KABANATA 10

270 13 10
                                    

"Grabe 'no? Sayang 'yong bagong hotel. Kabubukas pa lang, sumabog agad," umiiling-iling na sabi ni Blake habang sinasabi 'yon. 

Napag-usapan kasi namin 'yong tungkol doon sa naganap no'ng nakaraang linggo. Three weeks na ang lumipas pero hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa isipan ko ang lahat ng 'yon.

"Sinabotahe raw 'yon," komento naman ni Ace. 

"Oo nga, sino kaya may gawa no'n?" Nagkunwari pang nag-iisip si Blake saka nanlalaki ang mata niya nang tingnan ako. "Baka si Selene!  Espanyol 'yan, e! Wala yang dugong Pinoy kahit one-fourth!" Mapang-asar na akusa niya sa akin. "Baka siya! Traydor!"

Sa gilid ng mata ko ay nakita ko si Sol na mabilis na tumayo. "Baka gusto mong ipalamon ko sa'yo 'yang pagiging German mo?!"

"Oh, bakit?  Ano bang maling ginawa ng mga German sa Pilipinas?"

"Sa Pilipinas, hindi ko alam. Pero sa bahay namin, alam ko lahat lahat!" aniya. "Sinira niya ang mga halaman ni Mama!"

"German ako, hoy–"

"Oo nga, German. German shepherd. Mukha ka kayang aso," aniya, dahilan para manlaki ang mata ni Blake at kaming lahat naman ay nagsipagtawanan. 

Si Ace ay inasar pa si Blake at hinawakan ang mukha nito na para bang sinusuri ang bawat parte ng mukha niya. "Mukha ka ngang aso," pagbibiro niya at mas nilakasan ang tawa na agad namang natigil dahil mabilis na ni-lock ni Blake ang leeg nito sa braso niya. "Gago, hindi ako makahinga!" nahihirapang sabi nito. Hinampas-hampas pa ang braso ni Blake. 

Medyo matagal pa bago pakawalan ni Blake si Ace kaya nang makawala si Ace, namumula na ito at nauubo. Akala ko biro lang 'yong lock ni Blake, may pwersa pala 'yon kaya nahihirapang huminga si Ace. 

"Pasalamat ka, importante ka." Umirap siya rito at kumuha ng nachos sa lamesa. 

Nangaasar na binabangga siya ni Ace. Ngumunguso pa ito na para bang nanghihingi ng kiss at paulit-ulit na sinasabi na importante siya para kay Blake. 

Habang tinitingnan sila ay napaisip ako… bagay naman pala sila, ano? 

No'ng araw na 'yon ay sa bahay silang lahat natulog– mali. Hindi pala kami natulog kakatunganga sa ginagawa ni Phen sa laptop niya. Nananakit din ang ulo ko habang tinitingnan ang mga codes na ang hirap intindihin. 

Nag-insist pa kasi si Ella na magpapaturo raw siya ng ganoon pero sa huli, knock down at hindi na nagpatuloy pa sa pag-aaral tungkol doon. Nadali tuloy kami. 

Tungkol kasi 'yon sa mga codes at may mga something like computer terms pang ginagamit si Phen tulad ng Encryption, Decryption, Ciphertext at 'yong cryptography. Tawag lang do'n ang naintindihan ko, pero kaunti lang sa mga meaning. 

"Wow, ang ganda naman ng mata natin!" pang-aasar ni Ace sa akin nang makaupo ako sa upuan sa gilid niya. "Kumusta? May natutunan ka ba?" tanong nito at inilingan ko lang. 

Oo, meron. Huwag magpumilit na pag-aralan ang bagay na alam ko namang hindi ko talaga makukuha. 

"Na-decrypt mo na ba?" tanong niya kay Phen pagkatapos niyang kumuha ng ulam at mailagay ito sa plato niya. 

"Not yet. It was strongly encrypted. Mukhang magaling sila–"

"Pwede bang tigilan niyo muna 'yang encrypt, decrypt na 'yan? Pati ba naman sa pag-kain, hindi niyo kami bibigyan ng peace of mind?" pagputol ni Sol sa sinasabi ni Phen. 

Parang nananakit ang ulo niya kapag naririnig ang mga terms na 'yon. Siyempre! Kaninong ulo ba ang hindi mananakit doon? Ang hirap kaya no'n intindihin. Pwera na lang kung hindi ka pangkaraniwang tao at mula pagkabata ay 'yon na ang pinag-aaralan mo, o di kaya'y grabe ang pinag-aralan mo tungkol doon.

Splendiferous CrescentWhere stories live. Discover now