KABANATA 34

136 5 13
                                    

"Hi, it's been so long since we saw each other," simple niyang sabi saka lumapit sa railings para humawak doon. "Pero hanggang ngayon, takot ka pa rin sa akin."

At sinong hindi matatakot? Bigla na lang siyang lilitaw sa kung saan. Bigla na lang siyang magsasalita mula sa likod ko gamit ang nakapaninindig balahibo niyang boses. Isa pa, hindi naging maganda ang huli naming pagkikita. 

"So? Have you ever thought that someone can lie for the sake of one's life?" 

Kumunot ang noo ko sa tanong na iyon. Bago ko siya sagutin, dumistansya muna ako sa kaniya nang kaunti para maging komportable. 

"Oo naman," sagot ko. 

His lips slowly curved for a smile. Umayos siya ng tayo at tinitigan ako sa mga mata. Nariyan na naman ang sea green niyang mata na nakatatakot. 

Matigas akong lumunok at tiningnan din siya nang pabalik. Mayamaya ay nilibot ko ang tingin sa paligid namin. City lights from tall buildings, glass door of the hospital that's dividing the balcony and corridor. 

"What? Realized something?" 

"Bakit ka lagi kang nagpapakita kapag nasa hospital ako?" 

Mas lumapad ang ngiti niya. Hindi na niya napigilang ngumisi. "I don't know. Maybe it's just a coincidence that whenever you're at the balcony of the hospital, there's something I should reveal," sagot niya. 

"Ha?" 

"Do you remember our conversation back then when we were in Spain?" aniya, piniling ignorahin ang naguguluhan kong ekspresyon. "When your father and cousin was in a coma because of different car accident?' 

Lumamig ang ekspresyon ko at diretso ang tingin sa baba, sa mga taong naglalakad sa ilalim ng balcony na kinaroroonan namin. 

"When they were both in coma because of Daesyn? Because of the resentment that Daesyn feels towards the Regios?" taas-kilay kong saad. "Because of her hatred and resentment towards our bloodline, ginawa niya iyon sa ama at pinsan ko?" 

He flashed a half smile. Kita ko ang pag galaw ng Adam's apple niya dahil sa ginawang paglunok na siyang dahilan kung bakit umangat ang gilid ng labi ko. 

"And our conversation? Hindi ba ay tungkol iyon sa pagkamit ko ng kapayapaan kapag iniwan ko si Pierce?" Nilunok ko ang bara sa lalamunan ko. "You, two, wants to see me in a miserable state, right?" 

"Selene–"

"No!" Hinawi ko ang kamay niya na hahawakan sana ako. "Hindi ba ay iyon ang gusto niyo? Ang makita akong miserable? Ito na–" 

"Selene…" 

Napalunok ako at napatigil sa hinaing ko nang marinig ang malambot at mala-anghel na boses na pag-aari ni Daesyn. 

Mas lalo lang tumindi ang galit ko. Hindi ako nadala sa mala-anghel niyang boses! Hindi na! Alam ko na ang totoo. Kahit anong kabutihan pa ang ipakita niya, walang magbabago sa pananaw ko sa kaniya. 

She's the girl who has resentment to my bloodline. She's the girl who caused my father and cousin a car accident. Siya rin ang dahilan kung bakit nangyari 'to kay Pierce. Oo, may kasalanan din ako, pero kung hindi dahil sa kaniya, hindi pa rin 'to mangyayari. 

"Nandito ka…" Tumango-tango ako. "Are you satisfied now? Are you?! Nandito na. Nakikita mo na akong miserable." 

"Selene, let me speak–" 

"Are you satisfied?!" 

Bahagya siyang patalon sa gulat dahil sa lakas ng boses ko. Umamba pa siyang lumapit nang marinig na pumiyok ako pero hindi ko siya hinayaan. 

Splendiferous CrescentWhere stories live. Discover now