KABANATA 07

273 14 14
                                    

Ilang beses akong nakatanggap ng mensahe mula sa kaniya pero ni isang beses ay hindi ako nag-reply. Katulad ng sinabi ko, baka mabasa ng girlfriend niya 'yon at baka magalit siya kay Pierce. Nirerespeto ko siya at ayaw kong maging dahilan ng away nila.

Todo iwas na rin ako sa kaniya at kapag lunch time ay hindi na ako sa dating cafeteria kumakain. May isa pa namang kainan kaya roon na lang ako kumakain. Baka kasi madatnan ko siya roon.

"Miss mo na?"

Napalingon ako kay Ace na nakaupo sa tabi ko at kumakain. Siya lang ang kasama ko palagi. Si Sol, Ella, Phen at Blake ay roon pa rin kumakain.

"Ha? 'Di ah!" pagtanggi ko. "Hindi ko naman 'yon mami-miss," sabi ko saka tumawa kahit wala namang nakatatawa.

"Sus! Kilala na kita, Selene. Baka nakakalimutan mong bestfriend kita."

Hindi ko maitanggi na may parte nga sa akin na nami-miss na siya. Nasanay kasi ako na palagi siyang kasama tuwing uwian at kapag lunch time ay naghahatid siya ng pagkain. Isang linggo na rin mula no'ng nalaman ko ang tungkol doon. Friday na naman ngayon.

"Roadtrip tayo bukas."

Isusubo ko na sana ang kanin pero nagsalita siya kaya agad ko siyang nilingon habang nanlalaki ang mata at malapad ang ngiti.

"T-talaga?"

Tumango lang siya at marahang pinisil ang pisngi ko. "Oo naman. Kaysa naman magmukmok ka lang doon sa bahay niyo. Mas lalo mo lang 'yong maiisip."

Magkaklase pa rin kami ni Ace sa susunod sa subjects. Ewan ko ba pero halos lahat ng subjects ay magkaklase kami. Simula first year highschool ay kaklase ko na siya hanggang ngayon. Kaya siguro mas close ako sa kaniya kumpara sa iba pa naming kaibigan na nasa circle of friends din namin.

Nang uwian na ay hindi ako nagpasundo kay kuya Reni. Si Ace ang naghatid sa akin sa bahay dahil madadaanan lang naman ang bahay namin papunta sa bahay nila.

Kinaumagahan ay nakangiti ako pagkagising. Excited na ako! Medyo matagal na rin simula no'ng nag-roadtrip kami. Naging busy kasi sa first year namin sa college.

"Selene, nasa baba na si Ace," rinig kong sabi ni Manang Viki mula sa labas ng kwarto ko.

"Opo, pababa na!"

Agad naman akong lumabas at patakbong bumaba sa hagdan. Nang makita ako ni Ace ay tumayo naman siya habang bitbit ang helmet na itim.

Tiningnan niya ko from head to foot na para bang sinusuri ang suot ko saka nag-thumbs up. "Pinaghandaan?" natatawang tanong niya.

Tinatanong pa ba 'yan, Ace? Syempre, pinaghandaan ko 'to! Hinanap ko pa ang itim na leather pants ko kagabi. Hindi ko naman na kailangan ang leather jacket at helmet dahil sagot na 'yon ni Ace.

"Tara na," aniya at naunang lumabas. Nang makarating sa harap ng itim niyang motorbike ay binuksan niya ang u-box at kinuha ang leather jacket doon. "Suot mo 'to."

Dumaan muna kami sa department store kung saan naghihintay si Ella, Sol, Phen at Blake. Bumili na rin kami ng maiinom at makakain kung sakaling gutumin kami.

"Sa akin sasakay si Buwan," rinig kong sabi ni Ace.

"Sa 'kin si Bituin." Si Blake naman saka tumawa.

Feeling ko ay sinadya ni Blake na sabihin na sa kaniya sasakay si Ella para si Sol ay kay Phen. Paraparaan rin, e. Pero support kita riyan, Blake.

"Tara na, baka gabihin tayo sa daan," biglang sabi ni Phen. "Sol, sakay ka na," aniya, dahilan paran ngumuso ako. Kaming apat naman ay ma-issue silang tiningnan kaya nakatanggap kami ng irap galing kay Sol na alam kong hindi naman totoo. Aminin niya o hindi, alam kong kinikilig siya. 'Wag kami, Solvianna!

Splendiferous CrescentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon