KABANATA 09

246 11 1
                                    

Pagkababa namin sa kotse na dala niya ay dumiretso kami sa kinaroroonan nila Ash at Kuya Helios. Akala ko ay dumiretso na sila sa loob pero nandito pa pala sila. 

Sinenyasan kami ni Kuya na sumunod kaya iyon ang ginawa namin. Sila ang naunang naglakad at tinahak ang red carpet papasok sa bulwagan ng hotel

Nakasukbit ang kamay ko sa braso ni Pierce kaya ramdam ko na mahina niya iyong ginalaw kaya napalingon ako sa kaniya. 

"Ang ganda mo," bulong niya. Nilapit pa niya ang labi niya sa tenga ko, dahilan para makaramdam ako ng kiliti dahil sa hininga niya na tumatama sa akin. 

"Mas maganda girlfriend mo," pagbibiro ko. 

Ngumisi lang siya at tinaasan ako ng isang kilay. "Edi mas maganda ka sa sarili mo?"

Nanlaki ang mga mata ko roon at pakiramdam ko ay uminit ang pisngi ko. Agad akong nag-iwas ng tingin dahil baka namumula ang pisngi ko at ayaw kong makita niya 'yon. 

Ang lakas ng epekto mo sa akin, Pierce. Paano mo ba nagagawang iparamdam sa akin 'to sa pamamagitan lang ng mga salita na lumalabas sa bibig mo? 

Nagsimula na kaming maglakad sa red carpet and as what I've expected, tanong kaagad ng mga media ang sumalubong sa amin at mga flash ng camera. 

Mas humigpit ang hawak ko kay Pierce sa hindi malamang dahilan. 

"Are you the heir of ZE?"

"Is that the sister of Helios Lopez?"

"Is that the female child of Archieloes Lopez?"

"Is she your girlfriend?"

"Are you two already dating?"

Marami pang mga personal na tanong ang media pero kahit isang tanong ay hindi pinaunlakan ni Pierce at diretso lang na naglalakad. 

Ang kaninang mahigpit na hawak ko sa kaniya ay lumuwag nang tanggalin niya iyon. No'ng una ay naguluhan ako kung bakit niya iyon ginawa pero kalaunan ay naintindihan din. Pinalibot niya ang braso sa baywang ko at mas hinapit pa ako palapit sa kaniya. Nang tingnan ko siya ay matamis niya lang akong nginitian. 

Sinikap ko pang huwag suklian ang ngiti niya pero palpak! Ibinalik ko na lang ang focus sa daan at diretso ang tingin sa bulwagan kung nasaan sina Ash at Kuya. 

Bumuga ako ng halos isang tangke ng hangin nang makarating kami sa kinaroroonan nila kuya. Sinalubong naman ako ni Ash at nagbeso

"So good at hinding the real emotions within you," bulong niya at nang humiwalay sa beso ay kinindatan niya ako. 

So good at hiding, pero alam kong hindi makatatakas sa kaniya ang tunay kong nararamdaman. Isang tingin lang sa mata ko, alam na alam na niya. Naalala ko tuloy ang sinabi niya sa akin noong nagte-training kami at tinuturuan niya ako ng kung anu-ano. 

Eyes is the window to the soul. 

"So good at reading the souls of the person through the eyes," sabi ko, ginaya ko pa ang malambot niyang boses kanina. Pagkatapos ko 'yong sabihin ay tumawa siya. 

Her angelic face is shining brightly that no one will ever think that she is hiding something within her. 

Umupo na kami sa four seaters table hindi kalayuan sa stage kung saan may hagdan sa likod na dadanan ng host. Hindi naman tumagal ang paghihintay namin dahil ilang minuto lang ay lumabas na rin si Mr. Hubert. 

"Good evening, ladies and gentlemen," pagsisimula niya. "Thank you for coming and accepting the invitation of mine. It was such an honor to celebrate the grand opening of my eleventh chain hotel with all of you." Marami pang sinabi si Mr. Hubert tungkol sa mga achievements niya sa buhay. Mula sa kung gaano siya kahirap noon at kung ilang failures ang naharap niya bago siya naging successful. 

Splendiferous CrescentWhere stories live. Discover now