KABANATA 30

154 6 8
                                    

Nanigas ako sa kinatatayuan ko at hindi makagalaw. Kahit nga ibalin sa iba ang paningin ko ay hindi ko magawa. Sobrang pagkabigla ata ang nangyari sa akin dahil sa ginawa ni Pierce.

Basta-basta na lang kaya siyang bumanat! Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o ano. Pero kung goal niyang iparamdam sa akin 'to, edi nagtagumpay na siya!

Nanatili pa ring nakaawang ang bibig ko nang bahagya habang tinititigan siyang naka-side view. Hindi ko rin sigurado kung tama ba ang nakikita ko pero… parang nagpipigil siya ng ngiti.

Oh, Zervantes, don't give me false hope, please.

Sa sobrang tulala at hindi na alam ang nangyayari sa paligid, nabigla ako nang dumapo ang may kagaspangan niyang kamay sa mukha ko at hinawi ang iilang strands ng buhok na bahagyang gumugulo sa aking mukha.

See? Sobra ang epekto ng sinabi niya na pati ang mga takas na buhok ko ay napabayaan ko nang ayusin kahit pa na medyo makati na 'yon.

"You're hair looks… good," sabi niya na, dahilan para mapakurap ako.

Did he just gave me a compliment? Tangina naman, Zervantes!

Napapikit pa ako nang maramdaman ko ang hininga niya nang hipan ang mukha ko. Hindi ko tuloy maiwasan na malanghap ang mabango niyang hininga.

"Sorry," aniya nang ma-realize ang ginawa. "If I made you uncomfortable."

Agad akong nag-iwas ng tingin at nag-concentrate sa paligid. Nakita ko pa ang tingin ni Ella sa amin na halatang tinatantya ang mood ko. Si Archer naman ay may tinatagong ngiti habang nakatingin sa kaibigan.

Saka ko lang din na-realize na nagmukhang tanga ako roon sa gilid niya. Nakatingin lang ako sa kaniya at pinagmamasdan ang marahan niyang pagtawa kanina. Kung hindi niya lang hinawi ang buhok ko sa harap ay hindi pa ako natauhan!

Ngayon lang din ako nakaramdam ng hiya. Tangina ka talaga, Selene! Alam ko namang gusto ko pa 'yong lalaking 'yon pero masyado naman ata akong nagpahalata!

Buong oras namin doon sa loob ng building ay sobrang pagkailang ang naramdaman ko. Lumapit na lang ako kay Ella pero imbes na maging komportable, mas nailang lang ako dahil sa mapang-asar niyang titig.

Gusto ko tuloy sumigaw para medyo mabawasan naman nang kaunti ang kahihiyan na nararamdaman ko. Mabuti na lang ay nakaramdam ako na maiihi ako kaya may excuse ako na lumayo muna sa kanila kahit sandali man lang.

"Tangina ano 'yon?" parang ewan na tanong ko sa sarili. Kusang umangat ang kamay ko para hawakan ang parte kung saan dumapo ang kamay ni Pierce kanina.

Impit na lang akong napatili sa hindi malamang dahilan. Nang medyo kumalma na ay tumitig muli ako sa repleksyon ko sa salamin bago pumikit nang mariin.

"I need to call Ace, I need to call Ace," parang sira kong sabi bago pumasok sa bakanteng cubicle at umihi. Paglabas ko ay saka ko tinawagan ang kaibigan.

It took almost a minute before he picked up his phone to answer my call. At habang hinihintay ang ilang segundong lumilipas, ramdam ko ang panginginig ng kamay ko.

"Ace, pumasok na kayo rito," sabi ko. "Baka… baka lamukin ang mga bata diyan. Mabuti nang dito kayo sa loob at mas maliwanag."

Mabuti na lang ay nakahanap ako ng palusot. Hindi naman 'yon pure palusot lang, may parte roon na totoo. Baka kasi talaga lamukin ang mga bata roon sa labas.

"Ha?" Rinig ko pa ang pagdududa sa boses niya pero nawala rin 'yon kalaunan. "Sige," saka niya binaba ang tawag.

Nang makalabas sa women's restroom at nakita si Orion na hawak ni Ella at si Zeph na nakatayo sa gilid ni Ace, nakahinga ako nang sobrang luwag.

Splendiferous CrescentWhere stories live. Discover now