kilala ay iisipin nila na suplado siya.

Splendiferous CrescentWhere stories live. Discover now